Kabanata XII: The Crows Wings

3.1K 184 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA 12: THE CROWS WINGS

Elisa Hidalgo

Isang linggo ang lumipas.

Nakangiting hinawi ni Elisa ang kurtina, dahilan para lamunin ng sinag ng araw ang kaninang madilim na silid ng kambal. Arkile woke up first, kinusot nito ang mata. Sumunod naman si Arkele na nakangusong umupo mula sa pagkakahiga. Nag-unat ang dalawa. Si Arkile ang unang umalis sa higaan habang si Arkele naman ay nanatiling nakaupo at tila ba wala itong balak na lisanin ang malambot nitong kama. Naiiling na lumapit si Elisa.

"Arkele, kailangan mo ng maghanda dahil anumang oras ay matatapos na sina Manang Minda at ang iba pa sa paghahanda ng umagahan." Ani. Inalis niya ang nakatabing na kumot sa pagitan ng hita nito.

"I'm still sleepy, Eli." Nakangusong sabi nito sa kanya. May halong panglalambing ang boses nito, ngunit hindi na iyon gagana kay Elisa katulad nitong mga nakaraang araw. Ginulo ni Elisa ang buhok ni Arkele.

"Sayang, excited pa naman si Madame Agatha na makita ka."

Nanlaki ang mga mata ni Arkele. "Did you just say my mom's name?"

Tumango si Elisa bilang sagot.

"They're back?!"

Tumango ulit si Elisa. Arkele jumped out of her pink bed at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo kahit na nasa loob pa ang kapatid. Narinig pa niya ang pagtatalo ng dalawa na nagpailing sa kanya.

Inayos ni Elisa ang kama ng dalawa pagkatapos ay ang mga susuotin naman nitong damit ang inayos niya. Iniwan niya sa ibabaw ng mga kama nito ang damit at sa sahig naman ang mga sapatos.

Her task is to take care of the twins, lahat ng ipag-uutos ng kambal ay susundin niya. Kinakailangan din niyang bantayan ang dalawa at dapat ay nakasunod siya palagi. Hindi na kailangan ni Elisa na paliguan ang dalawa, ang dahilan kasi ng mga ito ay malaki na sila. Tahimik na lumabas si Elisa sa silid ng kambal atsaka bumalik sa kusina para tumulong.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon