Chapter 7-Zero

29 4 1
                                    

"Can you put it down now?" I asked for the third time, but it seems like he doesn't heard anything. I don't know why, pero hindi ako natatakot kahit may nakatutok na kutsilyo sa akin. I know he won't kill me, dahil kung papatayin niya ako, well dapat kanina pa, but I still need to escape!

Ugh! Hindi ba nangangawit ang lalaking ito?! Halos 20 minutes ng nakatutok sa akin ang kutsilyong iyon eh. I tried everything to escape, but it didn't work.

"Oras na makita ko 'yang mukha mo, ha-huntingin kita kapag nakawala ako rito. I'll take you down! Remember that!" Hindi ko kasi magawang lumingon. Mabubutas ang leeg ko. Argh! Kailangan kong mahanap si Keylien, kailangan kong makatakas dito.

Napaigtad ako ng bahagya nang marinig ko ang pag ring ng isang cellphone, it's not mine kasi kung akin 'yun mararamdaman ko ang vibration sa bulsa ko. Napangiti ako ng palihim. This is my chance. All he have to do is to answer the call and Ta-da! Aagawin ko sa kanya ang kutsilyo and then I'll knock him down.

I was waiting for him to answer the call for almost 2 minutes pero tila wala siyang balak sagutin. Nakakarindi na rin! Aish!

"Hoy wala ka bang balak sagutin 'yan? Ang ingay eh!" Reklamo ko rito.

"Tss, I know what you're up to. You can't escape little missy." Argh! No choice kung hindi antayin ko nalang siyang mangalay.

"Hala Zero! Nang kidnap ka?!" Rinig ko ang boses ng isang babae. The voice sounds familiar, but I can't remember.

"She's not a kid." Rinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko.

"Sasampahan ko kayo ng kidnapping kapag hindi n'yo ako pinakawalan dito!" Matapang na sabi ko. Ba't ba hindi ko 'yon naisip kanina.

"Trespassing ka, stupid." Grr! Kasalanan ko bang nahulog ako dito?!

"Hey girl, kung sino ka man, sabihin mo sa baliw na 'to na alisin niya ang kutsilyo sa leeg ko." I said, ngalay na ako ugh!

"Ay sorry te! 'Di nasunod sakin 'yang si Zero eh." Bwiset ha! Oras na makita ko ang mga pagmumukha ng dalawang 'to. I'll make their lives a living hell.

"Zero, whoever you are. I'll sue you! Attempted murder! Kidnapping!" Pananakot ko rito, but it didn't work. Hindi manlang ba nila ako pag e-explainin kung bakit ako napunta dito?

Nakarinig ako ng mga yapak papalapit sa gawi namin.

"Hey Zero, what the heck are you doing? Put that down." Wait, that voice sounds familiar. Keylien?

"Fine, tss!" Finally! Nang mapansin ko na niya ang kutsilyo ay agad ko silang hinarap ng may galit.

But I was shocked when I saw their faces. I'm right it's Keylien, the other girl who saw us first, well I don't know her but she looks familiar lalo na ang boses niya at nang lingunin ko ang mapangahas na lalaki na nagtangka sa buhay ko-

"Wait-YOU?!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko yung lalaki na pinagtanungan ko noon, the rude guy!

"The stupid." Simpleng sabi niya at itinago nang muli ang kanyang kutsilyo at naglakad papasok sa isang pinto.

"OMG! Look Key, she really looks like her!" Napatingin naman ako sa babaeng katabi ni Keylien. I looked at her with full of confusion.

Sino ba siya? Hindi ko siya napapansin sa Earth or kung sino man yung Earthling version niya.

She looks so girly, if Katreese is obsessed with pink then this girl is surely fond of yellow. Lahat ng accessories niya ay dilaw. Kulang nalang pati buhok niya maging dilaw tapos pwede na siya isama sa mga sisiw na binebenta sa perya.

Napakunot ang noo ko when she smiled at me. Her smile is familiar, but I can't remember!

"Of course she is, Trisha." So her name is Trisha. Bumaling sa akin si Keylien, buti nalang hindi na siya umiiwas dahil kung babalakin niya man tumakas ulit baka itali ko na siya. "You, follow me." I just shrugged my shoulder at sinundan siya sa pinasukan nung lalaki kanina or Zero whoever he is!

Napapalingon ako sa paligid. Isa palang hallway yung pinasukan namin. The place is kinda dark, may pinindot si Keylien sa wall siguro may fingerprint sensor dahil may lumabas na green light na nag scan sa amin. That was good! I should try putting something like this in my room.

Nagbukas ang isang metal door at tumambad sa amin ang sobrang daming machineries at yung Zero na nakahiga sa couch.

I wonder kung bakit siya kilala nina Keylien, though hindi ko nakikita ang version niya sa Earth.

Nilibot ko ang paningin ko, malawak ang lugar may iba't-ibang pinto pa akong nakikita but it's close. Sa gitna ng room ay may mga couch then flat screen TV. May refrigerator din at may mini kitchen.

May ganito rin ba sa ilalim ng field ng IU sa Earth, I should check, iyon ay kung makakabalik pa ba ako. But who owns this place?

"Welcome to Josefa's Hideout Katneese." Nabaling ang tingin ko kay Keylien. Josefa's what-nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at hinawakan nang mahigpit sa kanyang mga balikat.

"How do you know my name? Ikaw ba ang may kasalanan kung bakit ako nandito? Who are you?!" May bahid ng galit ang aking pagsasalita. Siya ba ang may dahilan kung bakit ako nandito?

"Well, somehow. Get off me." Pabalang niyang inalis ang mga kamay ko sa balikat niya at saka umupo sa isang single couch.

"Move Zero! Natutulog ka na naman!" sabi ni Trisha kay Zero na inis namang bumangon.

"Sit." Kahit na inis na inis ako ay para akong aso na sumunod sa kanya. Baka hindi niya pa sabihin kung bakit ako naririto eh.

"So explain everything to me, and when I say everything, no missing details, dahil kung hindi lagot kayong tatlo sa akin. You don't know what am I capable of!" Inis ko pa ring sabi na may halong pagbabanta, nako baka lalo nilang hindi sabihin.

"We will, because you really need to know. But first, let us introduce."

"Sure ka ba na sasabihin natin sa kaniya Key? What if she's just like them?" Anong ibig sabihin ni Trisha.

"Based sa observation niya, she can help us. Let's trust her, because ito naman ang plano at the first place."

Help with what?

"I am Keylien Luna, anak ni Vinel and Liandra Luna. I know that you know them." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I know. Ikaw ang anak nina Tito Vin and Tita Lia Keart version. Wow great! Yun parin ang name nila ah." I just rolled my eyes. Of course I know! Katrabaho sila ni Dad, and Keyla is my childhood enemy slash bestfriend.

"No, the Earth version." How is that possible?

-

Hi! It's been years since huli ko po itong ma-update. I was motivated by a reader to continue this story. Thank you! I'll try to my best to be active again. Shout out to you po! hersheysthechocolate Thank you po. Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InvertedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon