이진기
CHAPTER NINE
[FRANCHESCA'S POV]
Nakapasok na sila ng room nila ngunit ako.. para akong statwa. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.... SH--SHINee?!!!!!!!!! Seryoso bang sila yung nakita kong dumaan sa harapan ko? At..... si Jinki.... si Jinki ba yung ngumiti sa'kin?!!!!!!!!
*kurot sa sarili*
"Aray!" Huhuhu ang sakit. Pero ibig sabihin....
"Yes, you are not dreaming." sabi ng lalaking nasa may gilid ko.
"Ay palaka!"
"I'm not a frog?" sabay punta sa harap ko. "That was supposed to be my surprise for you. Pero ang tagal mo bumaba. Ano bang ginawa mo?" lumapit siya sa akin at parang may inamoy.
Waaah, ang lapit masyado ng mukha niya! >////<
"I smell perfume. Don't tell me....." sabay ngiti ng nakakaloko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Ano bang problema netong kutong lupa na 'to?!
"Tara na nga!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Hinaltak niya ako (Oo, haltak talaga. As in, parang kinakaladkad na ako.) papuntang elevator at pinindot ang down floor button.
Nag-antay kami.
Tinignan ko yung kamay namin na nakaintwine sa isa't isa.
*Dugun dugun* Ah, ano ba 'tong puso ko! Bigla bigla nalang bumibilis yung tibok! Kelangan ko na ata magpa-tingin sa doktor, A S A P!
Napatingin ako kay Peter, nakatingin din siya sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit pero nailang ako bigla sakaniya.
Sakto bumukas na ang elevator.
Pumasok kami sa loob.
At since hindi pa niya napi-pindot ang button, ginawa ko itong chance upang ihiwalay yung kamay ko sa kamay niya para pindutin ang ground floor button. Successful ang plano ko dahil hindi na niya ito hinawakan muli. Yes! Pero.....
*kroo kroo kroo kroo*
Awkward silence. Shet! Eto na ata ang pinaka-awkward elevator ride in the whole wide universe! Pano ba sumali sa guinness world records? Ia-apply ko 'to as "most awkward elevator ride in history!" =w=
Bakit ba ang tagal tagal naman ata ma-reach yung ground floor?
Hindi ko na ata kaya pang tumagal dito ng isang minuto.
Mababaliw na ako dito sa loob. Gustong gusto ko na lumabas at makamtan ang freedom! Mabuhay Pilipinas! Mabuhay! Chos! Ano daw?
*TING!*
Ah! Sa wakas!!!
Pagkarinig na pagkarinig ko ng /ting!/ tumakbo agad ako palabas ng elevator. Nilanghap ko ang hangin.
Hoo! Akala ko tuluyan na mawawala ang katinuan ko sa loob ng elevator na yun eh.
Wait, asan na si Peter? Lumingon lingon ako kung saan saan. Walang Peter!
Asan na yun?
Pagkatapos niya ako hinalin papunta dito bigla siyang aalis? Hindi makatarungan! >w>
BINABASA MO ANG
Falling For Lee Jinki - Ongoing
Teen Fiction[Taglish Story] Hanggang saan mo nga ba kayang mahalin ang taong matagal mo ng iniidolo?