Hindi maipaliwanag ni KATE ang kaba niya habang patungo siya sa site ng itatayong mansion sa Quezon.Napansin din niya ang sariling eyebags nang humarap siya sa salamin dahil sa pagkaligalig sa magdamag.Bukod sa make-up,nagsuot ng shades si Kate para takpang iyon.
Ngunit hindi siya sigurado kung ano an nagpapakaba sa kanya.Sanay na siyang tumanggap ng project na minsan ay tanging nagpapapagawa lang ang kakilala niya.Wala naman siyang inaalala sa mga makakasama dahil bukod sa marunong siyang makisama.Willing din siyang mag-adjust kung kinakailangan.AT ang palagi niyang pinapangibabaw sa lahat ay ang professionalism niya.
MAYBE I AM JUST TOO EXCITED ABOUT IT, she told herself while stopping the car.
Pagbaba pa lang ni Kate ay napansin na niya ang aktres na si Arlene Gaviola,kasama ang rumored boyfriend nito na isang mayamang negosyante.
Huminga siya nang malalim at bumaba.Nang magtama ang tingin nila ni Arlene,agad siyang ngumiti at nakipag beso-beso sa aktres.
"I DIDN'T KNOW YOU'RE HERE",ani Kate sa aktres.
Ngumiti si Arlene"Medyo libre ako kaya naisipan kong bumisita rito.Oh,By the way This is ROWEL AJAR.."
Ngumiti rin si Kate at inabot ang kamay sa lalake.
"Yes,I Know."
"Mabuti naman at natatandaan mo pa ako,"natutuwa ring sabi ni Rowel.It's so nice to see you again,Kate."
"Same Here,Rowel."
Ang totoo,si Rowel ang nag-suggest na ikaw ang kunin kong interior designer.Marami raw kasi ang pumuri sa mga project na ginawa mo noon."
"Wow!Thank You so much.Kaya pala kinakabahan ako,napakataas ng expectations ninyo.
Sana naman ay maganda ang kalalabasan nito.I hate to disappoint you,guys."
We will never be,that's for sure."nakangiti pa uling sabi ni Rowel.
"Thanks for believing in me,Rowel."
"All the time,"ani Rowel na sinabayan pa ng kindat.
"I'm afraid we have to go now,Kate.May shooting pa ako..
"Good Luck"
"Thanks."
Pagkaalis ng dalawa ay Sinalubong naman ng isa pang lalaki si Kate,ang contractor Engineer ng project.Matagal na magkakilala ang dalawa sa mga project.
Naunang bumati si Kate,"Hi Lance!"
"What a Lovely day!"ani Lance habang inaabot ang kamay ni kate."First day pa lang ng project magandang tanawin na kaagad ang nakikita ko,siguradong maganda ang kalabasan nito."
"I Like Your spirit,Lance"
"Siyanga pala nakaharap mo na ba ang architect?"
"Sasagot pa lang sana si Kate nang sumulpot ang isa pang kotse.Kapwa sila napalingon ni Lance.
"I guess here he is."ani Lance at hinintay ang paglabas ng lalake sa kotse.
Ngunit tila tumigil ang mundo ni Kate nang makilala ang lumabas na lalake.Nang magtama ang tingin nila ni Kate,bahagya rin itong natigilan.
"Do you guys know each other?"
Nang walang tumugon."I guess not,"sabi pa rin ni Lance.Let me do the honor to introduce you to one another.This is our lovely interior designer,Ms.Kate Villanueva.And Kate this is our equally talented and handsome architect,Mr.James Alvarez.
Kapwa napalunok ang dalawa nang banggitin ang mga pangalan nila.Hindi mapapagsinungalingan sa mga sarili nila na naglikha iyon ng ligalig para sa isat-isa.
Gayunpaman,sinikap ni Kate na magpakatatag bago pa may mahalata si Lance.
"How are You,Mr.Alvarez
" mahinang sabi ng dalaga at inabot niya ang kamay ng binata.
"Im Fine,Thank You"ani James."And How are you?"
"Good."
Kung may tensyon mang namamagitan nina James at Kate,maingat nila iyong tinatago sa pansin ng iba pa nilang mga kasamahan.
Ngunit sa paglipas ng mga oras,tila wala namang kakaibang napapansin si Kate kay James.Nag-isip tuloy siya na baka naman kapangalan lang nito ang James na nakilala niya nang labinlimang taon na ang nakalilipas.Pero baguhin man ng panahon ang anyo nila,iyon pa rin ang mga matang nakita niya noon kay james.
Kahit nababagabag sinikap ni Kate na isentro ang atensiyon niya sa mga detalyeng pinag uusapan nila sa pagsisimula ng project.
Naunang umalis nang hapong iyon si Lance.
"Pasakay na rin sa kotse nito si James nang magkalakas ng loob si Kate na tawagin ang binata.
"Ah...James..."
"Yes,ms.Villanueva?""
"Please call me kate?"
"Yeah Sure"Anything Else Kate?"
"How's your dog?
"He's Okay.May konting galos.It was his fault anyway.Nothing to worry about."
"Bye,'ani James
Habang nagmamaneho pauwi,hindi mapigilan ni kate ang sarili na mapaiyak.She's already thirty-one years old and still single..
Kung Ikaw nga si James bakit parang wala kang naaalala?Kung galit ka sa akin,bakit hindi mo man lang ako kausapin at ipamukha iyon sa harapan ko?Mas magiging magaan pa iyon sa akin,James kaysa tratuhin mo ako na parang hindi tayo ngakakilalang minsan.Maaring bata pa ako noon at hindi muna iniisip ang dapat gawin pero isa lang ang sigurado,James..minahal kita,mahal pa rin kita!Hindi ko nakuhang magmahal ng iba dahil sayo..piping tugon sa isip niya.