chapter 54

5.8K 157 65
                                    

Ara's POV

kami na lang dalawa ni tam ang nandito sa hospital, umalis na sina mama. si tigs naman hindi parin bumabalik, pero ang huli niyang text sakin nakuha na niya ang mga gamit namin ni tam at dadalhin na daw niya kina mika.

bigla namang may kumatok sa pintuan, siguro yung doctor at nurse ni tam. naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. ang bumungad sakin ay si thomas na namumula ang mata at halatang pagod na pagod

" anong ginagawa mo dito? " masungit kong tanong sa kanya

" pwede bang pumasok muna? " tanong niya sakin

" hindi pwede " masungit kong sagot at isasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang katawan niya

" please ara, papasukin mo ko " sabi niya habang ako naman pinipilit na isara ang pinto kahit na naiipit na siya

" hindi pwede, ayoko! " sigaw kong sabi

" ara please, gusto kong makita si tam, gusto kong makita ang anak natin " sabi niya

" ha? anak? wala ka ng anak dito thomas, kaya please lang din umalis kana! " galit kong sabi sa kanya, pinipilit kong isara ang pinto pero siya pilit na itinutulak ito para makapasok siya. nakaka asar! tinigilan ko na ang pagtulak sa pinto, agad siyang pumasok sa loob at agad lumapit sa higaan ni tam.

" thomas umalis kana " sabi ko

" ayoko, babantayan ko si tam, babantayan ko ang anak ko " tugon niya

" pwede ba thomas? wag ka ngang magbait baitan, wag kang umasta na parang may pakialam ka sa anak ko dahil alam ko at lalong alam mo sa sarili mo na wala ka talagang pakialam kay tam. diba nga sabi mo mas importante ang anak niyo ni arra? diba? kaya thomas bumalik kana kay arra at sa anak niyo dahil pinapakawalan na kita. makikipag divorce na ko " derderetcho kong sabi humarap siya at tinignan ako

Blessing by mistakes ( A Thomara Fan Fiction story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon