CHAPTER 7

31 3 0
                                    

Cath's P.O.V

One week ng nagsisimula yung klase pero hindi pa 'ko pumapasok. If I know wala namang gagawin. Puro introduce, orientation blah blah blah. Wala 'kong pake sa kanila kaya naisipan kong 'wag na lang pumasok. Hindi naman ako interesado sa sasabihin nila.

Isa pang rason ay dahil kay Johan. Oo dahil kay Johan! Bwiset s'ya! After n'ya kaming ihatid sa resort hindi na s'ya nagpakita sa'kin. Nag disappear na lang bigla! Hindi naman ako magkakaganito kung wala s'yang sinabing nagpacurios sakin!

Hindi naman ako affected sa pagkawala n'ya no! Curious lang talaga 'ko!

"I have a surprise for you"

Surprise surprise pang nalalaman. Nasan ang surprise?! Ay oo nga surprise. Nawala na lang s'yang bigla. What a wonderful surprise ^_^

Hindi ako affected!

Monday ngayon at napagisip isip ko ng pumasok. Pero di ako makaalis sa pamamahay ko dahil sa lintik na sapatos! Aba'y nakikipaglaro pa ng hide and seek eh malelate na 'ko!

Correction. Late na talaga ko! Bwiset na sapatos masyadong paimportante! Hindi naman ako pwedeng pumasok ng hindi nakasapatos. Edi sinuway ako! At kung seswertehin sa detention room ang bagsak ko. Hindi naman pwede yun, papasok pa lang ako, sa detention na agad? Masyado naman atang maganda yun.

Bago ko pa mabaligtad yung buong mansion namin ay nahanap ko na ang nagmamaganda kong sapatos!

Pagkasuot ko, takbo agad ako pababa. Agad akong sumakay sa big bike ko at pinaharurot papuntang school.

-----

Pagdating ko sa school agad kong tinakbo yung room namin. Thirty minutes na 'kong late!

Kumatok ako ng dalawang beses bago ko buksan yung pinto. Lahat ng mata ay napunta sa'kin. Sa tingin ko may pinapagawa yung teacher kasi lahat sila may nakalabas na libro.

"Yes miss? Are you belong to this class?" Tanong sakin nung teacher sa harap.

"Yes ma'am. Sorry I'm late." Magalang kong sabi.

Dapat lang maging magalang. Late na nga ako babastusin ko pa. Remember, ayoko sa detention ngayon. Next time na lang.

"I hope that won't happen again miss?"

"Cathriona Bernadette Gomez"

"Okay Ms. Gomez please sit beside Mr. Chrenz at the back. Then open your book in English."

Napairap na lang ako sa hangin. Malay ko ba kung sino si Mr. Chrenz. Tch! Basta umupo na lang ako sa dulo malay n'yo tama ako.

Nilabas ko na yung libro ko. Napatitig na lang ako dito dahil di ko naman alam kung anong page! Si ma'am may lahi ata ni Nathalie eh. Kulang kulang magbihay ng details!

Habang nagbubuklat buklat ako ng page. Tinanong ko yung katabi ko.

"What number?" Tanong ko.

Napansin kong napatingin s'ya sa'kin. Pero nasa libro pa rin yung atensyon ko. Narinig ko s'yang mahinang tumawa.

"Why so fast Ms. Gomez?"

Pinagsasasabi nito? Why so fast?! Ano bang sinabi ko?

"What number?" Ulit ko.

"Okay kung mapilit ka talaga. 0931---"

Napatigil ako sa pagbuklat ng libro at napatingin sa kan'ya. Pero nasa libro na ang atensyon n'ya.

"I mean what page?" Pagputol ko sa sinasabi n'ya.

Humarap s'ya sakin at halos manlaki ang mata ko nung makita ko s'ya. Anong ginagawa nito dito?

"Hi." Ngiting ngiti n'yang sabi.

"J-johan? Anong ginagawa mo dito?"

Nagpout s'ya sa sinabi ko pero halatang nagpipigil ng ngiti. Nilapit n'ya yung mukha n'ya sa'kin. As in malapit! Baka makita kami nung teacher at kung anong pumasok sa utak nun! Ano ba naman kasi 'tong ginagawa ni Johan?

"H-hey! Baka may makakit---"

"Surprise." Sabi n'ya sabay ngiti ng malapad. Akala ko ilalayo na n'ya yung mukha n'ya pero nagulat na lang ako nung hinalikan n'ya ko sa labi.

Mabilis lang yung paghalik n'ya sa'kin at bumalik na s'ya sa dati n'yang pwesto na parang walang nangyare. Habang ako natulala na lang

Eto ba yung surprise na sinasabi n'ya? Ang lumipat sa school na pinapasukan ko at...nakawan ako ng halik? Hindi ko alam kung anong irereact ko. Sa maikling oras ay nagawa n'yang patibukin ang puso ko.

Nung makabawi ako sa nangyare, humarap na ko sa libro ko at kunyareng nagbasa. Napapikit na lang ako ng madiin dahil hindi naman n'ya nasagot yung tinatanong ko! Paano ako makakapagbasa?!

Pasimple akong lumingon sa kan'ya para tignan kung anong page. Hindi naman ako nahirapan sa pagtingin at agad ko ding nakita.

Hindi ako makapag concentrate sa binabasa ko!!! Sino bang makakapagbasa ng matino kung ninakawan ka ng halik ng katabi mo?! Sino?!

Napahawak naman ako sa dibdib ko kasi hindi pa rin bumabalik sa normal yung tibok. Ano to? Nagustuhan?Naaabno na ba yung puso ko? Ano ba naman yan?! Ano bang ginagawa mo sakin Johan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MISTAKESWhere stories live. Discover now