Chapter Eight

134 14 8
                                    

이진기

CHAPTER EIGHT

 [FRANCHESCA'S POV]

*ting!* 30th floor... Nauna siyang lumabas ng elevator habang ako tulala pa rin.

'Because I hate hearing your voice'? Mas hate ko naman marinig ang boses niyang napaka-cold at napaka-suplado ng dating 'noh! "Hmpf!" sambit ko at tuluyan nang lumabas ng elevator bago pa ako masaraduhan. Naka-cross arms ako habang sumusunod sakaniya.

*Pook!* Araykopo! Lumingon siya sa'kin. "Can't you be more careful?!" tinignan ko siya habang nakahawak sa noo ko. "S-sorry." napakamot nalang ako sa ulo ko. Ayoko nalang makipagtalo. Baka lalo pa akong mawala sa mood dahil sa kutong lupa na 'to!

*Tututut!* Binuksan na niya ang pinto papunta sa hotel room. Room 525. Nagbigay siya ng way para mauna ako pumasok. Hmp, kahit na gentleman ka, nakakabwisit ka pa rin! Ang sungit sungit kala mo naman ang gwapo gwapo!

Pumasok na ako sa loob.

Buti nalang wala na masyadong hassle kasi nakalagay na yung mga maleta ko sa kwarto na tutulugan ko.

Ang ganda ng hotel room na ito. Sobrang laki at sobrang ganda ng mga designs. Pumunta ako sa may bintanang malaki at hinawi ang puting kurtinang naka-harang dito. 

                "WOOOOOOOOOOOOOOOOOW!" 

        Ang ganda ganda ganda ng view!!!!!!! Since 30th floor nga ito, kitang kita ko ang halos kabuuan ng city! Wow! Ang daming buildings! Ang daming taong naglalakad na parang langgam lang ang liit!

Habang naa-amaze pa ako kakatingin sa bintana may narinig ako biglang nagsalita sa likod ko. "Beautiful, right?" sambit niya pero imbis na sumagot ako, hindi ko nalang siya pinansin. Diba sabi niya siya lang daw ang pwede magsalita? Edi siya na! Kausapin niya sarili niya! Magpakabaliw siya mag-isa! Wag lang niya ako idamay sa kasungitan niya 'noh.

"This is the most expensive room you could ever get in this hotel. That explains the beautiful window view." pagpapatuloy niya.

Umalis na ako sa window view at inexplore pa ang ibang parte ng hotel room.

May kitchen ito na parang condo. Pumasok ako sa isang room at lalo akong naamaze kasi may galaxy pool. Wow. Medyo maliit lang naman siya pero nakakatuwa pa rin kasi... sariling galaxy pool? Sa loob ng hotel room? Bukod sa privacy, makakapag-relax din ako mag-isa. Yehey! 

Pagkatapos ko libutin ang buong hotel room, pumunta na ulit ako sa living area at nakita kong nakatayo lang si Peter dun na para bang istatwang inaantay ako. "Are you finished yet?" lumapit ako sakaniya.

Iniabot naman niya ang card ng hotel room na ito. "Since tapos ka na magikot ikot, aalis na ako. You have your phone, call or text me if you have any needs. I'll be right over asap." sabay nagtungo na siya sa pinto at lumabas na.

Haaaaaaaaaaaaaay! *Inat inat* Sa wakas! Wala na yung masungit na yun. Tuwing nakikita ko pagmumukha niya nabibwisit ako eh. Buti nalang umalis na siya at pwede na akong magpakasaya ulit! ^u^

Nagsimula muna akong mag-ayos ng mga gamit. Tinanggal ko muna ito sa maleta. Aish, ang hirap gumalaw ng naka-pantalon. Kinuha ko muna yung sleep shorts ko pati na rin yung oversized white shirt ko. Pumunta ako sa bathroom at nag-palit into comfy clothes. Itinali ko rin yung buhok ko into a bun para habang naga-ayos ako hindi ako magmukhang sadako at hindi makakita dahil sa sobrang dami ng buhok na nakatakip sa mukha ko. Ayan! Ready na 'ko sumabak sa gyera! Este... sumabak sa mga bundok bundok na gamit galing sa maleta. Mama naman kasi, ang daming damit yung ipinabaon sa'kin. 

                After 2 hours....

Wow. Haggard. Boom pawis. Kahit na ang lakas ng aircon. Grabe. Next time talaga, hindi ko na hahayaang tulungan ako ni mama mag-impake. Yung pinangimpake niya parang good for 1 month hindi 2 weeks eh. >____>

Tinignan ko ang orasan, 4:30PM na. *Hikaaaaab* Nakakaantok naman. Idlip nga muna ako. Pero bago ako humiga ng kama. Initinabi ko muna yung mga maletang walang laman sa may gilid ng kama ko. Nagtungo rin muna ako sa may kusina at kumuha ng tubig.

Habang iniinom ko ito napansin ko yung malaking window sa may living area.

Magsu-sunset na! Tumakbo ako papunta sa kwarto at kinuha ang polaroid camera pati na rin ang digital camera at dinala ito papunta sa may living area.

Kinunan ko ang sunset gamit ang digital camera, tapos sa polaroid camera naman.

At syempre, hindi mawawala ang selca!!!!

Pagkatapos ko mag-selca ng mga 100x, pumunta na ulit ako sa kwarto. Ibinalik ang mga camera sa may princess table sa gilid ng kama. At humiga na. Sa sobrang lambot ang komportable ng kama ko (not to mention sobrang laki din niya!), agad agad naman akong nakatulog.

Mga isang oras palang ang naitutulog ko, narinig ko ang cellphone ko na nagri-ring kaya naman nagising ako. Peter Sungit calling... Aish. Ano nanaman bang kelangan netong sungit na 'to? 

        "Bakit?" walang gana kong sabi. 

        "Meet me at the lobby. Let's eat dinner together."

        "Ayoko."

        "May surprise din ako sa'yo. I'm sure you'll be REALLY surprised." Surprise? o_O

        "Anong surprise?"

        "It's called surprise for a reason. Pag sinabi ko sa'yo kung ano yun, hindi na siya surprise. Okay? Stop asking nonsensical questions and just go down. NOW."

        *Toot toot toot*

Wow, binabaan ako? Ano ba problema ng lalaking 'to sa'kin. Ang bipolar. Minsan mabait at gentleman, minsan naman ang sungit at suplado daig pa yung nagmemenopause. Baliw. Baliw ka Peter!!!!!!

Kahit na binabaan niya ako syempre curious pa rin ako kung ano ang surprise niya na yun kaya nag-shower ako saglit, nagpatuyo ng buhok at nagpalit ng damit. Naglagay din ako ng kaunting make up at nagpabango. All set!

Lumabas na ako ng pinto at nagulat ako dahil may limang lalaki na medyo pamilyar ang pumasok sa Room 526, the room just across mine. At ang panghuling lalaki, tumingin pa sa'kin at ngumiti.

Nakapasok na sila ng room nila ngunit ako.. para akong statwa. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.....

        

        

        

        

        

        

SH--SHINee?!!!!!!!!!       

Falling For Lee Jinki - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon