*Chloe's POV*
This is it.
Ngayon na ko aalis..
Gagawin ko to para kay Laimer..
sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa exit.
Hindi ko pa rin maiwasang isipin na pupuntahan niya ko dito,
at sasabihing wag ko nang ituloy umalis at magsisimula ulit at magiging kami.
Napangiti ako sa sarili kong naisip.
kalokohan.
"Chloe are you sure about this? Hindi mo pa siya nakakusap ng maayos?"
mahinang sabi ni ate Lovery na kasama si ate Monique.
"Para sakaniya to ate kakayanin ko.
I will do it."nakangiting malungkot na sagot ko.
"Chloe, alam kong mahal ka ni Laimer"
pagpapalakas ng loob na sabi niya kaya nginitian ko lang siya.
"Alam ko ate, alam ko pero sabi nga niya hindi yun sapat na rason para magbalikan kami dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya"sabi ko
"Pero pano ka?" tanong niya ulit
"Baka hindi mo kayanin, hindi mo ba sinabi sa kaniya ang sakit mo?"
Tanong naman ni ate na ikinaiyak ko.
Alam kong gising siya nung pinuntahan ko siya..
kaya hindi ko binanggit ang sakit ko, ayaw kong sabihin dahil ayaw ko namang maawa lang siya sakin
ayaw ko maging selfish tulad ng sinabi niya sakin.
"Hindi ko naman kailangang sabihin sakaniya yun ate ayaw ko naman babalikan niya lang ako dahil nalaman niyang mamamatay din ako." malunggkot na sabi ko.
"Omaygad." napatakip si ate Monique sa bibig niya siguro dahil na rin sa gulat.
"Please ate Monique, don't tell him anything please..."pagmamakaawa ko sakaniya.
Agad niya namang hinawakan ang kamay ko at tumango siya.
"Why do you love him so much? why do you have to sacrifice?" tanong niya na ikinaluha ko pa lalo.
"Ate Monique, everything is worth it when it comes to him"nakangiting sabi ko sakaniya
"Kaya ate please, kung kailangan gawin niyo ulit kay Laimer ang ginawa niyo dati na makalimutan niya ko, para mabuhay siya ng masaya, para hindi niya ako maalala. Ang gusto ko lang ay mabuhay siya ng masaya."
nakangiting sabi ko pero malungkot yun at kita ko din ang pag-iyak nila ate.
Oo..
BINABASA MO ANG
Amnesia Love (COMPLETE)
Genç KurguNormal lang naman ang buhay ko.. Hindi mo masasabing sobrang normal talaga kasi gwapo ako, habulin ng mga babae, mayaman at habulin talaga ng mga babae. Ang kaso, ayaw ko naman sa ganun. "Masungit. Antipatiko. Suplado." Yan lagi kong naririnig pero...