Chapter Six

175 20 13
                                    

이진기

CHAPTER SIX

 [FRANCHESCA'S POV]

                9:36PM 

 Ahh! Sa wakas, natapos rin ako magempake ng mga gamit.

Dalawang maleta ang dala ko sa sobrang dami ng gamit na dapat kong dalhin.

2 weeks lang naman ako dun pero ewan ko ba sa nanay ko at yung isang maleta ata yung napuno niya kakalagay ng mga gamit na dapat ko daw gamitin 'pag andun na ako. Mga nanay nga naman.

Pero mamimiss ko yung presensya (multo lang ang peg?!) ni mama. Syempre nakakalungkot na hindi ko makakasama yung nanay ko sa loob ng 2 linggo lalo na't sanay ako na bigla nalang may sisigaw ng "Pachuchay!!!" o kaya naman kakalabit nalang sa'kin at sasabihan ako ng 'baliw' tapos magwa-walk out bigla, parang siya pa nga yung nagmukhang baliw.

Sa totoo lang first time ko mawalay ng ganito katagal kay mama. Ang pinakamatagal ata dati ay 3 days, dahil sa retreat namin nung graduating student ako. Catholic kasi ang school na'min at every year may retreat kami pero pinaka-"special" daw ang retreat pag graduating kasi sa baguio kami nagre-retreat. 

Nakakatuwang nakakaiyak (baliw lang?) yung retreat na yun kasi nung last night namin sa retreat house, may surprise videos pala kami from our parents. Yung iba sobrang hagulgol after makita yung mommy at daddy nila na nagbibigay ng heartwarming message para sakanila. At dahil nga nasa ibang bansa si daddy, hindi nalang ako nag-expect ng message sakaniya. Pero nagulat ako kasi nakita ko nalang yung mukha niya dun sa screen.

                [ Flash back ]

"Baby-yo!!! Hello!!!! Kakatanggap ko lang ng e-mail na sinend sa'kin ng school mo.. Sabi nila gawan daw kita ng video message. Kaya eto! Vinivideo-han ko yung sarili ko habang nasa work ako." lumapit siya ng onti sa video na parang bubulong "Baka akalain nila baliw na ako." sabay tumawa siya. Yung signature tawa niya na halos wala na siyang makita sa sobrang lumiliit yung mata niya.

"Pero okay lang. Anything for my baby-yo!" sabay ngiti "Since retreat niyo, I expect na lubusin mo yung time mo to reflect and to inhale all the good memories and exhale the bad vibes. Lahat ng hatred, lahat ng sakit, lahat ng bwisit, basta lahat lahat. I-alay mo ito sa Diyos at siya na ang bahala sa lahat. Okay?" tumungo lang ako na para bang nakikita niya yung pagtungo at pagsangayon ko sakaniya.

"Do well in school baby-yo! I'm sorry dahil hindi ako makakapunta ng graduation mo, ha? But I just want you to know that I.." nakita kong medyo naluluha na siya "..am very proud of you! Very very very!" sabay nang pagtulo ng luha niya ang pagtulo din ng luha ko na kanina pang gustong kumawala.

Ngunit ito'y pinahidan niya agad at ngumiti.. malungkot na ngiti.

"Don't worry, next time. Next time na ga-graduate ka. Sabay na tayong aakyat ng stage at sasabitan kita ng medalya. I promise." itinaas niya ang pinky finger niya "Kaya i-promise mo rin sa'kin na mag-aaral ka ng mabuti ha? I love you!" itinaas ko rin ang akin at bumulong ng "I promise.. I love you too!"

                [End of Flashback]

Yun siguro yung highlight ng last retreat ko as a highschool student. Si mama naman, letter ang ibinigay sa'kin. Sobrang haba ng letter na binigay niya sa'kin, pwede ko nang i-publish as a book. Sobrang nakaka-touch, nakakaiyak, nakakabaliw. Nothing beats a mother's love nga naman. 

Nag shower na ako at nagpatuyo ng buhok. 5AM kasi yung flight ko kaya naligo na ako ngayon para hindi na ako maligo mamaya. Humiga na ako sa kama at unti unti nang nakatulog.

Falling For Lee Jinki - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon