A Week After,nakabalik na rin mula sa Switzerland si Manuel.Nagulat siya nang sabihin ng Secretary na isang Daniel Lopez ang naghihintay sa kanya kanina pa.Bumaba lang daw ito sandali at nangakong babalik din kaagad.
"Anong kailangan niya,Reyden?"
"Gusto raw niyang makausap kayo ng personal,sir.Papasukin ko ho ba?"
Inisip ni Manuel ang pangalang iyon pero wala talaga siyang matandaan.Anyway,mamayang hapon pa ang appointment niya kaya nagpasya siyang tanguan ang Secretary."Okay."
Ilang sandali lang ay nakabalik na ang lalake.
"Sir,Mr.Villanueva Is Already In His Office,You May Come Inside Now."anang secretary at bahagyang kinatok ang pintuan ng amo.
"Thank You"anang laake at pumasok sa pintuang binuksan ng secretary para sa kanya.
Agad na nag-angat ng tingin si Manuel.Pilit niyang kinikilala ang mukha ng lalake pero hindi niya mahulaang nagkaroon siya ng trasaction dito.
"Good Morning,Mr.Villanueva,"anang dumating.
Agad namang inabot ni Manuel ang kamay niya.
"Good Morning,Mr.Lopez.Please Sit Down",aniya at inilahad ang upuan sa harapan niya."Would You Care For A Cup of Coffee?"
"No,Thank You,Sir.I Just Had One A Few Minutes Ago."
"Oh"napatangu-tanong sabi ni Manuel at hinubad ang suot niyang salamin."So,How MAY I Help You?"
Lumunok ang lalake at tinipon ang lakas ng loob.
"First,I'd Like to Apologize."
"For What?"nagtatakang tanong ni Manuel.
"For Giving You A False Name.My Real Name is James ALvarez."
Natigilan si Manuel at napasandal sa kinauupuan niya.Maya-maya ay huminga siya nang malalim."Hindi kita nakilala.Matagal ka ring nawala.Anong kailangan mo,James at bakit kinakailangan mo pang magbigay ng ibang pangalan?"
"Ilang araw na ho akong tumatawag pero ang sabi ng kausap ko wala raw kayo."
"That's Very True.Kababalik ko lang kahapon mula sa Switzerland."
"Pasensya na ho kayo."
Tumango si Manuel."Iniisip mo na hindi kita kakausapin kung alam kong ikaw ang tumatawag?"
Hindi tumugon si James.
"Ano ang totoo mong sadya,James?"
"Ang Ipaglaban ang bagay na hindi ko nagawang ipaglaban noon."
"Really?Hamon ni Manuel.And What Is It?"
"Your Daughter,Kate,"napalunok na sabi ni James."Alam kong ayaw ninyo sa akin.At alam kong magbago man ang panahon,ako pa rin si James na nagmula sa hirap.Pero sa pagkakataong ito,inihanda ko na ang sarili ko sa laban."
"Uh-huh.I'LL Give You A Chance To Prove Your Sincerity.Tell Me About Yourself,Young Man.Anong nagawang pagbabago ng labinlimang taon sa buhay mo?"
"Nang mamatay si Itay,namasukan ako sa talyer na kakilala niya bilang mekaniko.Pero suwerte namang doon ipinagawa ng kapatid ni Itay ang kotse nito."
"Ang akala ko wala na kayong kamag-anak?"
"Iyon din ho ang akala ko.Nawawala kasi siya noong binaha ang lugar namin sa probinsya.Hindi na siya lumitaw pa kaya ang akala namin patay na siya.
Nagka- trauma raw siya at matagal na naka-recover.
Napadpad siya sa kabilang bayan at ang doctor na napangasawa niya ang nag-alaga sa kanya.Hinanap raw niya kami pero wala na kami at may nakapagsabi pa nga raw na namatay ang ina ko at kapatid."
"Mabuti nakilala ka pa niya."?
"Nakita ko ang papeles ng kotse na nakapangalan sa kanya.Agad kong tinanong ang driver niya at nakiusap na samahan ako sa amo niya.
Nang malaman ng Tita Ko na nag-iisa lamang ako,kinupkop niya ako at pinag-aral.Nang mag-migrate sila sa US,isinama din nila ako."
"That's Pretty Interesting.Hindi pa kami nagkakausap ng anak ko.Nasa ibang bansa siya ngayon.Tell Me,Anong pinaplano mo at bigla kang nagpakita kay Kate After 15 Years?"
"Wala ho akong masamang intensiyon,Sir,kung iyon ang inaakala ninyo."
"Hindi iyon akala o bintang.May nabanggit ang asawa ko tungkol sa pag-uusap nila ni Kate.Anong gusto mong isipin namin?"
"Honestly...I Was About To Get Married."
"Oh,Really?"Then What's Stopping You.?"
"Hindi ko kayang magpakasal sa iba,dahil gusto ko lang magkaroon ng sariling pamilya.Bumalik ako sa Pilipinas hindi para gantihan si Kate gaya ng iniisip niya.Kailanman ay hindi ko isinisi sa kanya ang pagkamatay ng Itay.
I Was Hurt,But Maybe That Was Meant To Happen.
"Naisip ko rin natural lang ang reaction ninyo bilang ama ni Kate.Naging mapangahas ako noon pero wala naman talaga akong maipagmamalaki sa kanya.Hindi pa rin ako mayamang gaya ninyo pero kaya ko nang bumuhay ng pamilya.Sinubukan kong kalimutan si Kate pero napatunayan kong niloloko ko lang ang sarili ko.I Broke Up With My Former Fiancee Before Leaving The States.
"Hindi rin ako bumalik para makipagbalikan kay Kate.Gusto ko lang turuan ang sarili ko na makalimot at matanggap na hindi siya para sa akin.Kaya gumawa ako ng paraan na makasama siya sa iisang project.Gusto kong sabihin sa sarili ko na kaya ko siyang harapin nang hindi naapektuhan.Then Maybe After That I Can Go On With My Life.Pero mas nasaktan ako nang malaman kong nasaktan ko siya.I Really Don't Know What To Do.Hanggang isang araw naisipan ko kayong tawagan.Sabi ko sa sarili ko bahala na kung ipagtabuyan ninyo ako palabas.
Ang importante,napatunayan kong hindi ako duwag gaya ng paniniwala ni Kate.
Huminga ng malalim si Manuel at tumayo.Nilapitan niya ang tray na may nakalagay na alak at nagsalin sa dalawang wine glasses.
"You Need A Drink,"aniya kay James at inabutan ng alak.
"Thank you."aniya at mabilis na inubos ang alak.
Umupo si Manuel sa tapat ng kinaupuan ni James.
"You Know What?I Never Hated You Or Disliked You Because You Are what You Are Before.
"You Were Both Young Then."
"I Understand That Sir.You Did What You Have to Do As A Parent."
"Exactly!If You Want To Win Her Back,Go Ahead.I Won't Do Anything To Stand In Your Way.But Always remember....I'm Still her Father no matter what.Patawarin ako ng Diyos kapag sinaktan mo ang anak ko,maliwanag?
Marahang tumango si James."Very Well,Sir.
Kailan ho ang balik ni Kate?"
"Iyan ang hindi ko masasagot.Maybe This Would help"ani Manuel at hinanap ng Business Card ni Rohana at inabot sa binata."Puwede mo siyang tawagan kung gusto mo."
Nangilid ang luha sa mga mata ni James sa tuwa.Kahit di pa man sila nagkakasundo ni Kate at least nagkapaliwanagan na sila ng ama nito.Pilit niyang nilabanan ang emosyon sa pamamagitan ng pagngiti.Inilahad niya ang kamay kay Manuel.
"Thank You So Much!"
Tinitigan muna ni Manuel ang kamay ni James at hinila ito.Napayakap sa kanya si James at tinapik naman ni Manuel ang balikat ng binata.
"Nagdaan din ako sa ganyan,James kaya naiintindihan kita.Good Luck!"
Hindi makapagsalita si James sa nadaramang tuwa.Panay lang ang tango niya.