Chapter Five

148 17 11
                                    

이진기

CHAPTER FIVE

 [FRANCHESCA'S POV]

        "You are a great singer -Onew" 

        "You are a great singer -Onew" 

        "You are a great singer -Onew" 

        "You are a great singer -Onew" 

        "You are a great singer -Onew" 

Paulit ulit sa utak ko yung nakalagay sa sticky note.

Sobrang mind-blowing.

Iba pala talaga yung dating ng compliment pag sa minamahal mong idol nanggaling.

Hindi ko ubos maisip na worth ako ng compliment na yun.

Pero mas okay siguro kung "I love you" nalang nilagay ni Onew.

Joke! Bwahahahahahaha!

"Hoy Franchesca!" nilinggon ko si mama "Ano nanaman bang iniisip mo? Pansin ko palagi ka nalang may iniisip tapos biglang tatawa ah. Sigurado ka bang hindi ka baliw?" sinimangutan ko siya "Ma naman.." tumawa siya bigla "Ah basta. Bumaba ka na don at aalis na tayo!" lumabas na si mama ng kwarto at naiwan ako dun.

Tinanggal ko sa charge ang hand phone ko at kinuha ang earphones ko. Nilagay ko ito sa maliit na shoulder bag.

Palabas na sana ako ng "Ah! Yung wallet ko!" nagtungo ako sa computer table at binuksan ang maliit na drawer, kinuha ko ang wallet ko na bunny design at ipinasok ito sa shoulder bag ko.

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at isinarado ang pinto.

Bumaba na ako at nagtungo sa labas.

Andun nagiintay si mama sa kotse naming color black.

Pumasok na rin ako sa loob at umupo sa may passenger seat.

Nagsimula na mag-drive si mama papuntang mall.

Mga 40 minutes pa ang byahe kaya inilabas ko ang mahiwagang hand phone ko at earphones (na sumasaklolo sakin every time na boring ang byahe.. o pwede rin buhay) at nagpatugtog ng guess what kung ano? *drum rolls* shinee songs! Ano pa nga ba? Wala naman ibang kanta sa playlist ko kundi SHINee. Tinapik na ako ni mama at sinabing andito na raw kami. 

         [SA LOOB NG MALL]

Pumasok kami ni mama sa isang boutique na nagbebenta ng mga cute na damit.

Habang pumipili ako ng damit sa isang clothes rack napansin ko nakatingin sa'kin yung isang babae na tumitingin din ng mga ibang damit sa katabing rack.

Pero hindi ko nalang siya pinansin.

Malay ko kung guni guni ko lang yun?

Kung tatanungin ko naman baka sabihan ako ng feelingera kaya nagpatuloy nalang ako sa pag-browse.

Ang cucute ng mga dresses nila! *u*

Hindi ako mahilig mag-suot ng mga dresses at maging girly girly pero dahil korea ang pupuntahan ko at ang gaganda ng mga suot ng mga babae dun, baka pagkamalan akong isang beggar at abutan ako ng piso. TUT

Kinuha ko yung isang dress na naka-hanger, parang skater dress siya pero may pa-triangle na butas yung sa dibdib part tapos yung likod ay may bow. Color pink siya na may pagka-orange? Basta yun! (see chapter media on the left >) Isinukat ko ito at lumabas sa dressing room para ipakita kay mama na naga-antay sa labas.

Falling For Lee Jinki - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon