chapter 18

5.4K 102 6
                                    

FASTFORWARD ( from April 2016 to July 2016 )

[ di ba sabi ko po magfafastforward po tayo, well more than 2 months na fastforward lang naman po ]

July 3, 2016

maaga akong nagising para maghanda ng breakfast at para mag ayos ayos din sa bahay, eto lang kasi yung oras na nakakapag linis at nakakapag ayos ako ng bahay, mamaya kasi tuto na ko kay Tam :)

pumunta muna ako sa baby room para silipin si Tam na natutulog sa kuna, ang cute niya para siyang anghel, or should I say siya nga talaga ang anghel ng buhay ko :)

sana dumating yung panahon na matanggap din siya ni Thomas, yung bukal sa loob yung hindi pilit at hindi lang pakitang tao lalo pag nandyan ang mga magulng namin na nakaharap, sana talaga dumating yung panahon na yun

matapos silipin si tam ay inon ko muna ang baby monitor na malapit sa kanya tapos ay agad na akong bumaba at dumeretcho sa kusina at binuksan din ang baby monitor doon para alam ko kung sakali mang gising na siya at agad ko siyang mapuntahan, tapos ay  tuminign na ko sa fridge ng maaring iluto at inilabas ito.

nagsaing na ko ng kanin, at nag umpisa na rin sa pagluluto.

Thomas' POV

 nagising ako at bumangon agad, inayos ko ang mga gamit ko para sa pagpasok sa opisina at maging ang susuotin ko, kung dati si Ara ang gumagawa nito para sakin ngayon ako na, simula kasi na nandito sa Tam ay halos buong atensyon niya ay na kay Tam na.

pagkatapos mag ayos ay pumasok na ko sa banyo para maligo, pagkatapos maligo ay agad akong nagpunas at nagbihis, nagsuot ng sapatos, kinuha ang bag ko at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto , pagbaba ko pa lang sa hagdan ay nakita ko agad si Ara na naglilinis sa living area, nakasuot lang siya ng malaking plain white t-shirt, tapos shorts na kasing iksi ng short niya na kapartner ng jersey nya nung naglalaro pa siya sa La Salle, nakatali din ang buhok niya tulad dati kung pano siya magtali tuwing may game sila

kahit na malaki sa kanya yung t-shirt alam ko na bumalik na sa dati yung katawan niya, yung katawan na maraming nagpapantasya mapa lalake man o babae, well kahit pa lang naman nung bagong panganak siya ganyan na agad yung katawan niya kung baga parang naalis lang yung malaking tiyan pero yung hubog ng katawan walang pinagbago, sexy siya totoo yun.

" Thomas kanina kapa ba diyan? " tanong sakin ni Ara habang ako nandito paring nakatayo sa hagdan

" ah hindi naman " sagot ko at itinuloy ang pagbaba sa hagdan

" ah okay, kumain kana dun may pagkain na sa kusina " sabi niya at itinuloy ang paglilinis

sinunod ko naman siya at tumungo na ko sa kusina para kumain, pati sa pagkain namin dito sa bahay iba na rin, di na tulad ng dati na every morning pipilitin niya na magsabay kaming kumain, ngayon kung hindi siya ang mauuna kumain ay ako ang pauunahin niya, kapag dinner naman pagdating ko sa bahay ay usually tapos na siya kumain at nasa kwarto na niya habang nilalaro si Tam

Blessing by mistakes ( A Thomara Fan Fiction story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon