Lihim na natatawa si Ryuji habang palihim na pinagmamasdan si Lailah. Nasa hapag sila sa bahay niya kasama ang mga magulang. Lailah cooked their dinner and it was very excellent. Sa loob ng ilang linggo na magkasama sila sa iisang bubong, isa ang pagiging good cook nito sa gustong-gusto niya. But what made him smiling inside was her innocent but fierce reaction whenever he started playing the game with her. Tulad ngayon...tensyunadong-tensyunado ito marahil dahil sa pananakot niyang ikukulong niya ito sa kwarto niya. Dahil na rin siguro sa threat na iyon kaya sumunod na lang ito sa utos niya. They pretended to be couple.
Hindi rin niya alam kung bakit nagpapaniwala ito sa kanya gayong alam niyang alam nito na ang lahat ay power trip lang. He really didn't need that hundred thousand to be paid off. His purpose was to win the same order game of destiny... And what I'm going to do is to play the game well. Indeed, excited na siyang umalis ang magulang para maibigay na niya kay Lailah ang kwarto niya ngayong gabi.
"Ah, son, I think we have to go. It's kinda late and Zuleika is just alone at home," sambit ng kanyang ama.
Tumayo sila ni Lailah. He kissed and hug his parents. "Sige po, Ma, Dad...ingat po kayo."
"Ah, ihahatid ko po kayo sa labas!" volunteer ni Lailah. Hinayaan na lang niya ito at sinamantala ang paghatid nito sa magulang niya para ayusin ang kwarto niya kung saan niya ikukulong ang pasaway na si Lailah.
Saktong paglabas niya ng silid niya ay siyang pagpasok naman nito sa loob ng bahay. Napakunot ang noo ni Ryu nang makita itong ngingiti-ngiti na naman habang nagta-type sa keypad ng cell phone nito. Sino bang pontio pilato ang katext ng babaeng ito? Sa di niya maipaliwanang na dahilan, naiinis siyang may ibang lalaking nakakakuha ng atensyon ni Lailah. Ang gusto ni Ryu, siya lang. Siya lang ang magpapainit ng ulo nito at siya rin lang ang magpapatawa dito. Magpapatawa? Kelan mo siya napatawa? Ginagalit mo lang kaya siya! Napaismid siya.
Pagkatapos ni Lailah na mag-text ay nakapaskil pa rin ang ngiti nito habang isinasara nito ang pinto. Nawala lang ang ngiti nito sa labi nang makita siya nitong nakangisi lang dito.
Dumistansya ito sa kanya. Iyong tipong parang takot na takot na mahawakan niya. Lihim na natatawa si Ryu. Stick to the plan. I'll make you fall in love with me tonight, Lailah. "Oh anong problema mo?" baliwalang tanong pa niya sabay ngisi na may halong pagpapa-cute. After all, his forte to capture women's attention was his charming smile.
"B-bakit ka ganyan makatingin?" nauutal pang tanong nito.
Bakit ko ba ngayon lang nakita? Cute ka rin naman Lailah. "Wala na sina Mama at Dad. It's time for me to make it up to you tonight, hon."
Nanlaki ang mata nito sa tinuran niya. Tila tensyunadong nagpapalit-palit ang tingin nito sa kusina at sa main door na nasa magkabilang direction ng bahay niya. Tila nababasa ni Ryu ang binabalak ni Lailah. Maaring pumunta ito sa kusina o tumakbo palabas ng bahay dahil sa takot sa kanya.
She stepped towards the kitchen. "Ah... m-maglilinis ako ng kusina. Sige diyan ka na!" Aaalis na sana ito ngunit napigilan niya sa braso.
"Ako na ang bahala sa kusina."
Nagpumilgas ito. "Ah, may kukunin pa ako sa kwarto."
"Lailah... ang usapan ay usapan. Kung ayaw mong forever nagbabayad ng utang sa akin, papasok ka na sa kwarto ko ngayon din."
"T-teka lang!" Tila nakabawi na ito sa pagkatensyunado. Sinamaan siya nito ng tingin. "Sabi mo, makatao lahat ng ipapagawa mo sa akin at hindi mo ako pagsasamantalahan o aabusuhin. Ikaw ang dapat tumapad sa usapan!"
BINABASA MO ANG
Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)
Romance"Taste the sweet blends of coffee, sweet thoughts with pastries, and bottomless true love and genuine happiness." Ano nga ba ang mai-offer sa'yo ng isang order ng kape? In this series, a cup of coffee equates to a wonderful love story.