The land series; Land of Birds
THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad)
She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus.
What will you do if a Crow smiles at you?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KABANATA 4: THE CROWS ROOM
Elisa Hidalgo
Hindi malaman ni Elisa kung ano ang gagawin niya. Hindi siya mapakali at nahahalata na 'yon ni Rahul. Elisa and Rahul also didnt know that the head of Corvus family: Don Mikael also saw how his son and their new servant look at each others eyes. Nanatili na lamang itong tahimik habang nakatingin kay Elisa na hindi mapakali.
"Handa na po ang pagkain sa dining area." Pagbabasag ni Rahul sa katahimikan.
Halos pigil hininga ang ginawa ni Elisa nang lagpasan siya ng mga bagong amo. Nang mawala na sa paningin nila ang mga amo ay kaagad na nanghina ang tuhod ni Elisa, mabuti na lang at naagapan ni Andrea ang pagbagsak niya.
Mawawalan na ba siya ng trabaho? Oras na ba para magbalot na ng mga gamit?
"Hindi ko sinasadya na tingnan siya sa mata." Pagpapaliwanag na bulong niya na siyang ikinalaki ng mata ni Andrea.
Agad na iginala ni Andrea ang tingin upang masigurado na walang ibang nakarinig sa sinabi ni Elisa. Hinawakan ni Andrea ang braso ni Elisa para alalayan itong umayos ng tayo. Nang masigurado na kalmado na ng kaunti si Elisa ay dinala na siya niya na ito sa hindi kalayuan--- sa medyo tago at walang makakarinig sa pag-uusapan nila.
"Sinabi ko na kasi sa 'yo na kahit na anong mangyari ay huwag na hwuag kang titingin sa mga mata nila--- ng mga Corvus." Napapailing na sabi sa kanya ni Andrea. Napahilot pa ito sa sentido.
"Bigla siyang lumingon sa akin. Hindi ko naman sinasadya."
Andrea tapped her shoulder. "Tumingin ka pa rin." dagdag nito.
"Ano ba ang dahilan kung bakit hindi natin sila pwedeng tingnan sa mga mata?" Hindi na napigilang tanong ni Elisa. Masyado na siyang nababagabag ng mga tanong.
"Because we're just a servant. Lalo na tayo. Humans like us--- Ang mga tulad naitn ay hindi dapat tumitingin sa mga mata nila, they hate it. No, Young master Marcus hated it." Paliwanag ni Andrea na siyang naging dahilan para magsalubong ang kilay ni Elisa.
"Humans like us?"
Kanina, tinanong siya ng isa sa mga anak na kambal ng Corvus kung anong klaseng uwak siya. Nagtataka na talaga siya. It's feels like something's not right, na tila ba may kakaiba talaga sa pamilyang ito.
"Malalaman mo rin ang katotohanan, but not now. I'm not the one who's going to tell you the truth." Andrea said before leaving her standing alone in a quiet hallway, clueless and confused.
Ano ang kailangan niyang malaman? Napahilamos siya sa sarili. Hindi pa siya nagtatagal sa mansyong ito pero parang gusto na niyang umalis.
Nasa ganoong sitwasyon si Elisa nang tawagin siya ng isa sa katrabaho at sinabi na pinapatawag siya ni Rahul. Binundol siya ng kaba. Mukhang masesermunan siya. Alam niyang nakita ni Rahul kung paano magsalubong ang tingin nila ng anak ng amo niya; ni Marcus. Mukhang kinakailangan na niya talagang magbalot ng mga gamit, pero sa ngayon, ang kailangan niyang gawin ay ang ihanda ang sarili para sa sermon na matatanggap niya kay Rahul.