chapter 16

5.8K 127 40
                                    

DEDICATE TONG CHAPTER NA TO KAY @palattao1 natutuwa/natatawa kasi ako sa mga comments pati narin sa mga convo naming dalawa, at kasi siya yung isa sa naging inspiration ko kung ba't natapos ko tong chapter na ito ngayong gabi hehe, kasi 10:35 p.m na ^^

enjoy reading ^^

Thomas' POV

Nakaupo ako dito sa couch, kanina pa naka alis si Tigs pero hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung mga sinabi niya sakin, medyo naguguluhan kasi ako. nakatingin lang ako kay Ara habang natutulog siya, hindi na ata ako makakatulog nito -_-

tumayo ako't nilapitan si Tam na nasa higaan niya, tinititigan ko lang siya may kaunting saya akong nararamdaman pero mas nananaig yung galit sa puso ko, naiisip ko din kasi yung kalagayan ni Arra at ng anak kong si Tom,

atleast si Ara at itong batang to may pamilya at mga kaibigan na nasa paligid para mag mahal sa kanila pero si Arra at Tom ako lang, ako lang ang meron sila. walang kapatid si Arra at wala na rin ang mga magulang niya, ang mga kamag anak naman niya halos walang pakialam sa kanya, mas lalong nahiya din si Arra na lumapit sa mga kamag anak niya dahil nga sa nagkaroon ng Tom

nahihiya daw siya kung sakaling tanungin siya kung sinong ama ni Tom, alangan namang sagutin niya ng " ay si Thomas po " dahil alam nila na kasal na ko kay Ara paniguradong ikahihiya siya, o baka nga itakwil pa. kaya mas dapat kong panindigan si Arra, wala na akong pakialam kay Ara at Tam, basta ang mahalaga si Arra at ang anak kong si Tom, dapat hiwalayan ako ni Ara, at lahat gagawin ko para mangyari yun.

KINABUKASAN

Still Thomas' POV

Nagising ako dahil sa ingay, unti untii kong dinilat ang aking mga mata, tapos ang daming tao, nandito ngayon sina Mika, Kim, mga bullies, ate Abby, ate Mich, halos lahat ata ng mga  naging kateam mate ni Ara nandito, tapos nandito din sina Jeron, at mga kateam mate ko sa Green Archers, tapos si Tigs. tumingin ako sa relo ko 8:49 na pala ng umaga

" uyy gising na si Bimby " sabi ni Kim na nakatingin sakin

" ayy oo nga, good morning Bimby haha " sabat na sabi naman ni Carol, bumangon ako tapos ay umupo

" ang iingay niyo " sabi ko

" wow ah, hiyang hiya kami sayo Thom, eh ikaw anong klase kang bantay sa hospital? huli kapang nagising kaysa dito kay Ara " sabi naman ni Mika

" kaya nga, aba'y matinde ka Thomas " sabi din ni Cienne

" ano ba kayo? tama na nga yan kagigising na kagigising ni Thomas binubully niyo " sabi naman ni ate Abby

" oo nga, wag niyong binubully si Thomas, napuyat yan dahil samin ni Ara " sabi naman ni Tigs

" at bakit naman? " tanong ni ate Mich

Blessing by mistakes ( A Thomara Fan Fiction story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon