KABANATA 6: THE CROW SMILED
Marcus Ariston Corvus
"Marcus."
Iyan ang bumungad sa kanya nang makapasok sa private library. Marcus saw his mother standing beside his father who was sitting in front of his black swivel chair.
Inalis ng kanyang ama ang suot na salamin. His father was furious when he heard what his son; Marcus did to their new servant. Kahapon ito nangyari pero ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa nangyari. Kung hindi nga lang narinig ng anak nilang si Monica ang ginawa ng kuya nito ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin silang alam sa nangyari. Hindi rin naman magtatangkang magsumbong ang mga tagapagsilbi na nakakita, because they'll scared of their son; Marcus.
"Hindi namin inaasahan ng iyong ina na aabot ka sa ganito, ang manakit. Alam namin na ayaw mo sa tulad mga tao, but that's not the reason for you to hurt an innocent human." Hindi talaga nila inaakala na magagawang manakit ni Marcus. Ito lang kasi ang unang beses na mangyari ito.
Malamig itong makitungo sa mga tagapagsilbi, kahit na sa kauri nilang uwak. He's not showing any kinds of interest towards them. Dadaanan niya lang ang mga ito na tila ba hangin lang.
Marcus hated humans at wala silang alam kung ano ang rason para kamuhian nito ang mga tao. Marcus didn't even bother telling them the reasons.
"She entered my room without my permission. Can I leave now?"
Napailing ang kanyang ama sa sinabi niya. Even his mother, hindi makapaniwala sa rason ng anak.
"That's not a valid reason, Marcus! Humingi ka ng tawad kay Elisa." Galit at hindi makapaniwalang sabi ng kanyang ina— ni Agatha.
Kumunot naman ang noo ni Marcus sa narinig. Hihingi siya ng tawad sa taong 'yon? Kay Elisa?
"No." Matigas niyang sabi. Nakipagsukatan siya ng tingin sa kanyang ina.
Kinamumuhian niya nga ang uri ng babaeng 'yong tapos hihingi siya ng tawad? He won't stoop his level down, hindi siya hihingi ng tawad sa isang tao. It's her fault anyway, hindi niya naman sasaktan ang babae kung hindi ito pumasok sa silid niya't nangialam.
"You will, Marcus. Sa ayaw mo man o sa gusto." Huminto si Agatha sa pagsasalita. May kinuha itong papel sa lamesa atsaka ipinakita sa anak. "By the way, inalis namin ang rule na inilagay mo sa household rules. Lahat ng tagapagsilbi natin, kauri o tao ay pinapayagan ng tumingin sa ating mga mata. Hindi na sila magbababa o mag-iiwas ng tingin."
Palihim na naiyukom ni Marcus ang kamay. Nanatilis siyang tahimik habang nakatingin sa papel na hawak ng kanyang ina. He's mad right now. Anong sumagi sa isip nila para alisin ang rule na inilagay niya? Is it because of that mere human? Their new servant? Umigting ang panga niya.
"Hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng 'yon. Please excuse me." Aniya bago talikuran ang nga magulang.
Ilang beses pa siyang tinawag ng ina ngunit hindi niya ito pinansin hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas sa silid.
BINABASA MO ANG
The Crow who smiled at me
FantasyThe land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus. What will you do if a Crow smiles at you?