Kabanata II - Ang paglilibot

5 2 2
                                    

Sunod sunod na katok ang namayani sa kabila ng labis na katahikan sa silid ni Maria.

"Maria?" 

"Maaari bang pumasok?"    Tinig na nagmumula sa labas, tinig iyon ng kanyang ina

Marahang napatayo si Maria Elena mula sa kanyang pagkakaupo. Nagbabasa siya ng librong binigay ng matalik nyang kaibigan bago matapos ang taon noong sila'y nasa Maynila pa.

"Bakit po, inatugon nito matapos pagbuksan ang  kaniyang ina.

" Ngayon ang araw ng paglilibot mo sa ating hacienda, Maria." anang ginang.

"Nguni't ngayon ko sana  nais magpahinga, naging mahaba ang pagbihaye namin patungo rito." pagtutol ng dalaga.

"Alam ko naman iyon, Maria. Pero kailangan mong pumunta roon 'pagkat sa susunod na bukas ay pista na at kailangan mo ring ipaghanda iyon."  paliwanag ng donya.

Hindi na muling tumutol ang bata marahil ay alam na nito na walang magagawa ang hindi pagsang-ayon nito. Isang katulong na babae ang pumasok sa kaniyang silid. Ito ang mag-aayos ng isusuot ng dalaga pati na rin ng mukha nito. May bitbit itong mahabang bistida na may mga disenyong kumikinang pag naarawan sa bahaging itaas nito.. Sumunod na pumasok ang isa pang katulong na may dalang sapatos at mga pampaayos sa mukha.

Lumisan na rin ang kaniyang ina para maghanda na rin.

"Maria Elena, narito po kami upang ipag-ayos kayo. Kailangan bago magtanghalian ay naroon na kayo sa ibaba." anang katulong na unang pumasok.

"Salamat nguni't itong bistida na lang ang kailangan ko. Hindi ako naglalagay ng kolorete." pagtatanggi ni Maria. 

"Kung gayon po ay narito na ang inyong isusuot."

Pagkatapos magbihis ay  pumunta na si Maria sa ibaba kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang at ang kutsero.

"Maghapon ang iyong paglilibot dahil may kalawakan ang hacienda kaya mabuti nang handa ka, Maria." bungad ni Don Teodoro.

"Pagkarating natin sa taniman ng mga tubo ay magpapaiwan kami ng iyong ama, kailangan naming makipag-usap sa mga trabahador roon." dagdag ng ina ng dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The GleamsWhere stories live. Discover now