"So she succeeded? Well, welcome. I hope you can find the truth as long as possible."
Her words remained as a mystery to me. Ano ang ibig niyang sabihin? Iyan kasi ang naging bungad sa akin ni Keylien Luna nang makita ko ito sa aming classroom. Si Keylien Luna, ang Keyla Luna sa mundong ito. Kakaibang Keyla ang nakikilala ko dito, far from the Keyla that I have known for years. Keylien is more intimidating than Keyla. Keyla was the queen bee type and kikay girl while Keylien is the mysterious one. How can I say that she's mysterious? Well, based on her actions lately ay masasabi kong napakamisteryoso ng babaeng ito. She shows no emotions, her eyes was dull and the way she acts was weird. Yung tipong parang palaging may pinagtataguan.
Now, the class is about to end and it's the right time to ask her about what she said lately. It seems like she knows something, malay n'yo makatulong siya sa akin.
"Okay, class dismissed." And that's the signal that I've been waiting for. Nang makalabas ang prof ay agad kong niligpit ang gamit ko but it seems like that she already predicted na lalapitan ko siya dahil tumingin muna ito sa akin bago mabilis na tumayo at hindi na nag-abala pang ligpitin ang kanyang mga gamit at binitbit na lamang ang mga ito palabas ng classroom. Is she avoiding me? Obviously yes Katneese.
Dali-dali rin akong lumabas ng room upang sundan ito. Nakita ko siyang tumatakbo sa hallway. I need to follow her, I ran as fast as I could kahit pinagbubulungan at pinagtitinginan na ako ng ibang students, but she's fast enough. Nalingat lang ako nang kaunti ay wala na siya kaya napatigil ako at inilibot ang aking paningin kung saan siya posibleng nagtatakbo or nagtago.
While standing there like a lost kid ay hindi ko maiwasang marinig ang mga komento ng mga estudyante sa aking paligid.
'Diba si Katreese 'yan? She seems so different.'
'Yes, it's her, but look! She's not wearing anything pink! That's so unusual from her!'
'And she dyed her hair? She looks like more on a badass girl.'
'Where's the kikay Katreese that we all know?'
'Shh! She might hear us!'
Tsk, stupids! Their voices were too loud for a whisper! Gossips everywhere, Ugh! Hindi ko alam na sikat din pala si Katreese sa school nila. She's totally my opposite. In our school, I am the outcast—
Shet! Nakalimutan ko si Keylien! Tiningnan ko ang lugar kung saan ko huling nakita si Keylien pero wala na ito. Argh! Natakasan tuloy ako! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong tingnan nang masama ang mga babaeng nag-uusap kanina. Tila nabigla sila at napa-iwas ng tingin saka nagtatakbo. Scaredy cats!
'Di bale, makikita ko rin naman si Keylien mamaya sa klase. I will not let her escape this time.
"Hoy Lei! Agang-aga busangot 'yang mukha mo?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Cloud este Clyde. Aish! Hindi pa rin ako sanay!
"What do you need?!" Iritable kong tanong rito. Badtrip ako eh.
"Oops! Nagtatanong lang ako, beast mode ka na agad. I saw you running on the hallway as if you're chasing for something or someone and when you stop in the midway doon kita nilapitan. So let me ask you, are you really chasing for someone?" Do I really look like that? Oh by the way, sasabihin ko ba? Siguro naman ay kilala niya si Keylien.
"Do you know this girl named Keylien Luna?" Bahagyang napakunot ang noo nito at tila nagtataka. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang bagal niya sumagot. Pwede namang sumagot nalang ng 'oo or hindi' eh!
"Ofcourse yes! She's the weird girl na lagi kong nakikitang kasama mo noon. So bakit mo siya hinahanap?" Wait, kung palagi siyang kasama ni Katreese noon, then why is she avoiding me right now. Alam ba niyang hindi ako si Katreese? Or they have arguments kaya niya ako iniiwasan?
"Nakita mo ba siya Clyde?" Muling tanong ko rito. Wala sa sarili siyang napaturo sa right side niya which is the school's soccer field.
"Thank you!" Then I ran as fast as I could at madaling tinungo ang direksyon na itinuro ni Clyde. Nang makarating ako sa napakalawak na soccer field ay agad kong hinanap si Keylin at tama nga si Clyde dahil nakita ko siya sa pinakadulong bahagi ng soccer field. Nagpapalingon lingon pa ito na tila may tinataguan. Malamang tinataguan niya ako.
Walang tao madalas sa soccer field. May ghost history kasi ang field na ito lalo na sa lugar na kung saan nakapwesto si Keylien dahil doon daw nangyari yung patayan at pagmumulto. I don't know kung pati ba dito sa Keart ay nag e-exist ang story na yon, but I think yes, because no one's here except me and Keylien.
Nagtago ako sa gilid ng isang patay na puno. Patay dahil wala na itong mga dahon. Buti nalang at nakapag tago ako agad dahil hindi niya ako nakita nang mapatingin siya sa gawi ko. Nang malibot na ng mga mata niya ang paligid ay nakita ko siyang naglakad papasok sa mahalamang pader ng school. Well, wait! Pader lang 'yon! How can she— Argh! Masundan na nga lang.
Mabilis akong nagtatakbo patungo sa lugar kung saan nawala si Keylien ngunit isang mataas na pader na natatabunan ng baging ang tumambad sa akin. Saan siya nagpunta? Imposible namang talunin niya ang mataas na pader na 'to. Hindi naman kaya ay may secret passage dito or what?
Hinawi ko ang mga baging na nakaharang sa pader pero wala akong nakitang kahit ano kung hindi yung pader mismo. Pero saan siya nagpunta?!
Sigurado ako na dito siya nagpunta! Sigurado akong nakita ko siya dito at bigla nalang nawala? O maaaring hindi si Keylien ang nakita ko kung hindi yung legend ghost na estudyante dito? Grr ano ba Katneese! Science fiction tayo hindi paranormal or horror! Aish! Bahala na nga! Babalikan ko ang lugar na ito bukas.
I will chase you mysterious girl, no matter what happens.
BINABASA MO ANG
Inverted
Science FictionWhat if everything turns upside down? What if everything changes its position, order, and relationship and it became opposite of what they had been? What if these 'what ifs' became real? Are you ready if everything became 'INVERTED'? Highest Rank Ac...