Dahil sa pagkabila, di ko na napigilang mapatayo.
"IKAW?!" Sigaw ko.
Sino ba naman kasing hindi magugulat kung kaklase mo pala yung panira ng araw mo? Hay nako. Tapos sinabiha pa ko ng stupid?! Wow lang ha?!
"Warning, Miss Sy. Lower down your voice or else you will be sent to the Detention Office. Understand?!" Noooo! First day na first day, D.O. agad. Huhu.
Wag po maaaaaam! Pano na ako?
Masisira reputasyon ko!
Magagalit ang parents ko!
Mababawasan allowance ko!
Grounded ako!
Magugutom ako!
Mamumulubi ako!
Mamamatay ako!
Huhuuuu. wag po. :'(
"Miss Sy?! Are you listening?!" untag nya sa akin.
"Opo. Sorry po maam." Naku Lorraine. first day na first day, sermon agad.
"Good. Mr. Marcus, you may seat beside Ms. Villamin. And you Mr. Marquez, seat beside Ms. Sy.
"Sure Ma'am." sagot ni mokong.
Aba't nakangisi pa ang loko?! Humada ka talaga saken Kyle-bo ka!
"Mr. Marquez will you please introduce yourself in front?" Ay si mokong Kyle-bo na pala ang susunod na magpapakilala. Reaction nya? Well, poker face lang. Mukhang ayaw nya din sa introduction thingy.
"I know you know me. I'm Kyle Lorence Marquez, 18 years old and the son of the owner of this university, Alfred Marquez. We own lots of companies here in Aisa. That's all." Ang yabang ah. =.=
"Thank you Mr. Marquez. And lastly, Mr. Marcus."
"Hey guys. I am Zaine Marcus, 18 years old. I love to be here, so please be nice to me." Ah so, Sya pala yung Zaine Marcus.
Woaaah! Tama ba tong nakikita ko? Namumula yung bestfriend ko? Hmmm, may something ha. *evil laughs*
Pagkatapos ng introduction, nagexplain lang si Miss Valdes tungkol sa rules and regulations ng school, nang mapansin kong palingun- lingon sakin si Kyle.
Waaaait-- Tama ba tong nakikita ko? nakatingin sya saken?
Hay nako Lorraine. Maghunos dili ka nga!
~
Pagkatapos na pagkatapos ng klase, tumakbo na agad ako palabas ng klase. Hindi ko na hinintay si Marie, magbo-boy haunt nanaman yun e.
Habang tumatakbo ako palabas ng room, may nakabunggo akong isang matangkad at gwapong lalaki.
"Sorry." Nahihiya kong sabi. >/////<
"Okay lang. Kasalanan ko din naman e. Hindi ko din tinignan yung daan." And with that, I smiled.
"A-ah. U-na na muna a-ako ha." Hala, ba't ako nauutal!
"Ah sige."
Dali dali akong tumakbo palayo, nang mapansin kong namumula na pala ako. Grabeng kahihiyan to!
<////<
BINABASA MO ANG
CHANCE
Fanfiction"Minsan, nakakasawa na kasi ang paulit ulit. Nakakarindi na. Tama na, pwede ba?!" -Lorraine Sy