Chapter 19

1.3K 48 0
                                    

---------AFTER 10 YEARS AGO---------

*Laimer's POV*



'RING!RING!RING!' ano ba yan bakit ang ingay?!




Agad kong itinakip sa tenga ang unan dahil sa sobrang ingay.



Halos di pa ata ako nakakatulog ng isang oras ah -.-




'RING!RING!RING!'




agad kong kinapa ung sa gilid ng kama ko pero nakapikit pa rin ako dahil sobra talaga akong inaantok.





Pagkamulat ko sa mata ko kung anong oras na ba.





0_O 8:30 am na!!!!!!






Agad akong napabangon sa higaan ko at dumeretsong banyo.





Dali-dali akong naligo at nagbihis.





Pagkababa ko sa hagdan agad akong tinawag ni ate.





"Woi Laimer?! anong oras na?!"




Tanong niya bigla kaya agad kong tinignan kung anong oras na sa wrist watch ko.





"Mmmm 9:10am na"agad kong sagot at kumuha ng pandesal na dalawa at agad yun isinubo.






"Alam ko! At late ka na!"






Panenermon nanaman niya -.-






"Alam mo ng late ako tatanungin mo pa kung anong oras."





Nagtatakang tanong ko at humigop agad ng kape.





"Namimilosopo ka nanaman! Alam mo bang 10 minutes ka ng late! At malalagot ka kay Dr. Sanchez. Last warning na 'to diba?!" Inis na sabi niya.





Binilisan kong ininom ang kape ko at agad sumubo ng isa pang pandesal at nagsimulang maglakad.




"Ipagdasal mo na lang ako para hindi ako ilipat ni Dr. Sanchez."nakangiting sabi ko at agad tumakbo palabas.




Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar yun.





Mabilis kong minaneho yun patungo sa Hospital.





Last warning na 'to sakin ni Dr. Sanchez at baka ilipat niya ko sa ibang hospital






Agad kong ipinark ang kotse sa basement at agad kong inayos ang itsura ko sa salamin.





*inhale* *exhale* *inhale* *exhale*






Pagkatapos kong gawin yun ay agad akong bumaba sa kotse at binilisan kong pumasok sa Hospital.





Pero nagulat ako ng makita ko si Dr. Sanchez na makakasalubong ko kaya agad akong naglakad pabalik na parang palabas na ako ng hospital.





"Dr. Escarlan?"narinig kong tawag niya kaya humarap agad ako sa kaniyang nakangiti.




"Oh Dr. Sanchez? Palabas ka na rin?" kunyareng tanong ko pa sakaniya sabay turo sa labas.





"Oh really Dr. Escarlan?"parang nagtatakang tanong niya.




"Mmmhhhmm."nakangiting sabi ko na sabay tango pa.



Amnesia Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon