Story 1: Maybe This Time- Part 2

130 3 0
                                    


            Napapakamot sa ulo si Apple habang papasok siya sa isang music store sa loob ng isang mall. Nang malaman ng Daddy niya na pupunta siya ng mall, bigla itong nakiusap na bilhan niya ito ng classical music album ni Limien Rose Ferrer. Nakakagulat iyon sa kanya dahil ang alam niya, band songs ang type ng magulang niya. All of a sudden, bigla atang nag-shift ng taste of music ang parents niya.

Madali naman niyang nahanap ang album. Napansin din niya na maraming bumibili. Minsan na niyang napanood sa youtube ang ilan sa concerto ng nasabing musician. And she needed to admit, magaling nga ito. Kumuha siya ng isang copy. Papunta na sana siya sa counter nang mahagip ng mata niya ang shelf kung saan nakalagay ang albums ng Sheyron Band. Para siyang na-hipnotized nang damputin niya ang tatlong album. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kahapon. Did he really dedicate his entire music to her? The list of songs of first album showed the evidence. At isang kompirmasyon ang makita niya ngayon ng live ang album. She took a look on a second album. The abbreviation of the first letter of the songs spoke of, "For My Sweetest, Apple" and the third spoke of another sweet message as, "The One I love named, Apple."

Kumabog ang puso niya sa natuklasan. That was definitely one of the sweetest things a man could offer to a woman. Was he playing games? Parang hindi naman. Bakit naman nito ilalantad sa publiko ang bagay na iyon kung nagbibiro lang ito at pinagtitripan siya? Pawang napalambot ng rebelasyong iyon ang kanyang puso na nagmamanhid-manhidan kay Rover. Okay, sige na nga papatawarin na kita. She took another glance on the album cover at unang nahagip ng mata niya ang picture ni Rover. She smiled. Isinama na niya ang tatlong album na iyon sa counter.

Few minutes later, she was on her way back to the parking lot when her phone rang. It was her bff again. Napabuntong-hininga siya. Halatang super-fanatic ng Sheyron Band ang bff niya. Ito na ang nagsilbing taga-news feed sa kanya tungkol kay Rover simula pa kahapon. His mysterious girl, which so happen to be her, was already an issue in the internet as well as on showbiz talk shows. Malamang na news feed na naman ang itatalak ng bff niya.

"Ano na naman Victoria?" tanong niya.

"Oh, It's Vicky now, bff. From now on, you will call me Vicky okay?"

Napailing siya. "At anong nangyari sa pinakamamahal mong manang style name? The last time I check, ayaw mo ng nickname."

Tumili ang kaibigan niya sa kabilang linya. "Bff kasi....si Coco Nat kasi. Ang lambing-lambing ng boses niya pag tinatawag akong Vicky! Ayeeeeee! Teka nga pala asan ka? The media found out about you. Umuwi ka na, baka ma-hunt ka ng press diyan. Delikado friend ang buhay mo!" Eksaheradong sambit nito.

"Okay," balewalang sagot niya. She ended the call. Wala talaga siyang pakialam. Eh ano kung malaman nilang si Lovely Apple Canilao ang special girl ni Rover Manalili. Hindi lang naman siguro siya lang ang Lovely Apple Canilao sa mundo.

Her phone rang again. It was Sunset who was calling now, another bff. "Yes Sunset. Mamaya pa tayo mangchi-chiks!"

"Where the hell are you?"

A weird question from him. Though they are the closest, Sunset never question her whereabouts.

"Mall."

"Oh shit! Get out of the place as fast as you can. The media will surely find you."

"Ano 'to? Praning mode na naman?" Napapadalas talaga na napapagtripan siya ng tropa.

Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon