Chapter 1

128 10 0
                                    

Lorainne's POV

~Kring! Kriiiing!~

Aaaarg! Nakakainis naman o. Panira ng tulog. =…=

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?!" Bulyaw ko.

"Beeeesh! Gising na! First day of school natin sa college o!!!" Haaays. Si Marie lang pala.

"Ano ba marie?! Ang aga aga pa eh!"

"Duuuhhh 8 na kaya. Tsk. Malelate na tayo. Dalii! Puntahan kita jan sa bahay nyo ah. Byee!~"

Hay nako kahit kelan talaga panira tong bestfriend ko.

Yeah tama kayo ng rinig. Sya si Marie Villamin. Bestfriend ko yan since birth. Magkaibigan kase yung mga mommy namen. Minsan nga di ko maisip kung pano ko naging bestfriend yan e. Pero mahal ko yan noh. Utuuuut. XD haaaay naalala ko tuloy yung nangyari sa kanya dati. Iyak yan ng iyak na halos di na kumakain dahi--

"Beshy! Tara na kasi. Bangon na. *pouts*"

Panggugulat nya.

"Hay nako. Oo na! Oo na!"

Marie's POV

HAAAAAAY. Ang tagal naman ni besh e. Sana naman di kami malet. First day pa naman. :(

Haaaaay. Pang sampung buntong hiniga ko na ata to e. Yan kasing bestfriend kong si Lorraine Sy ang tamad gumising sa umaga. Halos sumabog na yung mga alarm clocks nila sa kwarto nya eh. Buti nalang kahit papano ginigising sya ni Tita Alice. Pano ko sila nakilala? Well magkaibigan kasi si mommy tsaka si Tita Alice. Kaya ayun, bestfriends since birth. Hahaha. Buti nga nakilala ko yang si besh eh. Kundi hanggang ngayon nagmumukmok pa din ako.

"Oh ano besh di ka pa ba tapos mag day dreaming jan? Tara na kaya?!!" O.O

"Ayanakkangbaboy! Ano ka ba naman besh! Lagi mo nalang akong ginugulat e. *pout*" HAY NAKO. kulang nalang talaga ma heart attack ako dito sa bestfriend ko.

"Naku Marie. Tigil tigilan mo ko sa kakapout mong yan. Tara na nga, pasok na tayo! Baka malate pa tayo." Napaka bipolar talaga nitong bestfriend ko. Kanina ayaw gumising tapos ngayon magmamadali.

"Sige tara na nga" pagsasang ayon ko.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon