"ANONG NANGYARI?" tanong ko na agad mga nasa dalawang dipa pa lang ang pagitan namin kay Bob.
Hindi siya kaagad sumagot dahil tila wala na ito sa huwisyo. Sinubsob niya ang mukha niya sa dalawang palad niya't inihilamos ito roon nang paulit-ulit. Napailing siya at kagat-labing pinipigilang maiyak.
Hinaplos ko siya sa kanyang likuran at binigyan ko siya nang tingin na para bang pinapalakas ang loob niya, na kung ano man 'tong nangyari ay handa akong tumulong at gawan ng paraan sa abot ng aking makakaya.
Pinagmasdan ko ang nagkalat na mga pagkaing nakalagay sa transparent na disposable container at tupperware sa kalsada at sa tricyle na sinasakyan niya. 'Yong malaking sako bag din na nasa bubongan ng tricycle at likuran ay sumambulat sa kalsada. 'Yong nasa loob naman ng tricyle at sabog-sabog na rin at hindi na talaga mapakikinabangan pa.
"Bob, pwede ko bang malaman kung para saan ba 'yang mga 'yan?" tanong ko habang inaakay siya papunta sa gilid ng kalsada. "Don't worry, I'm here to help."
Doon na siya nagsimulang umiyak at doon ko lang nalaman na dadalhin pala nila 'yon sana ng boyfriend niya roon sa shelter for the homeless kids, 'yong mga rescued on the streets o mga batang iniwan ng magulang and the other one is a facility of a private advocacy group that is helping middle-aged men or some of them are almost elderly na may HIV/AIDS. Kaya pala ganoon karaming foods ang nakikita ko at saka Founding Anniversary daw kasi ng dalawang nabanggit niyang charity na 'yon.
"Anong nangyari ba?" tanong ko at sunod na pinagmasdan ang paligid. Walang gaanong sasakyan na dumadaan dahil medyo bukirin itong highway na 'to at malayo sa city. My home has always been far to the city that's why I always have to take the bus to go home pa and travel for like almost half an hour before I can finally get there sa subdivision where I live.
Hindi pa sumasagot si Bob pero hinihintay ko pa rin at mukhang malapit na siyang mag-open up. Mukhang kalmado na siya at makapag-iisip na ng tama. Sana. I think it had finally sunk in sa kanya what happened.
I assured him again, "If there's something I could do to help, let me know. As in right now, we're gonna fix this matter."
Hindi pa rin sumagot si Bob, malungkot lang. Napatingin ako kay manong driver na kanina pa pumupulot no'ng mga pagkain na p'wede pang mapakinabangan. Itinatabi niya at ipinapasok sa loob ng tricycle niyang may mga gasgas at tama. Tama ba 'tong naiisip ko? I asked him instead sa kung anong nangyari and he willingly gave his answer while his making his way towards us.
"May tumawid na aso kanina, boss, e... iniwasan ko 'yon tapos may kaskasero naman kaming nakasalubong, hindi man lang nag-menor sa pagmamaneho," saad ni manong tricycle driver na may kaunting galos sa braso dahil tumilapon daw siya sa kalsada at maswerteng si Bob ay nakatalon sa damuhan kaya hindi masyadong nasugatan.
"So, na-hit and run pala kayo?" sambit ko at napailing na lang nang tumango si manong saka si Bob. Sinalpok daw sila ng motor, sobrang bilis kaya sobrang lakas din ng impact at nagiliran ang sinasakyan nila. Hihingi raw ito ng tulong tapos hindi naman na sila binalikan. Mabuti na lang daw at dumating kami.
Pawisan na ako at sobrang init dito sa kalsadang nahintuan namin. Kaagad kong tinanong si Johann kung anong oras na. Nang malaman ay tinanong ko si Bob kung aabot pa ba kami. Sabi niya kung bibilisan namin ay may possibility pa naman.
"Nasa'n nga pala si Maki?" tanong ko dahil ayon sa kanya ay silang dalawa ang may plano nito. Nagtataka ako kung bakit wala rito ang boyfriend niya.
"'Yon nga, e... na-flat-an 'yong sasakyan niya at nasiraan din ng makina, basta ayaw mag-start. Ma-le-late na kaya naman sinabi ko sa kanya mag-commute na lang ako, pumayag naman siya saka naka-send location naman ako sa kanya, he can easily see where am I for him to pick me up kapag naayos na 'yong sasakyan. Wala rin kasing malapit na car shop or talyer kung saan nasiraan kami," paliwanag ni Bob.
Johann hatid Bob and Liam sa fast food para order food. Johann then punta jowa ni Bob then tulungan niya makahanap pagawaan ng sasakyan or tao na hehelp sa kanya.
Damn, this day was just so cruel to the both of them. I planned things as quick as I can and did what could be the best decision. I took the initiative and they followed my lead.
Una kong nilapitan si Johann at hinatak siya palayo nang kaunti kina Bob at sa tricycle driver. I told him na wala akong cash na dala right now at nasa bahay ang card so I have no chance to withdraw. Sinabi ko sa kanya it would be a waste of time kung ihahatid niya ako sa bahay para kunin 'yon at bumalik kila Bob para tumulong.
Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ay naintindihan niya na agad kung anong gusto ko. "Yeah, that's fine. I'll handle all the expenses, I understand taht you wanted to help him and that's the right thing to do. I'll do the same if I encounter that myself, so no problem, 'kay? Got you!" Johann patted me on my shoulder and then he gently squeezed it again one final time. Medyo naging habit niya na yata hawakan at pigain ang balikat ko, or what do you call that part sa anatomy? Deltoid? Nevermind. That's a boring subject.
"Thanks, Johann... I'll pay you back soon as we finished this problem, okay?" Pinanatili ko ang boses kong mahina at I tried to make this discord as short as it should. "Uh-uh-uh, shh... I know what you're gonna say, I'm not gonna let you do that. It's not libre, baliw ka! Sasapakin kita d'yan, umayos ka. Hindi mo 'ko asawa para gastusan ng gano'n gano'n lang," sabi ko pa at patuloy ako sa pagsasabi na 'wag niyang ituloy ang naiisip niya. He's being too generous when it comes to me and hindi ko 'yon deserve. I'm such a douchebag.
"I'm fine with that, anything for my—"
I rolled my eyes. A 'yan na naman kasi siya sa favorite line niyang 'anything for my crush'. I stopped him, shushing his soft lips by my pointing finger. "Shh, not this time." Sinenyasan ko siya na manahimik, pinandilatan ng mata at niyayang sumunod sa'kin pabalik kila Bob.
BINABASA MO ANG
Play it Damn Straight
RomanceWhat do you do if one day, when you open the door to the person knocking, it turns out to be your ex-boyfriend, back with the baby of the woman he left you for? Liam has no idea. Instead of a shuffled playlist, Liam Ramirez's life feels stuck on rep...