Chapter 8

35 1 0
                                    

15 YEARS AGO....

Nang masiguro ni Kate na nasa silid na ang kanyang ama,nagmamadali siyang lumabas para habulin ang papauwing si Mang Carding."Oh,Kate bakit?"

"May gusto lang po akong ibigay sa inyo,"aniya sabay abot ng sobre.

"Ano ito?"ani Mang Carding pero agad ding binisita ang laman niyon."Napakalaking halaga nito.

Para saan ang perang ito,Kate?"

"Mang Carding,nakikiusap ako sa inyo,ilihim ninyo ang tungkol dito."

"Naguguluhan ako,hija"

"Alam kong alam ninyo ang tungkol sa amin ni James."

Huminga nang malalim si Mang Carding at marahang tumango.

"Nabanggit ni James ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang arkitekto pero baka raw manatiling pangarap na lamang iyon.

Gusto kong makatulong,Mang Carding.Gamitin n'yo ang perang iyan para makapag-enroll sa darating na pasukan si James.Huwag n'yo na lang hong sasabihin na galing sa akin."

"Ipagpaumanhin mo,Kate.Alam kong mabuti ang intensyon mo pero hindi ko matanggap ang perang ito,lalo na si James."

"Alam ko iyon,kaya nga kayo ang nilapitan ko.Huwag kayong mag-alala,Mang Carding hindi ho sa masama galing 'yan.Kung gusto n'yo naman,bayaran n'yo na lang kung kailan kayo magkapera."

"Kung sasabihin mo sa akin kung saang galing ito,baka maari ko pang pag-isipan ang tulong mo."

Napilitan si Kate na ipagtapat ang totoo,baka iba pa ang isipin ni Mang Carding.

"Sinanla ko ho ang bracelet na bigay sa akin ng lola ko."

"Ano?!Diyos kong bata ka!"ani Mang Carding at agad na ibinalik kay Kate ang sobre.

"Bukas na bukas din ay tubusin mo iyon bago pa malaman ng mga magulang mo."

"Huwag kayong mag-alala.Mang Carding marami akong alahas.Hindi nga nila alam na ibinigay iyon ni Lola sa akin."

"Kahit na,hindi pa rin iyon tama.Huwag kang mag-alala,kung ano ang itulot ng Diyos,siyang mangyayari.Tulungan mo na lang akong manalangin na matupad din ang mga pangarap ni James,hindi man ngjyon."

Nalaglag ang luha ni Kate kaya agad iyon pinahid ni Mang Carding."Sige na,Kate.Salamat na lamang."

Tumango si Kate at napilitang umuwi.

Araw ng Linggo kinabukasan at sarado ang pinagsanlaan niya ng bracelet kaya sa makalawa pa niya iyon matutubos.

Madalas ding kasama si Mang Carding si James kung wala itong pasok.Mas matanda ng isang taon ang binata kaysa kay Kate pero pareho lang silang graduating sa highschool.Natigil sa pag-aaral ng isang taon si James matapos salantain ng bagyo ang probinsya nila sa Cagayan na ikinamatay ng kanyang ina at isa pang kapatid.Isang pakikipagsapalaran kaya sila natunton ng Maynila at masuwerteng napasok na Family Driver ni Mang Carding sa mga Villanueva.

Una pa lang na mahalata ni Mang Carding na may nararamdaman ang anak kay Kate,agad niya itong pinaalalahanan.Pero si Kate mismo ang madalas na lumalapit at nakikipagkaibigan kay James.Noong una nga ay simpleng pagkakaibigan lang hanggang sa nauwi sa pagtitinginan..

"James,baka puwede mo naman akong tulungan sa project ko?"ani Kate habang tinutulungan ni James si Mang Carding na maglinis ng sasakyan.

"Tay,pwede ko bang tulungan muna c Kate?

"Sige,"

Nang mga sandaling iyon,nasa labas ang mag-asawang Manuel at AnaLiza.Kung Linggo kasi at maluwang ang schedule binibisita nila ang ilang malalapit na kaibigan.

Virgie Ceballos's "WALANG HANGGANG PAG-IBIG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon