Please do leave a comment, your thoughts about this chapter. Thank you!
KABANATA 8: THE CROW AND THE MAID
Elise Hidalgo.
Saglit na nagpahinga si Elisa bago tumulong sa paghahanda sa hapag kainan. Minasahe niya ang nananakit na balikat pati. Nag unat-unat din siya para mawala ang pangangalay ng likod. Masyadong naging abala ang lahat sa araw na ito at isa na si Elisa sa mga tagapagsilbi na naatasan sa iba't ibang gawain kaya grabe ang pagod na nararamdaman niya.
Kasalukuyan siyang nasa bakanteng stock room at doon nagpahinga. Kailangan niyang magtago saglit dahil baka kapag nakita siya ni Marga at Rahul na nagpapahinga ay mapagalitan pa siya, mainit pa naman ang dugo ni Marga sa kaniya. Habang nagpapahinga at inilabas niya ang sulat galing sa kaibigang si Torrap. Nakangiti siya nang alisin niya ito sa magarbong envelope.
Elisa,
Kamusta ka? Pasensya ka na't ngayon lang ako nakapagpadala ng sulat, masyado kasi akong naging abala dahil kinakailangan ni Papa ang tulong ko. Anyway, kamusta ang bagong pamilyang pinagsisilbihan mo? Hindi ka naman ba itinatrato ng masama? Sana'y hindi, dahil hindi ko nanaisin na malaman na tinatrato ka ng hindi maganda. I might end up fetching you and have a fight with that Corvus. Stay healthy okay? Can't wait to see you again! Be sure to visit me on your day off! I'll be waiting, my dear friend!
And please, stay away from Marcus, Corvus' firstborn child.
Love,
TorrapHindi maiwasang hindi mapakunot ang noo ni Elisa sa huling nabasa pero kagad din namang nawala ang pagkunot ng noo niya. Alam niya at mukhang tamang layuan niya si Marcus, nasaktan na siya nito kaya mas mabuting lumayo siya kesa sa mapagbuhatan ulit ng kamay ng amo.
Ibinalik na niya ang sulat sa envelope bago ito ilagay sa bulsa ng palda na suot. Nang makontento na sa pahinga ay kaagad din siyang bumalik sa pagtatrabaho. Tinatanguan at nginingitian niya ang mga kapwa tagapagsilbi na nakakasalubong niya. Walang nagbago, ang iba ay hindi pa rin siya pinapansin.
Bumuntong hininga siya. Binati ni si Andrea na tumutulong ngayon sa paghahanda ng mga pagkain.
"Bakit hindi ka na magpahinga? Rest day mo ngayon kaya pwede kang magpahinga agad." Abala ito sa paghihiwa ng mga rekados.
Kumuha ng kutsilyo si Elisa atsaka tumulong sa paghihiwa.
"Hindi ako sanay ng hindi kumikilos."
"Hindi ka sanay pero dapat magpahinga ka muna." Binalingan siya ng tingin ni Andrea. "Kapag ikaw nahimatay nanaman, hindi kita sasakuhin, bahala ka sa buhay mo."
BINABASA MO ANG
The Crow who smiled at me
FantasyThe land series; Land of Birds THE CROW WHO SMILED AT ME (Wattpad) She's not fond of a bird called Crow, but she ended up loving a Crow named Marcus. What will you do if a Crow smiles at you?