chapter 53 [tag/fil]

1.8K 63 0
                                    

WALA pang limang segundo nang makalabas si Johann sa Starbucks ay bigla nang sumulpot sa magkabilang gilid ko sina Aki at Chase.

"Ay, sa'yo lang may formal goodbye?" saad ni Aki, nasa kaliwa ko siya. "Hello! Kaibigan din naman tayo, 'di ba?" dugtong pa niya at sinilip si Chase para antayin ang pag-sang-ayon nito sa kanya.

"Tama ka na, accla!" sabi ko at bago pa nila ako maakbayan ay naglakad na ako pabalik sa table namin.

"Ano na nga 'yong i-cha-chat ko? Nakalimutan ko na tuloy, kayo kasi, e..." saad ko habang naglalakad at alam kong sinusundan nila ako. Nilingon ko sila sa magkabilang gilid ko at todo silip nga sila sa screen ng phone ko.

"Si OA 'wag mo na i-block 'yong nakakausap mo, malay mo siya na si Mr. Right," sabi ni Aki tapos nagtinginan sila ni Chase.

"MR. RIGHT!? HUY!" sabay nilang sabi at biglang nag-apir sa harap ng mukha ko, as in nagulat ako at muntik na nila akong makompyang.

Tinabig ko silang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad. "Hindi ko naman i-blo-block, sinabi ko lang 'yon kasi nand'yan si Johann, kayo kasi bakit n'yo pinaalam!? Alam niyo naman na matagal nang may gusto sa'kin 'yon... alam niyo na ngang patay na patay sa'kin 'yong tao."

"Ay, o! Si Maganda pala 'to, e!" ani Aki at humarang sa daraanan ko. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Si Malakas at si Maganda kamo, lakas e... haba ng pubic hair!" sabi naman ni Chase na nasa likuran ko naman at hinaplos ang buhok ko sabay dakma sa itlog ko.

I wasn't expecting that. Pakiramdam ko ay may electric shock na dumaan sa katawan ko. "Umuwi na nga tayo, ang kalat niyong dalawa."

"Pero Liam, mag-decide ka na kasi kung si Johann ba o kung 'yong nakakausap mo sa dating app," ani Aki at nabalik na kami sa table namin.

Nauna akong humila ng upuan. "Napaka-OA mo naman kasi, kaka-start lang namin mag-usap kagabi, ano ako easy to get?"

"Ano pa nga? E, 'di ba jinakol mo lang si Leo tapos for the one fucking night stand lang kayo then mahal mo na?" dire-diretsong pakli ni Aki, loud and clear. Is there a way ba na malagyan ng filter ang bibig ng taong ito?

"Hoy, ang ingay mo!" Nilapirot ko 'yong bibig niya sa kamay ko. "Bago naman mangyari 'yon, he already did a lot of things na to make me fall in love with him."

"While you're still with your ex-boyfriend Bob," sabat ni Chase with emphasis and conviction. Hindi na siya na naupo, nakatayo na lang siya sa likod ng upuan ni Aki at nakatukod ang kamay do'n sa sandalan.

"That's why I broke up with him," I replied.

Bumuntong-hininga si Chase. "Sa bagay, Leo was still with Colleen din naman that time."

"Hay, ang dalawang acclang pulang watawat na bumagsak din kaagad ang bandera matapos ang panandaliang pagwagayway," saad ni Aki na halos ikatawa ko sa sobrang kata nang pagkakasabi.

"And they live unhappily ever after," dugtong ni Chase. Hindi talaga lulubay ang dalawa na 'to sa pagpuntirya sa'kin today.

"Hoy, masaya na 'ko ngayon!" Tinigilan ko muna saglit ang pagtingin sa phone ko then I reclined on my seat soon as I crossed my arms pagkatapos kong ilapag ang phone ko sa ibabaw ng lamesa.

"Sige nga, kung totoo... makipag-meet up ka sa nakaka-chat mo bukas na bukas," sambit ni Aki at may tono ng panghahamon sa kanyang pagbigkas.

"Bukas?" tanong ko, nananatili sa posisyon ko pero ang kinaibahan lang ay nagtaas ako ng kilay.

"Yes, bukas hindi tomorrow," tugon ni Aki. Wait, parang parehas lang 'yon, a? Medyo nalito ako. Baliw talaga.

"Okay, i-chat ko pa siya ngayon, e! 'Yon lang ba?" dali-daling sambit ko't kinuha ang phone na naghihintay sa aking kamay. "Tsk, 'yon naman talaga gagawin namin, e. Easy!"

"To get," pakli ni Aki sabay tingin kay Chase sa likod niya at matapos mag-apir muli ng mga kamay nila ay tinawanan nila ako.

"Gago," sabi ko at in-open at ni-navigate ko na ang phone nang kay tulin. "Dine-dare niyo ko, a! Akala niyo hindi ko kayo papalagan?"

"Palaban si ate mo," natatawang ani Aki. Nakatitig lang siya sa ginagawa ko.

Duda sila? Bakit? Tototohanin ko kaya. "Talaga, oh, i-cha-chat ko na, oh!"

"Go!" sabay nilang sabi.

Nagsimula na akong mag-type sa screen ng phone ko nang ma-open ko ang dating app at mabuksan ang chats namin ni Lay-O. Binasa ko 'yong tina-type ko bago ko i-send. "Hey... meet me tomorrow."

"Tingin ng pruweba?" saad ni Aki at kaagad ko namang hinarap sa kanilang dalawa ang phone ko. "Okay, good."

Then niyaya ko na silang umuwi at bago kami makaalis sa table namin, noong pagtayo namin biglang nahagip ng paningin ko MacBook ni Johann.

"Luh! Naiwan ni Johann ang laptop niya!" gulat kong ani at nang ma-confirm na kay Johann nga talaga 'yon ay napagdesisyunan namin, nila pala, na ako na raw ang mag-uwi at magsauli no'n 'pag may time.

Hindi na ako nagpahatid pa kina Chase at Aki dahil baka gabihin sila masyado kasi ihahatid pa ni Chase si Aki sa kanila. Sinabi ko na lang na if ever magtanong si Johann sabihin na lang nila na hinatid nila ako. Nag-commute na ako sa bus pagkauwi no'ng dalawa. Kipkip ko ang laptop ni Johann tapos nang makauwi sa bahay ay kinuhanan ko iyon ng picture at ipinadala ko sa kanya.

He replied to my message and thanked me. He also said na nawala na sa loob niya nang maalala niyang may gagawin siya. Nilinaw ko pa nga, kasi 'di ba ang sabi niya sa'min may bibilin siya dahil may kukumpunihin sa likod-bahay nila 'yong Dad niya. Oo, reply niya. 'Yon nga raw ang ibig niyang sabihin. Ni-reply-an ko na lang siya ng: "HAHAHAHAHA OK."

Tinanong ko rin siya kung kailan ko isasauli ang laptop niya. Kailan 'ka ko siya free? Ang sagot niya, saka na lang daw dahil may gagawin raw siya bukas. Sa'kin daw muna pansamantala at importante raw ang lakad niya bukas. Naalala ko may meet up nga rin pala ako ro'n sa ka-chat ko sa dating app so I told him that I have to run an errand rin tomorrow, so next time na nga lang sabi ko.

Hindi naman na siya nagtanong kung saan ang lakad ko. Weird. Kapag kasi tungkol sa'kin at sa mga pinupuntahan ko he always kindly asks me kung para saan or what ang lakad ko. Himala, hindi talaga siya nag-usisa pa. Ang reply niya lang: "Oh, I see." 

Play it Damn StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon