Chapter 14 [New Friend]

23 1 0
                                    

LESLIE'S POV

Nagdaan ang ilang araw, naging okay na rin si Gabriel. Ilang araw din akong pabalik-balik sa hospital. Paaralan. Hospital. Bahay. Repeat. Because I'm worried about him.

"Oww! Nandiyan na naman ang kontrabidang nagpakulong kay Christine."

"Nandiyan na ang MANGGAHAS - Manggagamit at Ahas", dinig kong mga sabi sabi ng mga estudyanteng nasa corridor.

Yeah it's Friday today! Friday na at malapit ng mag isang linggo ang pangyayaring yon! At ni kahit kelan man, hindi ko mabura-bura sa isip ko ang nangyari. Lalong lalo na ang pag.......aiiissshh! Wag na nga lang yon! Ayokong isipin pa yon uli.

Dahil sa masakit sa tenga ang mga naririnig ko mula sa kanila, nilapitan ko sila't pinagtaasan ng kilay.

"Akala niyo ba hindi ko naririnig mga pinagsasabi ninyo ha? Yong totoo nga, bulungan ba yan o announcement? Ang lakas kasi eh!", panimula ko. "At isa pa, HINDI NIYO PA ALAM ANG BUONG KWENTO KAYA WAG KAYONG UMASTA NA PARANG ALAM NINYO."

"Mga wala ba kayong magawa sa sarili ninyo at pag-uusap na lang at pagchi-chismiss ang inaatupag ninyo?", sabi nung pamilyar na boses sa likuran ko.

Nilingon ko yon kung sino man. Lumapit siya sa akin at sinundan ko ng tingin.

"Alam niyo bang pwede ko kayong ipasibak diri-diritso sa paaralang ito dahil sa mga pinag gagawa ninyo, ha?", galit na sabi ni Gabriel. Oo, si Gabriel. Siya yon!

"Luuh? Nakabalik na pala siya?"

"Magaling na siya?"

"Sino kayang nag-alaga sa kaniya? I wish I was that person!"

Iilan laman gsa mga naririnig kong mga usap-usapan ng nga estudyanteng nakapaligid sa amin.

"S-sorry po Gab! D-di na po mauulit", sabi nung mga babae.

"Well, just make it sure", sabi niya don.

"G-gab!", sabi ko at lumingon siya sa akin.

"Are you okay, Miss Beautiful?", tanong niya sa akin.

"Miss Beautiful Miss Beautiful ka diyan", ulit ko. "Di mo na lang sana pinatulan, ayon nakakaawa tuloy."

"Sinasagot mo nga sila eeh kaya okay lang yon na pagsalitaan ko rin sila. At isa pa, ayaw kong ginagalaw ang prinsesa ko.", aniya.

"Boler--", putol na sabi ko. Hoooy! Wala pang kami aah! Pero close na kami.

"Tol! Dre!", tawag nina Benjie.

"Oy pare!", ani Gabriel at nag-apir.

"Kumusta na pakiramdam mo? Sigurado ka bang okay ka na?", alalang tanong ni Benjie.

"Yes! Hundred percent okay!", pangiting sabi ni Gabriel.

Bumaling siya sa akin at ningitian ako.

"Wala kang kasama? Where are your friends? Si Shubie? Si Bbygurl?", tanong ni Gabriel.

'Eh? Kung maka Shubie at maka Bbygurl to akala mo close na close niyang talaga, tsss.'

"Baka late na naman yon!", sabi ko.

Di na niya ko pinansin pa't naglakad papunta sa room namin.

Pagdating namin ay siya ring pagdating ng Lec namin na si Maam Verne kaya nagsimula agad siya.

"Mr. Abalde,", tawag niya kay Gabriel. "Are you okay now? How's your feeling?"

Accidentally Fallen (On-Going)Where stories live. Discover now