Chapter 6

51 5 2
                                    

Lumipas ang ilang buwan na hindi ako ginugulo ni kupal at ng mga clown (yung mga babaeng naglalagay ng pintura sa mukha). Well, di ko din kasi sila kilala. Ewan ko nga kung pano at bakit pa nila ako kailangan kilalanin.

Ang sabi naman ni Marie, sila daw ang #0 fan ni kupal. Wow ha! may ganun pala sya. Eh sa kayabangan nyang yun hindi pa ba nauumay yung mga babae sa kanya.

Hmmmm buti nalang hindi na ko kinukulit nun. ang galing noh? Buti naisipan nilang tigilan ako. Aba, Nakagawa din sila ng tama!

Hindi parin nawawala ang mga bulung-bulungan tungkol saken. Ikaw ba naman kasing sumagotsagot dun sa Oh-so-hot daw na prince ng school mo eh, tingnan lang natin kung hindi maubos yang buhok mo sa kakahila sayo ng kung sinu-sinong babae at sasabihing "How dare you to steal Prince Kyle from me?!" Nakakainis diba? Kung ayaw nilang makuha yang prinsipeng halimaw nila, iipit nila sa kilikili nila.

Pero eww, sa kanila na yang wanscher na yan. Tsaka kelan pa nila naging pagmamayari si kupal? Hindi porket epal, mayabang, masama ang ugali, mayaman, pogi, hot -- ay teka! Ba't nasama ang pogi dun?!

Basta! Sa kanila na yan! Pagpiyestahan na nila yang halimaw na yan eh!

"Uy beshypotpot nakikinig ka ba sakin?!" Ay nakalimutan kong sabihin na nandito pala si Marie.

Haaaay, kung alam nyo lang kung sino yung kinikwento niya saken araw-araw. Tsk. Yung prinsipe Zaine daw niya. Kesyo sweet daw sa kanya. ugggghhh!

Kelan pa sila naging sobrang close?! Eh yung araw-araw ko ngang katabi hindi ko pinapansin eh! Ano kayang nangyari dun sa kupal na yun at naisipang hindi ako kulitin? Naku! Bakit ko ba iniisip yung wanscher na yun?

"Ay sorry, may sinasabi ka ba?" Masyado na yatang napahaba ang kwento ko. XD

"Hay nako. Sinayang mo lang ang laway ko. Nagkekwento ako sa mga nangyayari samin ni Zaine eh. Kayo ba ni Raine? Kamusta na kayo ni Kyle? Pansin ko hindi na kayo nagpapansinan ha? LQ ba? Yieee." -Siya

"Aba't tigil tigilan mo ko Marie ha. Wag mo kong dimadamay jan sa kalolohan mo. Tsaka anong LQ, LQ? Di nga kami close eh" LQ daw. Pssh -.-

"Hala sige't samahan mo nalang ako sa mall may bagong designs daw na dumating sa botique ko! bibigyan kita." Yeah may sarili syang botique. Meron kaming sari sariling property, regalo samin ng parents namin last year.

"Sige na nga. Wait lang magbibihis lang ako. Hintayin mo ko sa baba." -Ako

"okaaaay! ^________^"

"Mabuti pa ngat isama mo na tong si Lorraine. Halos araw araw na lang kasi yan sa kwarto niya at nakatutok sa Ipad."

Sinamaan ko agad ng tingin si Mama.

"Ma naman! I told you, I'm just busy *pout*" Busy ako sa pagrereview malapit na kasi ang sem.

"Okay okay. Just go now. Enjoy kayo! :)" Nanay ko ba talaga to? Masyadong cheerful ngayon ah. Ano kayang nakain neto?

"Byee Titaaa!"

Nakarating na kami sa mall namin. Oo mall namin. Gaya nga ng sinabi ko dati, mayaman kami neto. Pero hindi ako sanay sa pagpapaganda o sa mga kaartihan sa katawan. Gusto ko kasi natural beauty lang. :)

So ayun nga, di naman sa ayaw pero, wala sa routine ko ang pagpapaganda. Hindi katulad nito ni Besh na expert dun. Pero kahit ganun, mas maganda pa din ako sa kanya. Hehehe. Sabi nga nila "Simplicity is beauty".

"O ito naman bes, isukat mo."

"Nakakailang pares ng damit na ang nasusukat ko dito ah?!"

"Last two nalang promise. Kakain na tayo. Alam ko naman gutom ka lang. Psh."

Wala na akong nagawa kundi sundin sya.

Paglabas ko ng dressing room....

"Wow bes! Bagay na bagay sayo!"

Weh? Di nga? Ang galing naman *o*

"Oh. Pwede na ba tayong kumain? Please? *puppy eyes*"

"Oo na."  Yey!

Habang naghahanap kami ng makakain, Nakabunggo ako

"Sorry po" Pinulot ko muna yung bag ko at saka tumingin sa nabangga ko.

Nanlaki mga mata ko nang nakita kung sino ang nabunggo ko.

"Stupid tss. For the second time huh"

Aba't ano ang ginagawa ng kupal na yan dito sa mall namin?! Kalma lang Lorraine. Hoooh! Teka nasan na si Marie?!

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon