Sina's note: Please read the facts kasi may kaugnayan ang nakalagay sa picture sa bawat kabanata. Thanks!
Facts about Crows
KABANATA 5: THE CROWS GIFT
Elisa Hidalgo
Pinakatitigan ni Elisa ang sariling repleksyon sa salamin. Bumaba ang tingin niya sa braso niyang may pasa. Nagkulay ube na ito na siyang naging dahilan para sumakit ng sobra. Ni hindi niya nga magawang hawakan. May sugat din ito dahil sa pagbaon ng kuko ni Marcus.
Pikit mata at kagat labi niyang pinahiran ng ointment ang pasa. Sa bawat pagdampi ng daliri niya rito ay ang siya ring pagdaing niya sa sakit. What she felt towards Marcus was no longer amusement but pure fear and at the same time--- anger.
Hindi porket katulong sila at tagapagsilbi ay may karapatan na itong saktan siya. Yes, she is a mere servant. Binabayaran para paglingkuran, hindi para saktan. Ibinaba na ni Elisa ang sleeves ng uniporme. Mabuti na lang at natatakpan ng uniporme ang pasa.
Nang makalabas sa silid ay kaagad siyang sinalubong ng lamig. Madaling araw pa lang kaya natural na ginawin siya lalo na't kakatapos niya lang maligo. May mga nakakasabay siyang tagapagsilbi, ngunit ang iba sa kanila ay walang imik.
Napansin lang ni Elisa ang mga mata ng karamihan sa katrabaho. They all have a red eyes, darker than the Corvus eye color. Kibit balikat na lang na tinahak ni Elisa ang daan papunta sa kainan nila. Nauuna silang mag-almusal kaysa sa mga Corvus para dire-diretso na ang trabaho nila, kapag tanghalian naman ay atsaka sila kumakain pagkatapos kumain ng mga amo nila. Ganun din sa hapunan.
Binati niya ang mga katrabaho na nag-uumpisa ng mag agahan. Sumunod na rin siya at kaagad na umupo sa bakanteng upuan.
"Kamusta ka, ija?" tanong ni Manang Minda sa kanya bago siya lagyan ng tinapay sa plato.
Nagpasalamat siya sa matanda bago ito sagutin. "Maayos naman po."
"Pagpasensyahan mo na ang amo nating si Marcus. Ganun talaga siya makitungo sa katulad natin; sa hindi nila kauri." Naiiling na sabi ni Manang Minda na siyang ikinakunot naman ng noo ni Elisa.
BINABASA MO ANG
The Crow who smiled at me
FantasyThe land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus. What will you do if a Crow smiles at you?