Life sucks but I suck better.
Halos mabinat nang husto ang talukap ng mga mata ko, namimilog sa sobrang gulat nang mabasa ko 'yon. Sinunod ko lang naman kasi sina Aki at Chase. Basahin ko raw 'yon nang malakas and yes, I did!
"Gago, legit ba? Parang ang wild naman ng character ko 'pag gan'yan ang bio ko!" reklamo ko.
"Tanga, mabenta 'yong mga gan'yan sa Bumble!" sigaw ni Aki na halos ikasabog ng speaker ng laptop ko.
Sinegundahan pa ng jowa niyang si Chase ang kanyang turan. "Fact. Madami kang mabibingwit 'pag 'yan ang bio mo. Bagay naman sa personality mo talaga."
"Ay, wow!? Wala na ba kasing iba? Pang-Grindr naman kasi ang atake 'pag gan'to. Baka hindi lang din ako seryosohin." Ibinaba ko ang phone ko, sumalumbaba habang nakaiwas nang tingin sa screen ng laptop ko.
"Iba pa raw. Isip ka ulit, my Aki." Inutusan ni Chase ang jowa at halos umikot na naman ang mga mata ko nang mapansing hanggang sa video call ay naglalandian sila.
"Wait, what if..." ani Aki at tila nakuha ang atensyon ko dahil sa tono ng pananalita niya ay mukhang may naisip siyang something good...? He tapped his fingers playfully on his chin then said, "Everytime that life fucks hard, I just moan. If you fuck me harder, I'll moan louder."
"Putaragis na 'yan, Aki! Ano ba? Tigil... lumubay ka, please!" Kung pwede ko lang suntukin si Aki ngayon ora mismo nang hindi nababasag ang screen ng laptop ko, kanina ko pa ginawa.
"Why?" he chuckled. "I'm dead serious! Go type that one, Liam."
"Hey hey hey, medyo nasobrahan naman yata 'yon my Aki. Nagpaparinig ka ba sa'kin? Gusto mo na ulit? Kaka-hard fuck ko lang sa'yo no'ng isang araw, a?" saad ni Chase sa usual niyang serious mode tone of voice.
Are they even aware that I'm also here? Nakiusap na lang ako dahil awang-awa na ako sa sarili ko. "Hoy, 'tang ina n'yong dalawa! 'Wag kayong maglandian sa harapan ko, pakiusap lang ho. Chase, pigilan mo nga 'yang jowa mo."
"Hirap 'pag online, hindi mo malaplap." Chase licked his lower lip na medyo dry, slightly biting it as he narrowed his eyes in the most seductive way he could ever do to make his boyfriend feel something like butterflies. Wow, parang wala silang naririnig. Hello? Nandito kaya ako.
"Why naman?" tanong ni Aki in a way na cute naman pero na-cringe pa rin ako. Hindi ko alam, ang landi lang nilang dalawa talaga. Napaisip ako tuloy kung naging gan'to rin ba ako noon kalandi kay Bob or Leo. Nevermind, ayoko nang maalala pa.
"Daming ebas ng bibig mo, e! Dapat d'yan pinatatahimik," patuloy ni Chase sa dirty talks nila ng jowa niyang enjoy na enjoy.
Hindi ko na talaga kinaya pa ang kakalatan ng mga baklang 'to kaya naman sumabat na ako matapos makumpleto 'yong tina-type ko sa phone ko. "May naisip ako."
"Ano?" sabay na tanong nilang dalawa. Hindi naman halatang curious na curious sila at desididong magkaroon ako ng bio.
I cleared my throat, sobrang excited sabihin ang naisip kong bio. I started stating it with all my confidence. "I don't have time for games 'cause I've been played. 'Yung seryoso lang please."
Natahimik ang dalawa. Hindi naman sana sila naka-mute pero wala akong marinig na ingay. Is there something wrong sa sinabi ko? I asked, "Why? How was it?"
"Uhm. I guess... I mean, okay, for real, it's an eww for me!?" Ang awkward ng face ni Aki, nakita ko pang ngumiwi siya.
"Sounds bottom," said Chase frankly.
Sumagot agad ang jowa niyang si Aki kaya hindi ako nakasabat. "Yeah, bottom vibes. Akala ko ba versa ka, Liam?"
Binasa ko ulit yung tinype ko, oo nga. Baduy nga. Napakamot ako sa ulo, naiiritang sinabi, "Ano nga kasi? Wala akong maisip! Mag-suggest kayo, 'yong matino naman, please."
Mabilis na buntong hininga mula kay Chase ang natanggap ko. "Kung wala kang maisip, lagay mo na lang username ng IG mo sa bio mo."
Sinundan ulit ni Aki, sang-ayon siya ro'n. "Oo nga, 'yon na lang muna. Para makita nila ang masasarap mong pictures sa IG."
Muling nagsalita si Chase, kinukumbinsi ako. "Sige na, Liam nang makalimot ka na. Masisira na atay namin ni Aki ko, kakaramay sa inuman with heartbreak slash crying sessions mo."
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Guilty as sin ako ro'n, aminado naman ako. Ako si cry kapag umiinom na kami, hindi naman nila ako mahindian so they always accompany me. I love them both. Sinunod ko ang instructions nila and then no'ng may nakita akong unfamiliar option sa screen ng phone ko, I asked them, "I-li-link IG ko na lang ba? May option din na gano'n."
"Oo, i-link mo na rin pati Spotify at X mong makalat, ha ha ha!" Literal na mapang-asar talaga itong si Aki.
"Okay," sagot ko ngunit nang saka lamang mag-sunk in ang sinabi niya ay umalma ako. "A-Anong sabi mo? Hindi ako, nagkakalat sa X, a! Bugok, broken heart lang ako pero malinis pa naman dignidad ko."
Sumapna sa usapan si Chase, "My Aki, nag-e-X ka pa rin ba? 'Di ba... sabi mo, 'di mo na itutuloy pangarap mong maging alter?"
Tumawa si Aki, nakita kong itinaas niya't pinakita ang gitnang daliri sa screen. "Hoy*,* baka maniwala si Liam! Kung ano-ano sinasabi mo! Nagbabasa lang ako ng tweets do'n!"
Hindi ko naman maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang kasi sa X ay yung tweets ng page na minamanage nila Elfin at ng iba pang Libertians na hindi mahal ng mga mama nila, 'yon lang naman laman ng feed ko sa X. Napatanong ako, kahit nahihiya. "Ano 'yong a... alter?"
Natigil sa pagtatalo ang dalawa dahil sa tanong ko pero nauna akong pansinin at sagutin ni Aki. "Wala, 'wag mo nang alamin. Hayaan ka na lang namin maging inosente sa ibang bagay kunwari, kahit 'di ka naman na talaga virgin."
"Hoy, gago!" agad kong alma sa akusasyon niya sa'kin. Anong kinalaman ng virginity ko rito? Kainis.
Nagsalita si Chase at alam kong susuportahan niya lang naman ang jowa niya. "Kaya nga... kawawang virginity mo Liam. Na-fuck and run ka lang ni Leo."
Fuck and run? I just rolled my eyes saying, "Hayaan ko na 'yon sa kanya! Karma ko siguro 'to pero lagi kong pray, sana okay lang siya at laging masaya."
"Sana ikaw rin masaya," seryosong ani Chase.
Natameme ako, mga ilang segundong natulala lang. Napaisip tuloy ako kung mukha ba akong malungkot? Hindi ko alam. Bumuntong-hininga na lang ako at naisip ang mga ginawa nilang dalawa sa'kin. "Thank you, Chase at Aki. I really appreciate you guys especially those times na sobrang devastated ako tapos nand'yan kayo para damayan ako. I really thought I will never have friends again after what Grace did and all those issues against me, pero nand'yan pa rin kayo hanggang ngayon."
"And also si Johann... hmm," said Aki, tinitingnan niya ako na para bang may gustong iparating o marinig tungkol sa'kin.
"Naisingit mo pa talaga 'yan," tugon naman ni Chase, makailang beses niya nang sinasaway ang jowa niya. Actually, most of the times. Makulit kasi si Aki, naging makulit, I mean. Dati kasi no'ng hindi pa kami mga close, nonchalant lang silang mag-jowa.
"S'yempre, ship ko silang dalawa, e..." sagot ni Aki. Hindi maitatangging walang kilig sa pahayag niya.
"Obviously," replied Chase. "Anyway, nanliligaw na ba sa'yo 'yon?"
"Sino?" tanong ko. "Si Johann?"
BINABASA MO ANG
Play it Damn Straight
RomanceWhat do you do if one day, when you open the door to the person knocking, it turns out to be your ex-boyfriend, back with the baby of the woman he left you for? Liam has no idea. Instead of a shuffled playlist, Liam Ramirez's life feels stuck on rep...