INANGAT ni AnaLiza ang mukha ng anak at sinalubong ang mga tingin nito.
"Nasa hustong gulang ka na,Kate.If You Really Love Him,Go For It."
"Parang imposible na yata iyon,Mama."
"Bakit naman?"
"Feeling ko kasi nagbalik lang si James para gantihan ako."
"Do You Really Think So?"
"Ano pa ba ang ibig sabihin ng ginawa niya Mama?"
"Maaring may iba pa siyang dahilan pero dahil nasaktan ka,ayaw mo na iyong pakinggan pa."
"Bakit ganyan kayo magsalita ngayon,Mama?
Alam ninyong ayaw ng Papa kay James."
"I Never Said I Don't Like Him.Nararamdaman kong mabuting tao si James,gaya ng kanyang ama.Kaya lang,masyado pa kayong mga bata noon.Ngayon ko lang sasabihin ang bagay na ito.Pinuntahan namin ni James sa inuupahan nila noon pero hindi namin siya inabutan pa."
"Bakit ninyo ginawa iyon?
"Para pag-aralin sana siya.Akala mo lang mahigpit ang papa mo pero ang totoo,dinamdam niya ang ginawa niyang pananampal sa'yo noon.Minsan naming napag-usapan ang ginawa mo.We Wonder kung hanggang kailan magtatagal ang nararamdaman mo.But Now I've Got The Answers.AT alam mo kung ano ang palagay ko?"
"Ano,Mama?"
"Gaya ng iniisip mo noon,maaring iniisip din ni James na ayaw namin sa kanya.Na matapobre ang pamilya natin."
"Hindi na siya bata,Mama.Kung mahal niya ako,dapat ipinaglaban din niya,ako,diba?"
Kinabig ni AnaLiza ang anak palapit sa dibdhb niya."May punto ka,hija.I Wish I Could Do Something To Help You."
"Just Hold Me Tightly.Mama.Ayoko nang umasa at mabigo.Malilimutan ko rin siya.Natanggap ko na iyon noon,malalagpasan ko rin ito ngayon."
"Ngayon ka pa ba susuko,kung kailan nakikita mo na siyang muli?"Wala akong idadalangin kundi ang kaligayahan ninyong mga anak ko.Lalo ka na,na alam kong matagal ding nagdusa.Ito na ang tamang panahon,hija,harapin mo ang buhay na nais mo.
And I Don't Mind If It's With James?"
"Ewan ko,Mama,natatakot na ako,baka kung ano na naman ang kapalit nito."
"Oh,Honey,don't say that.You're Not a quitter,Are You?"
"Maybe I Just Need A Break,Mama.Mas mabuti siguro kung magbakasyon muna ako tutal katatapos lang ng project na ginawa ko."
"Tatakas ka?"
"No, Mama magpapalipas lang ako ng mga ilang araw sa Hong Kong.I'm Sure matutuwa si Rohana."
"Kung iyan ang magpapagaan sa kalooban mo.Kailan mo balak umalis?"
"Bukas ho."
"Hindi mo na hihintayin ang pagbabalik ng Papa mo?
"Next Week pa ang balik niya,di ba?"
Tumango si Analiza.
"Hindi na ho Mama kayo na lang ang magsabi sa kanya."
"Ikaw ang Bahala."
Kinagabihan,tinawagan ni Kate ang nakababatang kapatid na ngayon ay naka-base sa hongkong.
"Oh,Ate,natanggap ko ang message mo kanina.Totoo bang pupunta ka rito bukas?"
"Yeah"
"Oh,That's Great!Anong oras ang dating mo?"