Parang pirated dvd na nagpaulit-ulit sa gunita ni Icee ang huling araw na nagkasama sila ni Lee. That scene...that kiss...para iyong bangungot na ayaw siyang tantanan. Nang magkunwari siyang nawalan siya nang malay matapos ang nakakawindang na halik nito ay agad siya nitong ibinaba mula sa kampanaryo at dinala sa silid ng pari. Doon na rin siya kunwaring nahimasmasan. Nalaman niyang minsan na rin palang naging sacristan doon si Lee. Nang bumuti na ang pakiramdam niya ay nagbyahe na sila pabalik ng Maynila. Tahimik na ang naging byahe na iyon. At tila pareho nilang ginustong ibaon na lamang sa limot ang nangyari. Maaring nadala lang si Lee at kasalanan niyang nagpaubaya siya.
Pero hindi niya talaga makalimutan ang eksenang iyon. Ginawa na niya ang lahat. Nagpaka-busy na siya sa trabaho. Nilunod ang sarili sa panonood ng asianovela pero wala pa rin. Tuwing makikita niya si Lee Min Ho na favorite Korean star niya ay naaalala niya si Lee na laman naman ng puso't isipan niya kahit i-deny pa niya ng bonggang-bongga. Hindi na niya alam ang gagawin. Humingi na siya ng payo sa kanyang ina pero parang ayaw niyang sundin ang payo nito.
"Minsan anak kahit pigilan mo ang sarili mo, may mararamdaman ka pa rin sa isang tao kung talagang siya ang pinili ng puso mo. Minsan hindi rin sapat na isipan mo lang ang sinusunod mo. Tama lang ang alam ng isipan ng tao...at hindi ang totoo. Walang mali kung magkagusto ka sa kanya. Magiging mali lang iyon kung ordained priest na siya bago nangyari ang lahat ng iyon. Kung mahal mo siya...palayain mo ang karapatan mong magmahal, wag mong pigilan ang puso mo..."
Memoryado pa rin niya ang sinabi ng kanyang ina. At hanggang sa mga oras na iyon ay magulo pa rin ang isipan niya. Kung tutuusin marami siyang dapat asikasuhin pero hindi siya maka-concentrate. Malaking tanong pa rin kasi sa kanya kung bakit siya hinalikan ni Lee? Is he just grabbing the opportunity to experience everything he has to experience outside the seminary? Or he also felt something special towards her?
Umiling siya. Stop thinking about him. You have to work. Binalikan niya ang mga documents na nakalap tungkol kay Karl Torrejos. Pinag-aralan niya lahat ng anggulo. Mula sa family background nito na napag-alaman niyang tila may mali hanggang sa relasyon nito sa mga nabiktima nito. May napansin siya. Ang mga nagiging biktima nito ay either anak ng alagad din ng batas o anak ng abugado. At lahat ng mga magulang ng biktima ay kinalaman sa isang controversial case dalawang dekada na ang nakakalipas. Pinag-connect niya lahat ng mga taong involve at nauwi siya sa iisang pangalan—Gilbert Salmendre. Sounds familiar ang drug lord na ito.
Tumayo siya at pinuntahan ang kanyang ama sa opisina nito.
"O, Icee anak. Kumain ka na ba?" tanong agad ng ama niya.
Umupo siya sa visitor's chair. "Tapos na po. Dad may itatanong ako sa inyo."
"Ano iyon?"
"Si Gilbert Salmendre ba iyong nagpapapatay sa inyo noon?"
Natigilan ang kanyang ama at mataman siyang tinitigan. "Siya nga iyon. Matagal na iyon, anak. Patay na siya. Hindi na niya ako mababalikan pa."
"Dad may anak ba siya?" tanong uli niya.
"Yeah. Iyong panganay ng Tito Xeiji mo, si Beatriz Joy, ang totoo anak siya ni Gilbert Salmendre at ng best friend ni Xeiji. Inampon siya legally ni Xeiji."
She was surprised by the revelation. Kahit hindi siya malapit kay Ate Beatriz Joy dahil sa ibang bansa ito nakabase, awkward pa ring malaman na ampon lang ito. "Si Ate Beatriz Joy lang?"
Tumango ito. "Bakit mo naitanong?"
Iniabot niya dito ang isang folder na naglalaman ng findings niya. "Bakit po connected kay Gilbert Salmendre ang mga nire-rape at pinapatay ni Karl? Lahat sila, anak ng mga taong may kinalaman kay Gilbert Salmendre. Anak ng abugado, heneral, warden, imbestigador, doctor na once in their life ay nakasalamuha ni Salmendre. At kung isasama kami, lalong lalakas ang connection nilang dalawa. Anak ako ng pulis na nagpakulong kay Salmendre. Si Apple, anak ni Tita Mayii na na-kidnap dati ni Salmendre, at si Erika, anak ni Tito Jomar na nagtago kay ate Beatriz Joy noon."
BINABASA MO ANG
Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)
Romance"Taste the sweet blends of coffee, sweet thoughts with pastries, and bottomless true love and genuine happiness." Ano nga ba ang mai-offer sa'yo ng isang order ng kape? In this series, a cup of coffee equates to a wonderful love story.