Loading Information. Sinamantala ni Icee ang pagkakataon upang kumain ng biscuit at uminom ng juice habang hinihintay na mag-load sa specialized computer program ang impormasyon na kailangan niya.
Pol. Insp. Iana Christine Candaza was a Criminal profiler of Philippine National Police and was assigned at one of the agencies under Criminal Investigation Unit. Ang trabaho niya ay mag-assess at analyze ng criminal minds. Nagtapos siya ng Forensic Psychology at nag-training upang maging isang pulis. Aside from that, she was a direct agent of Code Black Security System Inc., the solely private investigative agency that was approved by the NBI, PNP and President of the Philippines.
Isang internal organs robbery case ang tinututukan ng team nila. At katatapos lang niyang ayusin ang criminal assessments na ginawa niya para sa mga tutugising myembro ng sindikato.
"Uy Candaza, hindi naman bawal ang kumain ng matinong miryenda kesa sa biscuit at tetra pack juice lang," bungad sa kanya ni S/Pol. Insp. Eldwick Almendral, ang kapwa niya police officer na lagi niyang ka-buddy kapag nag-iimbistiga sila ng krimen. Nagtapos naman ito ng Forensic Chemistry. Ipinatong nito sa mesa niya ang cup noodles.
"Okay na ako sa biscuit, Sir Almendral," tugon niya sabay kagat sa hawak na biscuit.
Makulit itong si Eldwick at panay ang pagpapa-cute sa kanya. Cute naman talaga ito, most nga ng mga babaeng police sa distritong iyon ay may crush kay Eldwick maliban sa kanya. Kinaiinggitan siya ng lahat dahil sa kanya palaging nakadikit ito pero ewan ba niya. Wala talagang ganong impact ang binata sa kanya.
Abnormal kaya ako at hindi ko ma-crush-an ang isang ito?
Nawala lang ang kanyang nilay-nilay moments nang lumapit si Eldwick sa kanya. He moved closer, daig pa ang 'gaano ka close' ng A Very Special Love. "Alam ko ang iniisip mo...na gwapo ako? Matagal na, Icee. So kelan tayo magde-date?"
Napangiwi siya. Kung hindi lang niya ito superior baka kanina pa niya ito nasapak.
Loading information completed, anang voice prompt mula sa computer niya. Saved by the voice prompt. Dahil sa interruption ay lumayo na rin sa kanya si Eldwick at napatingin sa monitor ng computer niya. Sakto namang naka-view na sa monitor ang picture ni Leeshan Mino Honrado, ang kanyang target sa same order game of destiny na pauso ng promotor ng kalokohan niyang pinsan na si Ryuji.
"Criminal iyan? Hindi halata ah."
Ngumisi siya nang balingan niya si Eldwick. "Hindi siya criminal."
"O, e bakit gumagawa ka ng profiling niya kundi hindi siya criminal?"
An idea came to her mind. "Siya ang mapapangasawa ko. Background check!"
Sumimangot ito at nagseryosong bigla. "Bawal gamitin sa personal na purpose ang facility ng PNP laboratory. Bababaan kita ng memo," sambit nito sabay walkout.
Hindi niya sineryoso ang sinabi nito. Minsan na rin kasi itong nagpagawa ng ganong assessment para sa nililigawan nito. Alam niyang hindi ito gagawa ng memo dahil may posibilidad na ilaglag din niya ito.
She printed the information and deleted the possible leak. Malinis. Hindi rin made-detect ng main office nila na ginamit niya ang internal confidential information system ng ahensya para sa sarili niyang benefit. Mamaya na niya pag-aaksayahan ng panahon ang target niya pag nakauwi na siya.
The game appeared to be serious and not just a joke this time. Mukhang wala ni isa sa kanilang magkakaibigan ang magpapatalo kaya dapat hindi rin siya. Malaki ang nakataya sa bet niya. Ang magpalda ang pinaka-dark moments of her life. Mas gugustuhin pa niyang mag-shorts kesa maging girlash na girlash sa palda. Malaking parusa sa pagkatao niya ang mapilitang magpalda sa loob ng isang buwan.
BINABASA MO ANG
Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)
Romance"Taste the sweet blends of coffee, sweet thoughts with pastries, and bottomless true love and genuine happiness." Ano nga ba ang mai-offer sa'yo ng isang order ng kape? In this series, a cup of coffee equates to a wonderful love story.