chapter 47 [tag/fil]

4.7K 190 1
                                    

“OO, si Johann! Sino pa ba ‘yong ibang may gusto sa'yo? Ano? Nililigawan ka no'n?” Itong si Aki, giyang-giya makarinig ng update about me and Johann. Kung hindi niya lang jowa si Chase, mapagkakamalan ko na siyang may gusto kay Johann.

“H-Hindi pa…?” utal na sagot ko’t hindi ko naman talaga alam kung ano ang isasagot ko. Maski ako’y naguluhan sa tanong niya.

“What do you mean by hindi pa?” Si Aki ang unang umalma… na naman. He's always greedy for an explanation and always the one with lots of follow-up questions. “Hindi pa… kasi hindi mo pa pinapayagan o hindi pa kasi hindi mo pa sinasabi kung p’wede na?”

Napaisip ako sa tanong niya and after a while, I just said, “Both.”

“M’kay… kung ayaw mo sa kanya talaga, hindi ka namin pipilitin pa.” Medyo napalayo sa screen si Aki, hindi masaya sa reaksyon ko. Gaano na nga ba katagal mula nang i-push nila ako kay Johann? Hindi ko na alam. Probably, mula nang mapansin nilang grabe na ‘yong lungkot at pagbagsak ng health ko after what Leo did. Yeah, Johann has been my company since then and up until now, he's not leaving me. Always by my side, but not right now. He's busy right now, I think. Architecture things… and it's his fourth year, and maybe the universe should congratulate him for surviving dahil one year na lang, makaka-graduate na siya.

“Hindi naman sa ayaw, ayoko lang naman na magmukhang rebound siya,” saad ko matapos nilang hintayin ang sagot ko.

“Wow? Naging kayo ni Leo, ‘te?” biglang rebutt ni Aki. Na-hurt ako ng very slight do’n, a!

Napaisip tuloy ako. “Medyo,” sabi ko na lang. Medyo!?

Hindi sila sumagot at kitang-kita ko ang facial expressions nilang parang sinasabi na buti naman alam ko ang totoo. Alam ko naman talaga ‘yon, hindi naman talaga malinaw kung ano nga ba ang mayro'n kami ni Leo noon. Parang ang lahat ay idea at concept lang ng love pero wala naman talagang relationship. 'Di ko nga rin sure kung may love nga ba talaga siya para sa'kin. Hay, ewan! Friendship, oo, mayro'n… na nagkaroon ng benefits later on. FWB na lang siguro talaga ang mas malapit na term.

Napaisip ulit ako sa kung ano'ng mayro'n naman kami ni Johann. After a long silence, I said what's on my mind. “Johann and I, it's… it sounds too good to be true,” I paused, staring at their neutral reactions, “I mean, sa ganitong state ng emotions ko, siguradong masasaktan ko lang siya.”

“But you're okay using dating apps?” asked Aki then I noticed Chase, he seemed to be in deep ennui as this conversation kept rolling.

“Past time lang, okay? Gusto ko lang ng ibang kausap bukod sa inyo,” paliwanag ko. “Hindi naman sa ayoko kayong makausap, gusto ko lang ng distractions. Ayaw ko lang do'n sa Grindr app na sinuggest n'yo, sobrang bastos nila. Walang seryoso.”

“Kaming dalawa lang ni Chase ‘yong naiiba,” ani Aki. Proud, huh? Sila lang daw ang seryoso sa dating app na 'yon, so the rest nga ay for hookups lang? Anong akala ba nila sa'kin? Malandi?

Si Chase na kanina pa walang imik at hinahayaang kumuda lang ang jowa niya ay sumabat na. “Saka nagamit na ni Aki ‘yong Bumble dati, sabi niya sa'kin, right, heart?”

Narinig ko na naman ang call sign nilang unique na rare lang din naman nila gamitin.

“Yup, heart, all good naman 'yang Bumble. Ingat ka na lang sa mga poser, ha ha ha!” sagot ni Aki matapos akong tawanan.

It seemed to be all set up na ang dating app ko. Medyo pagod na rin akong kausapin ang dalawang ‘to. I-let go ko na sila para makapaglambingan pa sila. “Hay, wala talaga akong alam at kahilig-hilig sa mga gan'to. But thanks, I'll try.”

Play it Damn StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon