Dedicated sa first reader ko sa story na 'to. Hi ivyleona! Thank you sa support. Comment po for dedications.
---
"Natutulog, natutulog si Leia, si Leia. Atin nang gisingin-"
Ugh! Who's making that irritating noise! He's disturbing my sleep!
"Atin nang gisingin...Uhm ano nga ba 'yung kasunod? Aish, wag na nga! Kelan pa 'to naging tulog mantika? HOY LEI, YUNG CRUSH MONG SI KYSEOP NASA BABA HINAHANAP KA-ARAY!"
Pikit na hinampas ko ng unan ang kung sino mang hampas lupa na sumigaw sa tenga ko. Buti naman at tumigil na ang kung sino man-oh my gosh! Agad akong napamulat ng mata nang marealize ko na may ibang tao sa kwarto ko. Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bwiset na pagmumukha ng lalaking 'yon. Mabilis akong napa-upo mula sa pagkakahiga saka tinakpan ng kumot ang aking katawan.
"What the heck Cloud?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?! Gusto mo bang masapak?! Kelan ka pa naging manyak?!" Sigaw ko rito, napakunot naman ang kanyang noo. Teka, kung nandito si Cloud, edi panaginip lang pala lahat ng 'yon? I was about to convince myself that it was just a dream kaso umepal agad 'yung kulay pink na kwarto ni Katreese. Kaasar! Tiningnan kong muli ang lokong si Cloud na 'yun.
"What the heck too Lei! Anong Cloud ang pinagsasabi mo? I'm Clyde! Duh!" He said while rolling his eyes. Tsk! Mukha siyang bakla! He really looks like Cloud, siya siguro ang version ni Cloud sa mundong ito. Nice! Everything was opposite. Very Nice. Ang kaibahan lang Clyde looks cocky while Cloud looks more matured and cold, pero maloko din 'yung si Cloud kaya loko-loko rin yun! "At wow kung makapag sabi ka ng manyak, parang hindi ka sanay na pinapasok kita sa kwarto para gisingin ah? At ako pa 'yung manyak? Sino kaya 'yung kapag nakikita ako eh lagi akong pinapaulanan ng kiss at niyayakap ng mahigpit?" Taas-noong sabi niya. What the?!
"Ganon ba si Katree-I mean ako?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na palihim siyang napahagikhik kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Yes babe! Give me a hug! Come here! Hug me!" Sabi niya habang binuka ang magkabilang braso at inaantay ang yakap ko. Nginitian ko naman siya ng matamis at tumayo mula sa pagkakahiga. Ibinuka ko rin ang mga braso ko habang papalapit sa kanya. Ngiting-ngiti ang loko! Tingnan natin ngayon.
"Come here! Good girl! Hug me! Sabi ko na nga ba may hidden desire ka sa akin. Pakunwari ka pa ah." Akmang yayakapin na sana niya ako nang mabilis akong nagtungo sa likod niya at inipit ang leeg niya sa kanan kong braso.
"Hoy Lei! 'Wag mo nga akong sakalin! Urgh!" Sabi niya habang pilit niyang inaalis ang braso ko. Bakla ata talaga 'tong si Clyde, ang hina eh, isang braso lang 'di pa niya maalis?
"Ano munang ginagawa mo rito?! Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang pumasok sa kwarto ko?!" Malay ko ba kung anong pakay niya sa akin? Malay mo stalker pala siya ni Katreese at narito siya upang mang-rape, then it happens to be me kasi nagkapalit kami ng mundo.
BINABASA MO ANG
Inverted
Science FictionWhat if everything turns upside down? What if everything changes its position, order, and relationship and it became opposite of what they had been? What if these 'what ifs' became real? Are you ready if everything became 'INVERTED'? Highest Rank Ac...