Chapter Seven

157 18 5
                                    

이진기

CHAPTER SEVEN

 

 [FRANCHESCA'S POV]

Pagkatapos ko langhapin ang hangin ng Korea pagkababa ko ng Eroplano ay pumasok na ako ng mismong Incheon Airport.

Wow.

Amazing.

Ang laki ng pinagkaiba ng airport nila sa airport natin sa Pilipinas. Sobrang hightech.

Sa Pilipinas, pagkalabas mo ng airport madaming taxi ang nakaabang.

Minsan manloloko pa at tataasan pa ang bayad kahit hindi naman dapat kasi may metro.Kaya dapat talaga mag-arkila nalang ng kotse para magpasundo.

Pero dito sa airport na 'to... Wow.

Nakabuilt in yung train station.

Ah, wait nga. Saan nga pala ako pupunta? Kinapa ko ang cellphone ko at tinignan yung instructions na binigay sa'kin nung management. Sinunod ko ito at pumasok na ng train station. After 10 minutes narinig ko na yung pangalan ng dapat babaan kaya sinunod ko ito bago pa ako mawala sa isang bansang hindi ako marunong magsalita ng lenguahe nila. May nakita akong placard na nakalagay ang pangalan ko. 

                "Welcome to Korea! 

                Franchesca de Guzman

                SHINee Singing Contest Winner"

Eyh~ Kelangan ba talagang ilagay yung 'SHINee Singing Contest Winner'?

Baka sabihan nanaman ako ng 'hindi naman magaling yan' katulad nung nangyari sa mall.

Pero joke lang pala. Kahit pala anong sabihin nila, hindi ko sila maiintindihan. Tska for sure, wala namang nakakakilala sa'kin dito.

                *Flash flash flash*

What the? Nakakalula yung mga flash ng camera!

Tinignan ko yung paligid ko.

Baka may celebrity kaya kinukuhanan nila ng photos pero wala eh.

Nung gumilid ako, gumilid din yung pagkatutok nila ng camera.

Falling For Lee Jinki - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon