Chapter One

243 20 7
                                    

이진기

CHAPTER ONE

[FRANCHESCA'S POV]

        

[Everybody wake up! Wake up! Haega ddeunda ]

        *Inat, inat* 

 "Eto na nga po, wa-wake up na. Hihi." Tumayo na ako at inayos ang kama ko. 

Isang napakagandang umaga nanaman!

Sino bang hindi gaganda ang umaga pag boses nila ang gigising sa'yo, diba?  

"Mwah mwah mwah mwah mwah! Pwe. Lasang poster! Pero.. okay lang! Good morning my lovely shining men! Lalo na sa'yo..." Tinuro ko yung lalaking napakaganda ng ngiti, "Lee Jinki!"

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nagtungo ako ng dinning room ng biglang, "Kumain ka na diyan, Chiksilog!" 

Chiksilog? 

"Ma, seventeen years niyo na akong anak. Ilang beses niyo na akong pinaliguan noong bata pa ako. Alam na alam niyo naman na sigurong.." tinakpan ko ng kamay ko ang aking katawan "..babae ako diba? Hindi po ako chiksilog!"

Onti onting kumunot ang noo ng babaeng nasa harap ko at biglang..

  

*WUSHING!*

"Aray naman ma! Bakit mo naman ako binato?" Kinapa ko yung towel na binato niya sakin at... "YUCK! At talagang yung basahan pa yung binato niyo sakin? Ok lang siguro kung malinis eh kaso kakagamit niyo lang neto oh! May mga kanin kanin pa! Ma naman!"

Naiinis kong tinanggal ang mga butil ng kanin na dumikit sa buhok ko galing sa basahan na binato sakin ni mama.

'Ano ba naman 'to! Ang lagkit lagkit! Ang hirap tanggalin! Nakakainis!' bulong ko sa sarili.

Mahirap nang lakasan, baka hindi lang basahang gamit ang maibato sa akin pag narinig ng nanay kong amazona.

 "Ano ka ba naman kasi Pachuchay! Kung ano ano yang iniisip mo! Ang sabi ko..." pinutol ni mama ang kanyang sinasabi at unti unting itinaas yung pantakip ng pagkain sa lamesa "..chiksilog ang ulam natin! Paborito mo yan diba?

Napakamot nalang ako ng ulo. 

Pwede naman kasing sabihin ng maayos katulad ng 'Oh anak, kumain kana at chiksilog ang ulam natin.' edi sana hindi na ako nabato ng pesteng basahan na yun.

Pero dahil mahal ko ang nanay ko at hindi ako mahilig makipag-argue sakaniya (kasi alam ko namang palagi siya ang tama at panalo kahit minsan halatang palusot nalang ang nasasabi niya), tinali ko nalang ang dila ko pabalik para hindi makapagsalita ng hindi maganda at baka ref na ang ibato niya sakin.

"Ah eh~ hehehe~ sabi ko nga po sabi niyo chiksilog ulam.." Umupo na ako at kumain mag-isa. Late na kasi ako natulog kagabi since wala namang pasok kasi summer vacation kaya late na din ako nagising, wala tuloy akong kasabay kumain. Loner tuloy ako. Ano na, Franchesca.

Pagkatapos kumain ay nag-toothbrush ako at pumanik na papuntang kwarto. Binuksan ko ang aking computer at umupo sa office chair na ginagamit ko, mas komportable kasi kesa sa plastic chair lalo na kung pang matagalan mong uupuan, ayoko naman sumakit pwet ko noh! Inabot ko yung unan ko sa kama na nasa gilid lang ng computer desk ko, inilagay ko ito sa binti ko para hindi mangawit yung kamay ko.

Falling For Lee Jinki - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon