chapter 38

5.3K 141 26
                                    

CONTINUATION

Still Ara's POV

Bumaba muna ako para kumuha ng planggana na paglalagyan ng tubig, pagkatapos makakuha ay umakyat na ko, at pumasok sa loob ng kwarto ni thomas.

pumunta ko sa banyo niya at nilagyan ng tubig ang planggana, after nun ay lumabas akong muli at tumungo naman sa drawer niya at naghanap ako ng face towel na ipangpupunas ko sa kanya, 

tumabi na ko sa kanya, pagkatapos ay inilublob na ang nakuha kong face towel sa planggana na may tubig at inumpisahan siyang punasan. mula sa mukha, tapos sa kamay at balikat. tumayo ako muli pagkatapos ay inalis ang polo niya pati narin ang sapatos, medyas at ang pants niya.

ang itsura niya, naka boxer at topless. haay, naku baka ma rape ko to -_- pero teka di naman rape yun, asawa ko kaya siya.

ayy ano ba mga naiisip ko! maniac tuloy peg ko -_-

muli akong umupo tabi niya, at pinunasan ulit siya. maya maya pa ay gumalaw ito, tapos dumilat ang mata pero agad din namang pumikit. hooo! after mapunasan si thomas, ay binihisan ko na lang siya ng sando tutal naka boxer naman siya

eto ako ngayon at naka upo lang sa tabi niya, habang tinitignan siyang mahimbing na natutulog. ngayon pa lang nakikita ko na magiging itsura ni tam pag lumaki to, kaloka like niya kasi si tam. magkamukha silang mag daddy :)

sinabi ko noon na pipigilan ko ang nararamdaman ko para kay thomas, pero sa tuwing nakikita ko siya lalo kapag katulad ng ganito, yung sobrang amo ng mukha eh bumibilis ulit tibok ng puso ko. tapos nasasabi ko na lang sa isip ko na " ay mahal ko parin pala talaga siya, kahit tarantado siya, kahit gago siya at kahit gago't tarantado siya "

siya parin si thomas torres,

siya ang idol ko nun sa basketball,

siya ang isa sa mga crush ko

siya daw yung ka love team ko

Blessing by mistakes ( A Thomara Fan Fiction story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon