Ako'y isang hamak ng mangingibig lamang,
Mayroong lakas at mayroong kahinaan.
Mayroon akong bagay na kinatatakutan,
Na ang pagmamahal ay aking matutunan.Nguni't simula nang makilala kita,
Tila lahat ng bahay ay nag-iba.
Sa'yong kariktan ako ay namangha,
Tanging hangad na lamang ay makita ka.Wala nang hihigit sa'yong kariktan,
Ika'y bini-bini'ng lipos ng karangalan.
Mawala ka sa aking tingin ay aking kalumbayan,
Makuha ka ng Iba ay akin ng kamatayan.Sa tuwing ika'y masisilayan ng madla,
Napapako sa'yo ang kanilang mga mata.
Tila ika'y rosas na may bangong dala,
Humahabol sinumang makalalanghap at makakakita.Nguni't kailangan ko ng tanggapin,
Na ang puso mo'y laging nakapinid.
Hindi ka na siguro magiging akin,
Iyan ang katotohanang walang kasing-pait.
YOU ARE READING
The Gleams
Historical FictionMatatawag ba akong taksil? Kung nahigitan ng pagsinta ko sa isang dilag na nagmula sa lahi ng mga manlulupig kaysa pag-ibig ko sa aking Inang-bayan?