이진기
CHAPTER TWO
[FRANCHESCA'S POV]
"Ma!!!!!!!" sigaw ko habang bumababa ako sa hagdan in full speed na parang si flash.
"Ano nanaman ba yan Pachuchay?" halata sa mukha ni mama ang inis. Ngumiti lang ako ng matamis at nilapitan siya, minasahe masahe ko pa yung balikat niya. Nagsalubong naman yung kilay niya.
"Oh?! Bakit ka biglang naglalambing?! Ano nanaman kelangan mo ha?!" siniko ko siya ng pabiro habang nakangiti pa rin, "Grabe naman ma.. porque ba naglalambing, may kailangan na agad?" with matching beautiful eyes pa at dahil sa sinabi ko tumaas ang kilay ni mama.
"Aba, hindi ba Franchesca de Guzman?!" Bigla akong lumuhod sa harap ni mama na kasalukuyang nakaupo sa may sala namin, hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni mama kasi nakayuko ako. Nakapatong yung noo ko sa may lap ni mama habang yung kamay ko naman ay nasa may hita ko.
"Hoy! Pachuchay! Anong ginagawa mo? Bakit ka lumuluhod? Tumayo ka nga diyan!" hinawakan ako ni mama sa may kilikili at pilit itinatayo. Huminga ako ng malalim at..
"MA KASI ANO... MAYSINGINGCONTESTANGSHINEETAPOSGUSTOKOSUMALIKASIYUNGPRIZEMAYMEETANDGREETATTRIPTOKOREAPEROKELANGANKONGPERMISONIYOMASANAPAYAGANNIYOAKOMAPLEASEPAYAGANNIYOAKOPROMISEILLMAKEYOUPROUDPROMISETALAGAMAHUHUHUHU"
*POOOK!*
Tumingin ako kay mama at nakita ko na hawak pa rin niya yung tsinelas na pinampalo sa ulo ko, "Bakit niyo naman ako pinalo, ma? Hindi mo ba ako papayagan? Ehh ma naman eh~" sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.
Napaka-amazona talaga ng nanay ko, lahat ng maiabot ng kamay niya pinapampalo o pinambabato sa'kin.
"Anong hindi papayagan? Ni hindi nga kita maintindihan! Magdahan dahan ka nga sa pagsasalita!" nag-twinkle ulit yung mata ko. ✧U✧
I can see hope!
" *GULP!* Kasi ma.... may singing contest po yung SHINee... Tapos po... Ano po...."
"Hindi." parang biglang gumuho yung mundo ko nung marinig ko yung sagot ni mama.
"Bakit ma?" halos maluha luha kong sagot.
"Ang sabi ko... hindi mo ba pwedeng bilisan ng kahit onti?"
Toinks.
Kung may award lang na 'Best in Pabitin' award, matagal na nanalo 'tong nanay ko.
Una, yung sa chiksilog. Tapos ngayon eto naman?
Gusto ko sanang sabihin na 'Akala ko ba ma bagalan ko?' pero dahil kailangan ko magpa-good shot para mapayagan niya ako hindi ko nalang pinansin at sinunod ko nalang yung sabi niya.
"May singing contest po kasi yung SHINee. Trip to Korea at Meet and Greet with SHINee yung prize ng mananalo. Gusto ko sana sumali, Ma...." nag-pause ako saglit at tinignan ang reaksyon niya bago nagsalita muli "Okay lang po ba?"
"Edi sige." nanlaki yung mata ko at para bang may excitement na bumalot sa katawan ko mula sa paa ko hanggang sa tuktok ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Falling For Lee Jinki - Ongoing
Teen Fiction[Taglish Story] Hanggang saan mo nga ba kayang mahalin ang taong matagal mo ng iniidolo?