"Hindi ka pa ba matutulog? Gusto mo tulungan kita?"Umiling si Elisa bilang sagot sa sinabi ni Andrea— ang katrabaho niya at kaibigan. Bakas sa mukha nito ang pagod at antok kaya tinanggihan niya ang alok ng kaibigan. Isa pa, kaya naman ng gawin ni Elisa ang gawain na inatas sa kaniya. Ayaw din naman niya na maging sagabal sa mga katrabaho at gumawa ng pagkakamali lalo na't dalawang linggo pa lang siya rito. Sa madaling salita, ayaw niyang mawalan ulit ng trabaho.
"Magpahinga ka na, Andrea. Malapit na rin naman akong matapos kaya sige na, pumunta ka na sa silid mo." Aniya Elisa ng may ngiti sa mga labi habang pinagpapatuloy ang ginagawa.
Kahit na nag-aalangan si Andrea ay wala na rin itong nagawa kundi tumango at paalalahanan si Elisa na patayin ang ilaw sa kusina bago siya nito tuluyang iwan. Pinagmasdan muna ni Elisa maglakad ang kaibigan at nang mawala na ito sa paningin niya atsaka niya muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Kailangan niya na talaga 'tong matapos, inaantok na rin siya at kailangan pa niyang magising ng maaga bukas.
Nilagay niya sa lalagyan ang mga platong napunasan na pati na ang mga kopita at kutsara. Doble ingat ang ginawa ni Elisa sa pagbabalik ng mga kagamitin sa kani-kaniya nitong mga lalagyan. Isang maling galaw, paniguradong mababasag ang mga ito at wala siyang pera pambayad kapag nangyari iyon.
"Sa wakas." Tila nagbubunying aniya nang matapos.
Malawak na ang ngiti sa labi niya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya. Masyado na siyang maraming nagawa ngayong araw at tila ba binugbog ang katawan niya sa sobrang pagod. Wala na ring ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang makatulog na.
Nasa kalagitnaan si Elisa nang pagpupunas ng basang kamay nang makarinig siya ng ingay galing sa labas. Hindi niya sana papansinin ang ingay na iyon ngunit nang mas lalong lumakas ang kaluskos na naririnig doon ay nabagabag na siya. Nagdadalawang isip siya kung sisilipin niya ba ang pinanggalingan ng ingay na iyon o hindi.
Sa huli ay natagpuan na lamang ni Elisa ang sarili na tinatahak ang daan palabas sa malawak na kusina. Nababalot ng kaba ang puso niya nang makumpirma kung saan galing ang malakas na kaluskos na iyon: sa malawak na salas ng mansyon. Hindi itatanggi ni Elisa na ang mansyon na ito ay nakakatindig balahibo talaga kaya kahit gaano pa kalakas ang loob niya ay hindi pa rin niya maiiwasan na matakot. Mabuti na lang at may iilang ilaw na nakabukas kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman niya. Habang papalapit ng papalapit sa sala ay padilim naman ng padilim. Napalunok siya.
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang bumungad sa kaniya ang may kadiliman na sala. Tanging mga kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa silid na iyon ngunit hindi sapat ang mga ito para makita niya ng malinaw ang buong silid.
Sa bawat hakbang niya sa loob ng sala ay ang siya namang mas lalong pagkabog ng mabilis ng puso niya.
"Sino 'yan?" Iginala niya ang tingin sa kabuoan ng malawak na sala. Wala namang tao kaya napakunot ang noo niya habang tinatanong ang sarili kung saan nanggaling ang ingay na iyon?
Kumunot ang noo niya.
Napahilamos si Elisa sa sarili. Imahinasyon niya lang siguro ang narinig. Antok lang ito---tama, Inaantok na siya kaya kung anu-ano na ang naririnig niya. Ihahakbang na sana niya ang paa nang may makita siyang kakaibang bulto sa railings ng hagdan. Saglit na napako si Elisa sa kinatatayuan bago mapabalik sa sarili at maglakas loob na lapitan ng kaunti ang hawakan ng hagdan.
Habang papalapit siya ng papalapit ay ang siya namang paglalim ng tingin niya upang matignan ito ng mabuti. Mas lalo ring luminaw ang nakikita niya dahil sa nakasinding kandila malapit sa railings ng hagdan. Anim na hakbang na lang ang layo niya sa bulto na iyon nang mapagtanto niya kung ano ang nakikita. Wala nang ibang nasa isip si Elisa nang mga oras na iyon kundi ang pagsisisi at kung ano ang gagawin. Pagsisisi na nilapitan niya ito at pagsisisi na lumabas pa siya ng kusina. Sana pala'y hindi niya na lang pinansin ang ingay, sana ay nagtungo na lang siya sa kaniyang silid.
Ang bulto na nakadapo sa railings ng hagdan ay walang iba kundi isang uwak. May kalakihan ang uwan na ito at tila ba kasing dilim ng balahibo nito ang gabi.
Mariing ipinikit ni Elisa ang mata. Umaasa na sa pagdilat niya'y mawawala ang uwak na nasa railings ng hagdan, na isa lamang itong imahinasyon. Bumilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Elisa at dahil iyon sa kaba. Bumilang siya ng hanggang tatlo bago idilat ang mata.
Bumagsak ang balikat niya. Nandoon pa rin ang uwak! Totoo ang uwak na iyon! Ngunit, paano ito nakapasok gayong nakasarado naman ng maigi ang mga bintana't pintuan?
Sobrang daming katanungan ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kung paano ito nakapasok, kung anong gagawin nito sa kaniya at kung paano niya ito paaalisin. Kailangan niya itong palabasin kung hindi ay malalagot siya sa mga amo.
Paano kung tukain siya? Isa pa natatakot siya sa uwak, pero mas natatakot siyang mawalan ng trabaho. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elisa.
Bahala na!
"Caw Caw." Pang-gagaya niya sa tunog ng uwak.
Muntik na siyang mapahiyaw sa gulat nang bigla itong tumingin sa gawi niya. Nagawa pa rin niyang umatras kahit na nanginginig ang mga tuhod niya sa takot. Mapula at nanlilisik ang mga mata ng uwak na tila ba hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.
Tutukain o kakainin ba ako nito? tanong ni Elisa sa sarili sa mga oras na ito.
Sa oras na ito ay wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapako sa kinatatayuan niya at titigan ang uwak. Hindi siya makakilos. Wala siyang lakas ng loob na tumakbo palayo. She's scared and was mesmerized at the same time. Napakaganda ng kulay itim nitong balahibo, but those red eyes and sharp claws makes her shiver in fear. Hindi niya maalis ang tingin dito. Tila ba na-hypnotize siya ng uwak. Para bang hinihigop ng kulay pula nitong mga mata ang kaluluwa niya.
Elise did everything to move her body- her feet. Inipon niya ang lakas para umatras. Hahayaan niya na lang na ang ibang katrabaho ang magpaalis sa uwak na ito. Mas okay ng mapagalitan siya kaysa sa mahimatay sa takot.
Nakakatatlong hakbang pa lang si Elisa nang bigla gumalaw ang uwak. Nagkatitigan ulit sila, ngunit ang sunod na ginawa ng uwak ay ang siyang naging dahilan para mapasinghap at mapatigil siya sa takot.
Umangat ang dulo ng panuka ng uwak na tila ba ngumiti o ngumisi ito sa kaniya. Hindi-- ngumiti nga ito sa kaniya! Kitang-kita ng dalawang mata ni Elisa ang ginawa nito at ang pag-angat ng dulo ng panuka nito. Alam niyang impossible ang pag-ngiti ng isang uwak ngunit sigurado siya sa nakita. Ngumiti ito sa kaniya!
That crow smiled at her!
Umikot at nagdilim ang paningin ni Elisa. Kasabay nito ay ang panghihina ng katawan niya, hanggang sa naramdaman niya na lang ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig. Ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay nakita niya ang paglipad ng uwak palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Crow who smiled at me
FantasyThe land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus. What will you do if a Crow smiles at you?