Kabanata VII: The Crow and the necklace

3.3K 251 45
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA 7: THE CROW AND THE NECKLACE

Elisa Hidalgo

Hindi pamilyar na silid ang bumungad kay Elisa nang magising siya. Mariin siyang napapikit nang sumakit ang kaniyang ulo. Bumuntong hininga siya. Nasaan siya? Wala siyang matandaan.

Hinintay niyang mawala ng kaunti ang pananakit ng ulo bago dahan-dahang umupo. Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama at iginala ang tingin. Sakto lang ang laki ng kwarto, hindi katulad ng mga silid nila: ng mga tagapagsilbi na isang pansariling kama, maliit na drawer at lamesa lang ang kakasya.

Inilibot niya ulit ang tingin. Ganoon na lang ang gulat niya nang nakita si Marga na naka-upo sa single couch na hindi kalayuan sa kaniya. Nakapikit ito at penteng nakaupo. She's not wearing her uniform, simple lang ang suot nito.

Anong ginagawa ni Marga rito? tanong niya sa sarili. 

"Don't stare at me, Human." Biglang sabi nito na siyang ikinagulat niya. Maya-maya lang ay idinilat na ni Marga ang mata bago humikab.

Walang imik itong tumayo atsaka lumapit sa bukas na bintana. Halos takasan naman siya ng kaluluwa nang nakita ang uwak na nakadapo sa sanga ng puno na hindi kalayuan sa bintana. Nakatingin ito sa gawi ni Marga. Hindi ba natatakot si Marga sa uwak? Sa bagay, matagal naman na itong naninilbihan sa mga Corvus kaya paniguradong sanay na sanay na itong makakita at makisalamuha sa mga uwak na nasa lugar. Mabilis na nagbaba ng tingin si Elisa nang ibaling nito sa kanya ng uwak ang mga nanlilisik nitong pulang mata.

The Crow let out a thunderous Cawing. Lumipad na ito palayo na siyang ipinagpapasalamat ni Elisa. Hindi talaga siya sanay sa mga uwak, kinikilabutan pa rin siya. She's not fond of Crows, ang sabi sabi kasi ng mga matatanda sa probinsya nila ay malas ang mga uwak. Na kapag nakakita ka nito ibig sabihin malapit ka ng mamatay o hindi kaya mamalasin ka.

"Mabuti naman at gising ka na." Ani ng papalapit na si Marga bago ito mupo sa gilid ng kama.

"Anong nangyari? Nasaan ako?"

"Nandito ka ngayon sa silid ko. Our young mistress, Monica saw you last night, unconsciously lying on the cold floor."

Saglit na napatigil si Elisa. Mas lalong kinilabutan si Elisa nang maalala ang nangyari. Ang uwak na nakita niya, ang pagngiti nito at ang paglipad nito papalapit sa kanya bago siya mawalan ng malay. Nahihiya siya sa nangyari ngunit mas natatakot naman siya sa uwak na ngumiti sa kanya. Tumaas ang balahibo niya.

Sabay nilang naibaling ang tingin sa pinto nang bumukas ito. Iniluwa nito sina Rahul, si Lady Agatha at ang young Mistress na si Monica.  Tatayo sana si Elisa para magbigay galang sa kanila nang pigilan siya ni Lady Agatha at sabihan siya nito na huwag ng mag-abala pang tumayo.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon