chapter 22

5.9K 103 6
                                    

Thomas' POV

Nagising ako na may nakadagan sa katawan ko, unti unti kong minulat ang mata ko tapos nakita ko si Ara na mahimbing na natutulog habang nakayakap sakin ng mahigpit, dahan dahan ko namang inaalis ang kamay niya na nakayakap sakin at ng maalis ko na ay inayos ko ang paghiga niya

tumayo ako agad tapos Ouch!

o.O

ano ba yan -_- natapakan ko yung phone ni Ara, buti na lang di nasira pero ang sakit sa paa, pinulot ko ang phone tapos inopen ito, ng maopen na ay nakita ko ang wallpaper niya picture naming tatlo kasama si Tam nung nasa baby room kami

haay, for this day magiging mabait ako sa kanya dahil sa sabi sakin ni Arra at para mabawasan naman kahit unti yung kasalanan ko daw -_- inilapag ko ang phone niya sa side table tapos nagbihis ako, kinuha ang wallet ko at lumabas para bumili ng breakfast namin

Ara's POV

Nagising ako na wala na si Thomas sa tabi ko, san naman kaya pumunta yun? bumangon na ako at nagbihiis tapos kinuha ko ang phone at muling tumawag kina mama. habang kausap si mama ay napansin ko yung phone ni Thomas,

gusto ko sanang tignan kaso, baka magalit siya sa isang taon bilang mag asawa di ko pa nahahawakan at nakikita kung anong laman ng phone niya, ang isang part ng isip ko nagsasabing tignan ko pero yung isa sinasabi wag

" Ara, anak, nandyan kapa ba? " tanong ni mama sa phone

" ah opo mama, tatawag na lang po ko ulit mamaya siguro, pakisabi po kay Tam i love you. ingat po kayo diyan mama babye " sabi ko

" o sige, wag ka na masyadong mag alala kay Tam kaming bahala, mag ingat at mag enjoy kayo ni Thomas ah " sabi ni mama tapos inoff na ang phone

umupo ako sa kama tapos tinitigan ko lang yung phone ni Thomas, para akong sira ulo -_- ayy! tama na nga ang pagtitig, wala naman sigurong masama asawa ko siya kaya okay lang,

siguro?

tumayo kong muli tapos kinuha ko yung phone niya, achievement na eto nahawakan ko phone niya ^^ tapos sisimulan ko na sanang buksan kaso

" opppss, " sabi ni Thomas tapos agad agaw ng phone niya

" ahm so- sorry? " sabi ko

" okay lang, pero wag mo ng pakialam yung phone ko pwede? " mahinahon niyang sabi, whew akala ko pa naman magagalit siya, buti na lang hindi

" okay " matipid kong sagot sa kanya

" kain na tayo, bumili akong pagkain :) " nakangiti niyang sabi tapos inangat yung plastic na hawak niya

Blessing by mistakes ( A Thomara Fan Fiction story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon