chapter 62 [tag/fil]

524 18 0
                                    

PINANOOD ko kung paano naglaho sa paningin ko ang kotse ni Johann nang mag-drive na ito palayo sa bahay. Papunta na siya ngayon sa lakad niyang sinasabi and hindi ko alam kung ano 'yon dahil hindi niya rin naman ako binibigyan ng clue or hint. Wala talaga siyang balak, and I know, it's too personal naman, I should not meddle with it.

Bago 'yon, I made sure na binayaran ko siya ng cash. I paid it fully lahat ng total expense today for Bob and Makisig. Naisip ko kasi baka ibalik lang din niya sa'kin 'pag i-bank transfer ko. Pahirapan pa nga ako sa pagbabayad kanina dahil ayaw niyang tanggapin talaga. Mabuti na lang napapayag ko siya dahil tinakot ko siya na hindi ko na siya papansinin kahit kailan or hindi na ako sasama kina Aki, Chase at sa kanya kung magmamatigas siya.

E, 'di 'yon... tinanggap niya at hindi na siya nakatanggi pa.

One thing na nasa isip ko ngayon. I would uninstall na 'yong dating app ko because I want to stop using it kaso gusto kong i-meet in person 'yong Lay-O na nakaka-chat ko ro'n para ma-ease na 'yong worry ko at hindi na ako mag-overthink pa kung siya nga ba talaga 'yon o hindi. Isa pa, Aki and Chase dared me to do it na rin naman. I'll give it a try and sasabihin ko sa kanya, roon sa Lay-O na 'yon kahit kung sino man siya, I will stop na from using Bumble dating app and will refrain from talking to him na.

Is it because of Johann? I think so. I want to give him a chance.

I looked at the time on my phone, and maaga pa. I went back inside the house at bumalik muli sa kwarto. Makahiga muna sa kama at makapagpahinga. Sobrang daming nangyari ngayong araw kaya naman deserve kong mag-relax o mapag-isa muna. I hope Bob and Maki were having fun now roon sa event and might as well Johann sa pupuntahan niya.

Damang-dama ko ang lambot ng kutson na lumalapat sa katawan ko at sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko para mas lalong maging comfy. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nang hindi ko namalayang pumikit na pala ang mga mata ko at nang oras na dumilat ang mga ito, una kong hinanap ang phone ko, and there I realized, it was 10:00 PM already.

Shit!

Kung hindi ako nagkakamali, after lunch na umalis si Johann mga 12:00 NN or around 1:00 PM na 'yon. Ilang oras akong nakatulog? Nine? Ten?

I opened the internet connection of my phone at natadtad ako ng notifications na majority ay galing sa Bumble. Shit! Saka ko lang naalala na today nga pala 'yong meet up namin ni Lay-O!

Oo ngayon nga 'yon. I immediately opened the app to check if he's the one who bombarded me with messages or baka naman possible matches lang 'yon. Hindi naman siguro siya maghihintay ng ganito katagal kasi ang usapan namin ay mga alas-dos ng hapon or alas-tres. Meryenda time daw kasi magme-meryenda date kami, haha.

Sabi ko pahinga lang, e! Akala ko nakaidlip lang, bakit naman nag-sleeping beauty!

"Gago, naghintay siya!" malakas kong sambit at si Sarsi na ngayon ko lang namalayan na katabi ko pala ay nagulat. Nagulat din ako tuloy kasi tumahol siya.

Hindi ko ilan kung nakailang mura na ako habang nag-ba-backread at binabasa ang chats niyang mostly ay nagtatanong kung nasa'n na raw ba ako at nando'n lang siya sa SM naghihintay sa'kin. Chat lang daw ako 'pag papunta na ako.

Na-realize ko 10:00 PM na, possible sarado na 'yong SM tapos bigla siyang nag-chat no'ng nakitang online ako.

Huy, nandito ako nakatambay sa KFC haha.

Kumakain, nagutom na ako, e.

Ano? Papunta ka na?

Sarado na pala SM kanina pa, pinalabas na nga ako ng guard, e.

Joke lang, tropa na kami kanina kaso nagutom na ako, iniwan ko na.

So saan tayo magkikita niyan?

Napakarami na niyang nasabi, wala pa man din akong na-re-reply sa kanya. Nag-sorry ako sa kanya dahil ang irresponsible ko. Sinabi kong nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Ang dami kasing nangyari today, sabi ko.

He said, that was okay and totally understandable. And then biglang tumawag si Papa, hindi ko alam kung bakit. Hindi na muna ako nag-reply kay Lay-O dahil saglit lang naman palagi kung tumawag sa'kin si Papa. Unahin ko muna siya. Kumakain naman daw siya sa KFC, so go lang.

I answered the phone call and started talking to my Papa. "Hello, 'Pa?"

"Hello, 'nak... alam mo na ba? S'yempre, hindi..." Alam kong mapagbiro si Papa pero bakit iba 'yong pakiramdam ko ngayon.

"Ano 'yon, 'Pa?" tanong ko dahil the way na mag-start 'yong call, ramdam ko may mali talaga.

I waited for a moment at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Kinasal na si Leo today."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulala o nawala sa sarili. Basta narinig ko na lang muli ang boses ni Papa na tinatawag 'yong pangalan ko. Paulit-ulit na tinatanong kung nasa kabilang linya pa raw ba ako, okay lang ba ako at pwede ko raw bang i-turn on ang camera ko?

Sinabi niya pang naririnig niya raw akong umiiyak kaya 'wag ko nang itago pa. Naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko at tama nga si Papa, siya pa ang nakapag-pa-realize sa'kin na umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Bakit? Bakit ko pa rin nararamdaman 'to? Akala ko ready na ako sa kung ano mang mangyari sa kanya o sa kanila ni Colleen. Sabi ko tanggap ko na talaga lahat-lahat. Sabi ko nakaka-move-on na ako at kaunti na lang makakalimot na ng tuluyan pero bakit sa isang sentence lang na 'yon na sinabi ni Papa, tila ba isang pitik lang at bumalik na muli ang sakit ng kahapon. 'Yong araw na nagising akong wala na si Leo sa tabi ko, iniwan ako at sumama sa babaeng napagtanto niyang dinadala nito sa sinapupunan ang magiging anak niya. Bakit masakit pa rin?

Ngunit panandaliang nahinto ang aking pag-iyak nang muli kong marinig ang sinabi ni Papa at hindi ko ine-expect na maririnig ko 'yon sa kanya.

"Alam ko na ang lahat-lahat anak," sambit niya't huminto saglit. "Lahat ng tungkol sa inyo ni Leo at sa kung ano ka anak, tanggap kita. Buong-puso. Walang nagbago."

Play it Damn StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon