BINUBUKSAN ko na 'yong gate at naramdaman kong nakababa na rin ng sasakyan si Johann nang marinig ko ang tunog ng kinabig na pinto ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na kalagan ako ng seatbelt, pagbuksan ng pinto at alalayan pa sa pagbaba. Ma-i-issue pa naman mga kapitbahay dito sa subdivision, or let's just say, simply because ayaw ko?
Normal lang naman na pumupunta sina Johann, Aki at Chase sa bahay namin pero this would be the first time na maliligo si Johann sa'min. Hindi rin naman kasi sila mahilig mag-overnight sa bahay, as in uuwi rin ng late or gabi. Hindi tumatagal ng isang araw. Ngunit bakit ko pa ba kasi naisipang sabihin 'yon? Ngayon hahanapan ko pa tuloy siya ng damit.
Tumahol si Sarsi dahilan para mahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at sinalubong niya ako, dog thingy. Wala nang mas sasaya pa sa reaksyon niya nang makita niya ako ulit umuwi. It felt like years nga naman sa kanilang mga pet kahit saglit lang akong nawala.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay nakita ko si Smeagol nakahiga sa sofa nakaunan do'n sa remote control. Pinaglaruan niya na naman siguro ang mga pindutan no'n. Bibili na naman ako ng bago kapag nasira niya. Kapag kasi na-bored na siya ay nginangatngat niya 'yong mga pindutan ng remote ng TV.
Plano ko sana itayo na 'yong cat tree niya saka 'yong bago niyang tulugan at litter box din yata, nakalimutan ko na tuloy sa katagalan, kaso tinatamad lang ako mag-set up at busy sobra sa course kong demanding.
"Ano 'yon?" tanong ni Johann. Napansin niya nga 'yong tatlong malalaking box at itinuro niya.
"Ah, para kay Smeagol 'yon, binili ko sa Shopee. Litter box, cat tree tapos bago niyang higaan or tulugan, I forgot, hindi ko pa na-u-unpack."
"Bakit hindi mo pa in-o-open? Don't you have time or you don't know how to set it up?"
"Both."
"How about today?"
"Today?"
"Yup, I can help you."
"May lakad ka 'di ba?"
"It can wait, saglit lang naman 'yan."
"Okay okay okay... sige na maligo ka na ro'n." Tumatango-tango na lang ako at tinaboy-taboy siya na parang manok.
Inamoy niya tuloy ang sarili niya pati ang kili-kili niya. "Umaamoy na ba ako? Sorry, nabilad sa araw, e..."
Oh my gosh, he misunderstood it. "Hindi naman, para ano... para mahugasan mo na 'yong grasa sa ilong mo," tawang saad ko.
"Yeah, oo nga pala."
I gave him a look and a head nod. I pointed towards the direction of our bathroom and told him he already knew it.
He just nodded too and said, "One sec."
Hindi naman siya mabaho, e. Sakto lang. I kind of like that 'sakto lang' smell of him after pagpawisan or mabilad sa araw. Kung ako 'yon baka amoy shawarma na ako, yikes! Kaya as much as possible gusto ko sa air-conditioned places or at least surrounded by nature o basta may trees sa landscape para fresh. Far away sa humidity!
Nagtungo ako sa kwarto ko at naghanap ng damit na pwedeng maisuot ni Johann. S'yempre ayaw ko naman mapintasan niya ako o ma-turn down ko siya. So, to strengthen his impression towards me, heto ako ngayon, naghahanap ng best clothes for him. May pupuntahan siyang lakad today, right? Napaisip ako.
Ano kayang bagay sa kanya? Should I gave him a business attire? Ano kaya? Aesthetic aesthetic korean boy gano'n? School boy? Mag-re-review ba siya or gagawa ng plates? Ano kayang event? Pinterest ano ba ma-su-suggest mo? I opened the app.
Aabutin ako ng pasko rito kahahanap! Baka patapos na maligo 'yon si Johann. Super bilis pa naman maligo no'n. Napailing na lang ako at tinigilan na ang pag-iisip.
"Sige na nga, smart casual na lang para sure," kausap ko sa sarili ko at naghanap na ako ng masusuot niya.
I happened to picked an army green pullover jacket with a fitted black shirt inside na round neck. Nilapag ko na both sa ibabaw ng kama. Then, I went back to wardrobe para hanapin ang pang-ibaba niya dahil mayro'n na akong top for him. After ng ilang minutong paghahalungkat at pag-de-desisyon, finally I got a baggy denim pants and a gray trouser, na hawak ko pa rin, I couldn't decide, mmm, so it's up for him kung ano gusto niya, goods naman pareho 'to.
"Good pareho," sambit ni Johann na ikinagulat ko dahil bigla ko na lang narinig ang boses niya.
"AY! GOOD!" Napitlag ako, as in, napadusog nang kaunti sa kinatatayuan ko. Sana hindi obvious.
"Sorry... nagulat yata kita," sambit niya. Shit. Napansin. Nahalata. "I prefer the one on your right."
"This?" I raised the gray trouser because that's the one na hinahawakan ko sa kanang kamay ko. I watched him na slanted na nakatayo sa doorway ng kwarto ko, nakatukod ang siko sa kanto ng pintuan at nakasandal sa kamay niyang nakasapo sa ulo niya. Napatingin ako sa towel ko na nakabalot sa trunk niya at natatakpan ang ibabang parte ng katawan niya. Wait, hindi ko dapat tingnan 'yon.
Nagkatinginan kami at sobrang awkward no'n. Baka kung anong isipin niya kaya naman ibinalik ko kaagad sa trouser na hawak ko ang mga mata ko. Hindi mabura sa isip ko 'yong pag-agos ng butil ng tubig mula sa buhok niya pababa sa dibdib... pababa sa pusod niya. Damn, how did I notice that? Kailan pa ako nagkaroon ng interest sa kanya? Wait. Whoa. That doesn't even mean I'm interested in him! I'm not. Geez. Ngayon lang 'to nangyari.
He nodded. "Yup! Love that."
Itinuro ko sa kanya ang mga damit na napili ko. Sinabi kong pumili ako ng sa tingin ko ay bagay sa lakad na pupuntahan niya. Naglakad siya mula sa doorway patungo sa kama ko at nakita ko kung gaano umaliwalas ang mukha niya, kuminang ang mata at lumawig ang ngiti sa labi sa hindi ko matukoy na tuwang siya lang ang nakararamdam.
"O, ano? Magbihis ka na, baka ma-late ka na sa pupuntahan mo."
"'Yon na nga, e... ano kasi, may sasabihin ako." His skin still slightly damp from the shower. He glanced at me after he noticed that I had already laid out a set of clothes on the bed for him to wear.
"Ano 'yon?" tanong ko. His eyes landed on the neatly hangered tops, but based on the way he looked at it by the second time he did, it seemed like he's looking for something else, like there was something missing. "Hey! I'm asking you Johann, what's wrong?"
Napakurap siya nang ilang beses at parang bumalik sa ulirat matapos matulala. Napalunok siya at nahihiyang tumingin sa 'kin. "Uh, w-wala akong brief?" saad niya at may pagka-hesitant pa.
BINABASA MO ANG
Play it Damn Straight
RomanceWhat do you do if one day, when you open the door to the person knocking, it turns out to be your ex-boyfriend, back with the baby of the woman he left you for? Liam has no idea. Instead of a shuffled playlist, Liam Ramirez's life feels stuck on rep...