Chapter 1-Confusions

116 12 1
                                    

"Katreese! Wake up! Wake up! " I heard my Dad's voice, my head is really aching, feeling ko may hang over ako, but as long as I can remember ay hindi  ako uminom ng kahit anong alcoholic beverages. I slowly opened my eyes even though I don't really want to because my head is really aching as f*ck. Kaso may makulit na nilalang ang kanina pang umaalog sa aking balikat.

Bumungad sa akin ang mukha ni Dad na tila nag-aalala. I am somewhat confused, not until when I realized that I am lying on the floor on dad's office at mistula itong dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo. What happened? I can't remember anything, as long as I remembered ay pinagbawalan ako ni Dad pumasok sa rito, but why am I here? He must be angry right now, but why am I seeing the opposite? Ang pinaka ayaw sa lahat ni Dad ay ang pumasok ako sa office niya but why did he look so worried, because I am lying on the floor? Probably not. I know his attitude that much.

"Katreese, Katreese, can you hear me? Are you okay? Hey Katreese." Wait! Did I heard it right? He called me Katreese, I am Katneese for Pete's sake. Hindi ko alam kung malulungkot ako o maiinis, he doesn't even know his only daughter's name! He can't even spell and pronounce it right! 

"Dad, I am Katneese! How can you forget your daughter's name?!" I shouted habang pinipilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Nanakit ang likod ko dun ah, kaasar! Nang tingnan ko ang mukha ni Dad ay mukhang gulat na gulat ito. Dahil ba sa pag sigaw ko? He's really used to it, but somehow I felt guilty, he was just concerned about me but I shouted at him. Napayuko ako saka nag sorry sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya. Kailan pa siya naging sobrang affectionate?

"I am so worried when I saw you lying here," then he suddenly kissed my forehead. Naninibago talaga ako kay Dad. Never niyang ginawa ang bagay na ito. It's so unusual, "pero anong ginagawa mo sa office ko, anak? Akala ko ba  ay ayaw mong pumasok dito kasi ayaw mo sa amoy ng mga chemicals at hindi ka interesado sa mga inventions ko? At bakit ganito kagulo rito? Bakit nasira 'yung invention na ipapakita ko sana sayo? May magnanakaw ba anak?! Pero wala namang na d-detect ang system na ibang movements maliban sa dalawang tao and it was us." What? Anong invention ang sinasabi ni Dad and did I say that? Wala akong natatandaan na sinabi ko ang bagay na 'yon.  Dati palang gustong-gusto ko ng makita kung ano ba ang nasa loob ng office ni Dad pero whenever I tried to sneak in or just take a peak ay nagagalit na agad siya. He even stored a CCTV camera sa office niya na nakaconnect sa kanyang tablet na palagi niyang dala just to monitor kung may magtatangka bang pumasok sa office niya.

"I don't know. Hindi kita maintindihan Dad. I don't know if there's a thief at kailan ko sinabi 'yan Dad? I can't remember." Napakunot naman ang noo ni Dad dahil sa sinabi ko. 

"30 minutes ago? I was about to show you my new invention but you refused to, nakatanggap ako ng tawag kaya bumaba muna ako, medyo napahaba ang usapan namin kaya inabot ng mahigit kalahating oras tapos pagbalik ko dito you're unconsciously lying on the floor and my office was really messed." Wait, WHAT? As long as I remembered ay nasa CSI si Dad! At una sa lahat ay never niyang pinapakita sa akin ang mga inventions niya! Ano bang nangyayari? May nakapasok nga bang magnanakaw? I am really confused right now.

First, tinawag niya akong Katreese. Second, Dad's acting strange. Third, may mga sinabi daw ako na alam ko naman sa sarili ko na never kong sinabi ang bagay na 'yon!
Lastly, sobrang gulo ng office at imposible namang ako ang gumulo n'on kasi wala akong natatandaan na ako ng gumawa ng bagay na 'yon.

"And when did you dye your hair? Hindi ko 'yan napansin kanina ah." He's pertaining to my blonde and mint green hair. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Last month pa ako nagpakulay at napagalitan niya pa nga ako noon dahil sa buhok ko, pero bakit parang hindi niya natatandaan?

Hindi ko na pinansin ang mga tanong ni Dad. Tumayo ako at dali-daling lumabas ng office kahit sobrang sakit pa rin ng ulo ko.

Ang unang naisip kong puntahan ay ang kwarto ko.

"Slow down Katreese! Baka mapano ka ulit!" Sigaw ni Dad mula sa kanyang office. He's still calling me Katreese! Ugh! Naninibago pa rin ako.

Nang marating ko ang pinakadulong bahagi ng second floor ay tumambad sa akin ang isang pink na pinto. Like what the f*ck?! Sorry for my words, but I can't help it! Kailan pa naging pink ang pinto ko? I really hate pink that much! Is it really my room or naging color blind lang ako? To confirm my confusion ay binuksan ko nalang ang pinto ng aking kwarto at literal na napanganga ako.

Where the heck is my inventions? Bakit puro pink ang lahat ng naririto? Pink bed, pink walls, pink ceiling, everything was color pink! Kwarto ko ba talaga 'to?

Hindi pwedeng mawala ang mga inventions ko! Pina-renovate ba 'to ni Dad? It can't be, those machineries that I invent is really important!

Mabilis akong pumasok sa loob at nagbabakasakaling makita ang mga invention ko, but I failed. Hinanap ko ang laptop ko sa study table sa kwarto ko. Siguro naman ay hindi nawala ang mga blue prints and documents ko dito. Naagaw ng pansin ko ang isang picture na nasa isang pink na picture frame. It was me! Kamukhang-kamukha ko, but the only difference is black ang buhok ng nasa picture at may suot siyang pink na headband and never akong nagsuot ng bagay na ganyan. When did I take that photo? Ako ba talaga 'yan?

Nang makita ko ang laptop ko ay halos manlumo ako at nangingilid na rin ang luha sa aking mga mata. Wala lahat ng mga documentary ko about sa aking inventions at maging ang aking mga important files. Maging ang flash drive na nakasalpak sa laptop ko na siyang back-up ng mga important files ko ay pawang mga movies ang laman. I tried retrieving my files back but I can't find it! Oh gosh! Mahalaga 'yun!

Iniwan ko ang laptop ko at agad akong lumapit sa bintanang nakasara. It feels like I'm suffocating kaya agad kong hinawi ang makapal na kurtina upang pumasok ang sariwang hangin ngunit laking gulat ko nang sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Sabi ni Dad ay 30 minutes palang ang nakakalipas and it was late in the midnight nang pumasok ako sa office ni Dad, pero paglabas ko bakit umaga na?

There's something strange with the scenery and happenings. Panaginip ba 'to? Wait? Is it that one? Totoo nga kaya ang bagay na 'yon? I am still confused pero may ideya na ako sa nangyayari. Kailangan ko lang kausapin si Dad tungkol dito at kompirmahin ang lahat.

I was about to leave the room when something vibrated at my pocket. Wait! Tama! I put my phone at my pocket bago ako umalis ng kwarto kanina. Agad kong dinukot ang cellphone ko, it's not a text or what pero may biglang nag pop out nalang sa screen ko na sinasabing...

"Don't tell anyone about what's happening. Specially, the man whose with  you right now. Be careful Katneese." Sino 'to? Paano niya nalaman ang gagawin ko? At sino ang tinutukoy niya? Si Dad ba? Pero bakit? Ugh! It gives me more confusions!

InvertedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon