THEME: Forgiveness and Second Chances
SONG: It's Your Life
ARTIST:Francesca Battistelli
Habang naglalakad ako papasok ng eskwelahan namin ay nararamdaman kong halos lahat ng tingin ng mga kaschoolmate ko ay nasa akin. Ganun naman ang mga tao kapag may mali silang nalaman tungkol sayo ay hindi ka na nila tatantanan at gagawa sila ng tsismis para lalo kang mag mukhang masama.
"Grabe siya pati teacher pinatulan. Nakakadiri huh!"
"Tama ka, akala ko pa naman matino ang isang yan pero pokpok din pala"
Hindi ko pinansin ang bawat panlalait na naririnig ko galing sa kanila. Ano bang alam nila? na nilandi ko ang teacher namin para lang may ipangtuition? na piniperahan ko lang ang bawat lalaking makakarelasyon ko?
Ano ba talagang mga problema nila?! Hindi nila ako kilala kaya wala silang karapatang ipagkalat ang mga ganung klaseng balita. Oo nga't hindi nila nararanasan ang buhay na meron ako ngayon dahil ipinanganak silang sunod sa layaw at lahat ng gustuhin nila ay nabibigay ng mga magulang nila. Eh ako? anong bang meron ako?
Sa buhay ng tao hindi naman kailangan ipagmalaki na maganda ka o mayaman ka dahil ang importante sa lahat ay nandiyan ang mga taong handang sumuporta at gumabay sayo habang tinatahak mo ang landas kung saan ka talaga sasaya pero sa kalagayan ko ngayon wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko kaya gagawin ko ang lahat para umangat ang buhay ko at kahit papano ay maranasan man lang ang ginhawa na simula pagkabata ay hindi ko naranasan. Eh ano naman kung pokpok ako sa paningin nila? hindi naman nila ikakamatay kung lalandiin at peperahan ko ang lahat ng lalaki sa mundo.
Dumiretso ako ng cr para ayusin ang sarili ko at ipamukha sa lahat na kaya kong manindigan sa sarili ko, na hindi ko sila kailangan para lang mabuhay. Habang nagsusuklay ako ay may pumasok na mga kaklase ko at parang hind nila ako nakita, hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa narinig kong pinag uusapan nila ang tungkol sa bago namin teacher sa math. Bago pa sila umalis ng cr ay tiningnan nila ako ng masama at bumulong si Janna sa kaibigan niya pero mukhang sinadya niya talaga lakasan ang boses niya para marinig ko iyon.
"May bagong bibiktimahin na naman siya" at tiningnan ako ng may pangdidiri sa mga mata nila.
Nung pumasok ako ng room ay halos lahat sila ay nakatingin sakin, dirediretso lang ako hanggang sa makarating ako sa likurang bahagi ng room at naupo sa upuan ko. Kahit isa ay wala akong kaibigan dahil sa umpisa pa lang ay ayaw na nilang makipag kaibigan sa kagaya ko. Natigilan lang sila sa pag iingay nung biglang pumasok ang teacher namin sa math, nung umpisa ay hindi ko tiningnan ang bagong teacher pero nung nagsalita na siya ay automatic na napatingin ako sakaniya.
"Siya" napatulala ako sa nakita ko at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, alam kong hindi niya pa ako nakikita dahil nasa likurang bahagi ako at halos matakpan na ako ng mga kaklase ko. Hindi ako makapaniwala na si Zach ang bago namin techer.
***
Kakapalayas lang sakin sa paniderya at kumakalam na ang sikmura ko. Nagtrabaho ako sa lugar na iyon para mabayaran ang utang ng tiyahin ko at kahit anong pagpapagod ang gawin ko ay wala akong napapala sa ginagawa ko, kahit isang tinapay ay hindi nila ako magawang bigyan dahil lahat sila ay masama ang tingin sakin. Binalak kong pumuslit ng isang tinapay para mapawi kahit papano ang kalam ng sikmura ko pero hindi ko inaasahan na makikita ako ng may ari at hindi siya nag atubiling kaladkarin ako papalabas ng tindahan niya.
"Wala ka talagang kwenta! Manang mana ka si tiyahin mo na gahaman! Mga buwisit kayo sa buhay ko.!!"
tinulak niya ako hanggang sa natumba ako sa daan, ni wala man lang nagbalak na tumulong sakin kahit na madami ng taong nanunuod. habang pinagmamasdam ko sila ay para silang mga halimaw sa paningin ko na nasisiyahan pa sa mga nangyayari sakin. Hindi pa nakuntento si aling Martha sa mga pinagsasasabi niya sakin bagkus ay punasok ulit siya sa tindahan at nung lumabas siya ay may bitbit na siyang balde at ang hindi ko inaasahan ay nung ibuhos niya sakin ang laman nun. Naririg ko ang tawanan ng mga tao at sa mga oras na 'to ay gusto ko silang patayin. Bakit natutuwa pa sila na makakita ng mga taong walang kalaban laban at inaalipusta ng iba?