Chapter 3-Keart Planet

99 12 4
                                    

Nang makauwi ako sa amin ay agad kong niresearch ang Keart planet sa Geeves, a search engine na kung sa earth ay ito ang tinatawag nating Google. Halos mautas na nga ako sa paghahanap ng Google sa laptop ni Katreese, buti nalang at aksidente kong napindot yung Geeves na nasa Bookmark ng kanyang browser, then I found out na iyon pala ang search engine sa planetang ito.

Ayon sa article na nabasa ko, Keart planet is an exoplanet orbiting the red dwarf star na siyang source ng liwanag at ang nagsisilbing sun ng planetang 'to. Kaya pala hindi gaanong kainit dito at medyo dim ang paligid, because sun is bigger than the red dwarf star na tinatawag nilang Su-en. Kaya kung gaano kaanit sa Earth, dito naman sakto lang.

Agad ko namang dinukot ang phone ko sa binili kong itim na backpack sa mall kanina. I tried connecting it to the internet at laking gulat ko nalang nang mag connect nga ito sa internet ng Keart, and it's faster than the internet in the Philippines. Buti nalang at mapapakinabangan ko pa pala ang phone ko sa lugar na ito. Walang nga lang signal ang simcard ko rito, malamang ibang planeta kaya 'to. I searched about Keart planet sa google pero palaging no results found ang nalabas. Hindi rin pala nagana dito ang google, mga online websites and application na galing sa Earth. Aish! Useless!

Then I typed www.geeves.com and luckily ay nagbukas ang site. I tried searching for earth pero katulad ng sa google nang ini-research ko ang Keart ay palaging 'No Results Found' ang lumalabas. So each planet don't know the existence of one another. Sabagay kung ang akala nga namin ay solo lang namin ang buong kalawakan, hindi naman pala.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa ibang planeta ako, pero bakit katulad na katulad niya talaga ang Earth? I mean the places, the people in this planet, their language, their food and everything. Kung may ibang tao man na galing Earth ang makakapunta dito ay iisipin nila na nasa Earth talaga sila at wala sa Keart. It seems like Earth was multiplied into two or parang itinapat ang Earth sa napakalaking salamin at ang reflection nito ay ang Keart. Meron bang scientific explanation ukol dito?!

Isa pang katanungan sa isip ko ay paano ako nakarating dito? Approximately it would take hundreds of thousands of years to get here in Keart, though. If there's a space craft that can travel under the speed of light, I think it would take 500 years and above to get here. See? It's really impossible na makarating ako rito sa loob lang ng tatlumpung minuto! Wala rin akong matandaan kung bakit ako nakahiga sa office ni Da- Wait, you'll find the answer where everything started. Saan nga ba nagsimula ang lahat? Tama! Sa office ni Dad.

I rushed out on my room at dali-daling tinungo ang office ni Dad. Wala nga pala siya ngayon dito at nag punta daw siyang CSI. Mas okay 'yun dahil mas madali akong makakapaghanap. Sana lang ay hindi pa naaayos ang office, dahil kung nalinis na ito ay mas magiging mahirap para sa akin ang humanap ng ebidensiya.

Like Dad's office in Earth ay may password din ang office niya dito. Luckily, their password is similar and it will be a big help for me 'cause I have an access in Dad's office here in Keart. I sighed nang makita kong hindi pa nagagalaw ang office ni Dad. Nang makapasok ako ay agad kong ini-lock ang pinto. Madilim sa loob dahil gabi na at wala rin namang bintana, kaya walang source ng liwanag. Kinapa ko ang switch ng ilaw- Wait this scene is somehow familiar. Nakaramdam ako ng kaunting pagsakit sa aking ulo ngunit kasabay naman niyon ay ang pagbalik ng ala-ala ko magmula nang marinig ko ang malakas na kalabog sa office ni Dad at nang bigla nalang akong natumba dahil sa kakaibang usok na nalanghap ko at maging yung pakiramdam na parang hinihigop ako ng kung ano mang bagay. Siguro ay si Katreese ang taong nakahandusay na nakita ko bago ako mawalan ng malay. Yung nakita kong kamukhang-kamukha ko. Tama! It must be her. So, nagkapalit kami ng mundo? Ganun? She's on Earth, while I'm here in Keart.

Kung ganoon nga, nagtataka ba rin siya katulad ko? Naguguluhan ba rin siya at naghahanap ng kasagutan katulad ko? If there's a way that I can contact her, ay mas okay sana kung magtutulungan kaming dalawa. If there's a way...Wait! Kung nagkapalit man kami ay paniguradong nakita na niya ang mga inventions ko. I can contact her through that. Luckily, I have my phone with me at mas mapapadali ang lahat. Pero sa ngayon ay ang dapat ko munang pagtuunan ng pansin ay ang paghahanap ng posibleng bagay na nagdala sa akin rito.

"Oh my goodness! Nagsisisi tuloy ako. Bakit ka ba kasi nag presinta pang linisin ang magulong office slash laboratory na 'to?! Engot mo talaga eh 'no?" Napasabi ko nalang sa sarili ko. I am always talking to myself when I am frustrated. Kaya 'wag na kayong magugulat kung iimik ako mag-isa. I am not crazy though! Pero ang lawak naman kasi ng office ni Dad eh! Ang kalahati ay mukhang office talaga habang yung kalahati naman ng room ay mistulang laboratory.

Kailangan kong mahanap ang mala-vacuum na humigop sa akin, dahil posibleng iyon ang nagdala sa akin sa planetang ito. Dahil imposible namang sumakay ako ng spaceship or what kasi katulad nga ng sinabi ko kanina ay aabutin tayo ng daang libong taon or worse ay million years para makarating sa ibang galaxy.

Nilibot ko ang paningin ko sa napaka gulong office ni Dad. Nagkalat ang mga basag na test tubes, conical and boiling flasks at maging ang mga natapong chemicals sa sahig. Mayroon nga ring patay na palaka na nasa isang medyo malaking tube. Gross! Some of Dad's documents were scattered on the floor. Pinulot ko ang mga papel na nakalat sa sahig. Yung iba puro formula lang ng mga mixed chemicals, while yung iba naman ay layout at blueprint ng ilan sa inventions ni Dad.

Isang invention ang nakakakuha ng pansin ko. It was made of iron and looks like a doorway or something pero pabilog nga lang ito. Ito kaya yung nagdala sa akin dito? But how? I can't activate it since hindi ko alam kung papaano ito gamitin, it looks dangerous though. I am not yet sure na ito nga ang nagdala at humigop sa akin patungo dito. Isa pa sa pinoproblema ko ay sirang-sira na ang itsura ng machine na ito. I should ask Dad, I mean my real Dad. All I need is to contact him, using my invention that I left in my room. Kailangan kong makipag tulungan kay Katreese. I need to contact her as soon as possible.

Aish! Too much revelation for one day.

-

Hi everyone! For my future readers (Lol, kung meron man huhu) I just want to remind everyone na lahat ng nakasulat rito ay pawang kathang-isip lamang. Though I somehow based the Keart planet sa exoplanet Kepler 186f. Feel free to criticize my work. Vote and comments po. Medyo magulo ba guys? Don't worry I'll do my best para maging maayos ang kwentong ito.

-Crescent

InvertedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon