Magdamag akong nakapikit pero ramdam kong gising ang diwa ko.
Hindi ako makatulog.
Hindi makakain.
Hindi ako pumapasok.
Magdamag nakahiga.
Nakalock lang ang pinto at walang nagtangkang buksan iyon dahil walang gugustuhin na makita nila na magalit ako.
"Laimer? kumain ka na, pinagluto ka ni Mommy"
rinig kong sabi ni Ate mula sa labas pero wala akong pakealam.
"Laimer?"
Pero hindi ko pa rin siya sinasagot.
"Hindi ka ba papasok? Isang linggo ka ng hindi pumapasok"
Oo.
Isang linggo akong hindi pumapasok.
"Laimer magsalita ka nga jan! May bisita ka!"
Sigaw pa rin niya kaya napamulat ako sa sinabi niya.
"Mga barkada mo."
Nadismaya ako na narinig ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nga ba.
"Wag na wag mo silang papapasukin dito!" Sigaw ko.
"Laimer umayos ka nga!" Narinig kong sigaw ni Clifford.
"Laimer promise hindi na ako kakain papasukin mo lang kami" sabi naman ni Alvin.
"Hindi na rin ako mang chichicks..promise" si Neri
"Mag mamatured na ako papasukin mo lang kami." Si Kyle
"Hindi na ko mag pho-phone o mag cocomputer o mag lalaptop lagi! Pangako" si Mark.
Napangiti ako sa sinasabi nila.
Naaawa ako dahil nadadamay sila.
"1,2,3 Miss ka na namin!"sabay-sabay na sigaw nila
"Guys sorry kung nadadamay kayo..pero wag muna ngayon.." sabi ko at alam kong rinig nila yun
"Ok lang Laimer basta nandito kami na mga kaibigan mo, pumasok ka na" sabi naman ni Clifford.
"Oo..babalik din ako"
at narinig ko ang mga yapak nila pababa ng hagdan.
Agad din akong bumalik sa higaan at pumikit.
Pero wala pang isang oras ng may narinig akong nagsalita sa labas.
"Are you sure about this?" Rinig kong sabi ni ate
"Ate Monique maguusap lang kami, handa akong harapin ang lahat"
para akong nabuhayan nung marinig ko ang boses niya pero hindi ko magawang gumalaw o imulat man lang ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Amnesia Love (COMPLETE)
Teen FictionNormal lang naman ang buhay ko.. Hindi mo masasabing sobrang normal talaga kasi gwapo ako, habulin ng mga babae, mayaman at habulin talaga ng mga babae. Ang kaso, ayaw ko naman sa ganun. "Masungit. Antipatiko. Suplado." Yan lagi kong naririnig pero...