Chapter 1 [Meet- up]

62 5 6
                                    

LESLIE'S POV

*KRRRRIIIING* *KRRRRIIING* "WAAAAAAH! ANO BA?" Biglang bulyaw ko ng marinig ko ang ingay ng aking alarm clock. Kainis naman eeh! Ang sarap pang matulog haayst! Alas sais na ng umaga ng ako'y nagising at first day of school ngayon kaya kailangan ko ng maghanda. Sana nga lang magiging masaya first day ko. Hmmmm, maging masaya nga ba?

Natapos na ako magbihis at nakahanda na ang lahat.

O_o

"Wooow!! Ang lawak! Ang ganda ng paaralan na ito", bulyaw ko agad ng makatungtong na ako sa harap ng gate ng paaralan ng UB - University of Bonbon. Di pa nga ako nakapasok pero pansin ko na ang lawak ng paaralang ito.

"Ayy tae ka!", biglang sabi ko nang mabundol ako ng isang lalaking ubod ng gwapo, katangkaran, kaputian at.....

"Aba! Mag-ingat ka naman sana Miss! Tumingin tingin ka rin sa dinadaanan mo. At sino pa tae ngayon? Talagang ako pa talaga nasabihan mo? Tss!", bungad niya sakin ng ako'y matauhan.

AT PUNO NG KASUNGITAN!!! AKALA MO KUNG SINONG GUWAPO! CHE!

"Sorry po, Mister. Sa susunod kasi tumingin-tingin ka rin sa dinadaanan mo", pabalik na sagot ko sa kaniya. "'Kala mo sinong guwapo."

"Anong sabi mo?", tanong niya sakin nang nakakunot ang noo.

"Sungit!", sabi ko at nilisan siya.

Tinahak ko ang hagdanan patungo sa room ko. Ang lawak naman! Matatagalan pa siguro 'to ng ilang araw bago malibot dahil sa sobrang lawak. Djk! Oo, ang lawak talaga! Mas malawak pa sa dati kong paaralan.

"Okay, dahil mayroon tayong bagong mag-aaral mula USTP, ipapakilala ko siya sa inyo. Miss Torralba? Please come here in front and introduce who you are", sabi ng guro namin. Ito na naman ang pinakaayaw ko sa lahat eeh! Kapag transferee ka kailangan talagang e-introduce sarili mo. Tss. Tumayo ako at pumunta sa harapan.

"Ahmmm...m-magandang u-umaga p-po sa i-inyong la~~", pinutol ako ni Maam Verne sa pagsasalita.

"Don't be shy speaking in front of them. Go on! Don't speak laconic", sabi niya.

"Magandang umaga sa lahat. Ako nga po pala si Leslie M. Torralba, labimpitong taon at nag-aral po ako mula USTP - University of Science and Technology of Southern Philippines. Pwede niyo kong tawagin sa pangalan na 'Leah'", bati ko sa kanila. Kinakabahan na ako baka wala akong maging kaibigan sa taong ito.

"Thank you, Miss", sabi ni Maam sakin. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. "Okay! The subject for today is English! I'm hoping that everyone of you could speak English as this is an English subject, okay? So let's start our to--", napahinto siya sa pagsasalita ng may lalaking pumasok sa loob. "Sorry Maam, I'm late", sabi ng lalaki. "MR. ABALDE, FIRST DAY OF CLASS THEN YET YOU'RE LATE. WHERE OF THE EARTH HAVE YOU BEEN?", tanong ni Maam Verne sa lalaki. "Pinatawag kasi ako ni Lolo, Miss. Sorry!", sagot niya. "Okay, please sit down!", ani Maam Verne.

Nag do-doodle ako kung kaya't 'di ko na sulyapan kung sino man 'yong lalaking 'yon. Pero familiar boses niya ah. Parang.....

o_O

"IKAW NA NAMAN?!", tanong namin pareho. Nabigla ang klase at sami'y nakatingin. Magkatabi kasi kami ng upuan eh. E sa dami dami ng pwedeng mauupuan, dito pa talaga sa tabi ko.

"What noise was that?", ani Maam habang nakatingin sa amin. "Do you know each other?"

"HELL NO!", aniya.

Accidentally Fallen (On-Going)Where stories live. Discover now